SUMMER POV:
KINABUKASAN, binisita ko si Lola Maria at inabutan ko siya sa balkonahe, sa kanyang tumba-tumba. Medyo matamlay at malungkot siya at matagal na akong nasa paligid bago niya napansin.
Isa ako sa iilang tao na hindi tinatahol ng kanyang mga alagang aso, hindi bababa sa anim o walo. Mga askal pero disiplinado.
Maingat akong naglakad palapit sa kanya, nagdala ako ng adult milk na paborito niya. Yon ang madalas na pinag iipunan ni Helga kapag sumasahod sa wine bar na pinagtatrabahuhan sa bayan.
May kamahalan kung wala kang maayos na trabaho. Pero dahil kumita ako sa unang order sa negosyo ko, nakabili ako ng isang malaking lata at paborito niyang tsinelas na alfombra. Nagtahi din ako ng apron kapalit ng luma niyang gamit noong nagtitinda pa siya sa palengke ng mga halamang gamot. Nakita ko kasi minsan na sinusulsihan niya ang dati niyang apron.
Higit sa lahat ng regalo, dinala ko ang scrapbook ko ng mga larawan namin ni Helga nang magkasama. Si Helga kasi, mahilig mag notes pe