“CRANDALL!” Bigla akong nagising at napabangon mula sa mahimbing na pagkakatulog ko. I was full of anger, especially when I saw my husband rushing into our room.
“W-Wife? Why? Is... Is there a problem?” bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala habang nagmamadali siyang lumapit sa akin.
Matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya. At nang tuluyan siyang makalapit sa puwesto ko, kaagad ko siyang pinagpapalo sa braso at dibdib niya.
“I hate you! I hate you! I hate you, Crandall!”
“W-What? Why?” nalilitong tanong niya habang sinasalag niya ang kamay ko na patuloy pa ring namamalo sa kaniya. “What did I do, wife?”
“Where did you go, Crandall? Nasaan ang babae mo?”
“Huh?” halos mag-isang linya na ang mga kilay niya habang nakatitig sa akin. Litong-lito ang hitsura niya sa mga sandaling ito. “Portia, what are you talking? Wala akong babae.”
“Liar!” singhal ko sa kaniya. “I saw you. May kahalikan kang babae, Crandall.” Bigla na lamang akong naiyak nang maalala ko na masaya sila nang babaen