THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE

THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE

last updateLast Updated : 2025-02-03
By:  Jade Tattoo Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
122Chapters
16.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

THE BILLIONAIRE’S PROMDI WIFE Promdi pero palaban. Nang makilala ni Summer ang masungit, mayabang, matapobre at walang puso na si Lyndon Santiago, hindi siya nagpatalo dito. Nagpaalam agad siya pagkatapos ng tatlong araw na bakasyon sa townhouse nito kahit pa nangako ito na tutulungan siya sa napakabigat niyang problema. Pero hindi siya nito pinayagang umalis. Sa halip, sumama ito sa probinsya nila sa Quezon Province at ‘nanilbihan’ sa kanya gaya ng ordinaryong binata dahil gusto raw nitong ‘maningalang-pugad’ sa kanya at itama ang lahat. She fell in love with him fast and—hard. At siya rin ang nag-suggest dito kahit fake na kasal. Handa rin siyang bigyan ito ng anak kahit singdami ng isang basketball team sa Pilipinas kahit na siya ang talo sa huli at walang kasiguruhan. May reward ba si Kupido sa tulad niya na buong puso kung magmahal? ******* Matindi ang sumpang tumama kay Lyndon unang beses pa lang niyang nakita si Summer: Wild sex. Pure lust. Burning passion. Higit sa nararapat. Walang oras na hindi siya nagnanasa sa probinsyanang dalaga. Nawalan ng saysay ang  personal niyang dahilan  kaya wala siyang tiwala kahit kaninong hampaslupa. Iba si Summer. Her name fits her personality. Para itong nagsasalitang konsensya kapag nagkakamali siya. Malupit ang  karmang dumapo sa kaniya. Pero maliban sa kailangan niya itong malahian kaagad, wala na siya ditong ibang pakinabang. Sa mundong pinakamahalaga ang pera, may puwang ba si Summer sa tabi niya? **** AUTHOR'S NOTE: Isinulat ko po ang novel na ito, 6 years ago. Unfinished sa ibang app dahil naging busy. From second pov, inilipat ko sa first pov ngayon kaya humihingi ako ng pasensya sa 'ako' na nagiging 'siya'. Please, bear with me. Salamat po. 😍❤️‍🩹🔥

View More

Chapter 1

CUPID'S CURSE

10:45 PM

NAGPALINGA-LINGA ako mula sa iskinitang pinagtataguan ko. Sinisilip ang Wild Rose KTV bar kung saan labas-masok ang mga costumers na karamihan ay mga lalaki.

Alam kong hindi ligtas para sa akin ang ganoong lugar pero wala na akong maisip na paraan para malutas ang aking problema.

Maghapon din akong nagtanong-tanong muna tungkol dito at nalaman kong hindi lang ito pugad ng prostitution, front lamang ito ng mas maraming ilegal na trabaho gaya ng drug trafficking, human slavery at ilegal na pasugalan.

Tatlong palapag ang gusali. Bar at club ang ibaba. Private rooms daw ang itaas at pasugalan ang huling palapag.

Bago ako sumabak sa giyera, inalam ko rin muna ang ilang impormasyon tungkol sa establishment na ito. Mula sa pangalan ng may-ari, guards sa entrance nito na nilampasan ko na sa parking lot kanina, at kung hawak ito ng ilang tiwaling opisyal ng gobyerno at tama ako sa huli. Nagbayad pa ako ng ilang tao para sa kailangan kong impormasyon.

Ang kapalit, sina Matilda at Impen, mga alaga kong baka at kalabaw na dapat sana ay mamanahin ng kapatid ko, si Jojo.

Seventeen years old ito  nang mamatay ang nanay namin. Isang taon pagkatapos niyon, nabarkada na si Jojo at bigla na lang naglayas at nakulong naman ang tatay ko sa parehong taon.

Sabay sabay na nawala sa akin ang lahat.

Ang kutob ng tatay ko, napasama ito sa masamang barkada, inalok ng ilegal na trabaho dito sa Manila kaya hindi na makauwi.

At bilang ate niya at nag iisang kapatid, hindi ako makatiis na nakaupo lang sa isang tabi habang nililitis ang kaso ng tatay ko.

Ngayon, oras na ng action.

Maghapong sarado ang bar, at dinig ko sa gabi, mga nagtatrabaho lang na GRO ang nakakapasok dito.

Ang tinipid kong pera, nabawasan pa dahil kinailangan kong bumili ng damit na babagay sa club at ilang pirasong make up sa bangketa.

Hinubad ko ang mahaba kong palda, isinunod ko ang nakapatong na blouse kaya nalantad ang tube kong itim na masisilip ang aking cleavage at napaka iksing mini-skirt na halos makikita na ang panty kong suot sa maling kilos. Cotton panty, puti at medyo luma na. Wala kasi akong pambili ng mamahaling lace panty dahil tinitipid ko nga ang aking pera. At sa malas, bukas, kailangan ko na ring umalis sa maliit na hotel na tinutuluyan ko.

Para kapani-paniwala, nagsuot ako ng loops, gold plated at mas malaki pa sa five peso coin at mga burluloy na binili ko sa tabi-tabi.

Ang sabi ng impormante, mas madali sana akong makakapasok sa loob kong may kasama akong date  o VIP client.

Pero dahil wala, susubukan ko na lang.

Bahala na.

Siguro naman sa attire ko ngayon papasukin din ako ng mga bouncers sa entrance.

Kalmado akong naglakad at humakbang papunta sa dalawang bouncers sa ng club na kanina pa nakatingin sa akin. 

Iniisip ko, wala namang mali sa akin kaya hindi ako mahahalata ng mga ito na hindi ako GRO.

Pero dahil hindi ako sanay sa sapatos ko, napahawak ako sa hood ng itim na BMW na nadaanan ko.

Aabot ba ako ng lagay na ito sa pintuan pa lang ng bar?

Sana naman po, Diyos ko. 

*****

LYNDON POV:

10:45 pm.

Nagpalinga-linga muna ako mula sa loob ng kotse ko. Sinisilip mula doon ang Wild Rose KTV bar kung saan karamihan ng naglalabas-masok ay mga lalaki.

Pero may dumaang isang babae ay nakita kong hinaplos yata ng aking kotse mula sa labas.

Gaga yon, ah! Baka magasgasan, may pambayad ba siya?

Pero dahil nakalampas na, hinayaan ko na lang.

Sinilip ko uli ang KTV at hinugot ko na ang susi sa ignition hole.

The place is a mess and I knew to myself that it doesn’t suit my personality. Pero ito lang ang lugar na walang makakakilala sa akin lalo pa ngayong sirang-sira ang araw ko. Kailangan kong magpalipas ng oras at maglabas ng matinding stress dahil pakiramdam ko malapit na akong mabaliw sa buhay ko.

Hindi kailanman ako naligaw sa ganitong lugar pero dahil yata–to the highest  heaven raw ang sama ang ugali ko sabi ng karamihan kaya wala ako kahit isang kaibigang makausap.

Sa kabila ng katotohanang yon, hindi ko pa rin matatanggap ang sinabi ng lolo ko sa akin na: you will sow what you reap.

Isa yong malaking kalokohan.

Ano ba ang maling ginawa ko?

Lumabas ako ng kotse habang kausap ko pa rin ang tauhan ko. Supervisor at nagsusumbong.

“Ano ngayon kung sa construction site sila namatay?” Ibinalibag ko pasara ang pinto ng kotse, inilipat ko ang phone ko sa kabilang kamay. Sinulyapan ko ang dalawang guards na nadaanan ko, nakamasid sa BMW ko. “Hindi ko na problema kong bobo sila sa oras ng trabaho. Legal ang negosyo ko, kumpleto rin sila ng benefits kahit ba palaging late pero kung wala silang suot na PPE  at sa akin sila inabutan ng kamatayan, hindi ko na problema yon! Kung gusto ninyo, sa DOLE kayo magreklamo at bahala na ang legal team ko sa mga tangang katulad ninyo!”

Ini-off ko agad ang phone at ibinulsa ko sa coat.

Binilisan ko ang hakbang papasok ng KTV bar pero may isang sexy na babae na parang lasing na sumusuray. Nauuna sa akin at tila nakikipagpatintero sa daan sa paraan nito ng paglalakad.

Problema ba sa stiletto shoes?

Gusto ko sana siyang  tabigin para makadaan ako nang mas mabilis pero na out of balance siya at instinct lang kaya bigla kong nasalo.

Dumapo sa balat ko ang makinis na batok niya, at dahil doon ay napatitig na ako sa kanyang mukha at daig ko pa ang tinamaan ng Thunderbolt ni Zeus.

Tumigil ang mundo.

Jesus. Hindi ba krimen ang magkaroon ng ganitong mukha sa buong mundo?

Halos kasinglaki lang iyon ng palad ko, pinapayungan ng mahahabang pilikmata na walang fake eyelashes ang maamong paningin. Kamangha-mangha ang mga yon, parang mga babasaging kristal.  Perpekto rin ang tangos ng maliit na ilong at ang labi nito…soft, shiny and kissable na parang nag aanyaya na halikan ko na agad ora mismo.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
SKYGOODNOVEL
wow, ang ganda niyong story na to. highly recommended po
2025-02-03 13:11:31
1
user avatar
Athena Beatrice
Recommended!
2025-01-16 11:41:27
2
122 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status