Portia’s happy life turned upside down when she witnessed the heinous murder of her boss, her best friend Jass Anne. Para hindi rin siya mapatay nang mga armadong lalaki, tumakas siya hanggang sa napadpad siya sa mansion ni Crandall El Greco, a cold-hearted billionaire. She begged him to help her hide, so that the people who wanted to kill her would not find her. Crandall agreed, but on one condition: she would become his maid. She had no choice but to agree to what he wanted to happen. Pero habang tumatagal na nasa mansion siya ni Crandall, hindi niya rin napigilan ang kaniyang damdamin na mahulog dito. But what if she discovers Crandall has something to do with the death of her friend, Jass Anne? Mamahalin pa rin ba niya ang lalaki o kamumuhian niya ito? Pipilitin pa rin ba niyang makatakas mula sa mga kamay nito or will she stay by Crandall’s side kahit galit at poot na ang nararamdaman niya para dito dahil sa kaniyang mga nalaman? Is she ready to put aside the anger she feels for the sake of her love for him?
View MorePORTIA’s POV
“Portia, kanina ka pa hinihintay ni Miss Jass Anne,” sabi ni Meg nang makasalubong ko ito sa hallway pa lang ng building ng Albatross Publishing Company. “Bakit late ka na naman?” usisang dagdag na tanong pa nito habang tinatanggal ko ang suot kong jacket.Bumuntong-hininga ako nang malalim. “Alam mo naman kapag maulan, sobrang traffic,” sabi ko.“Oo nga! Kaya nga inagahan ko rin kanina.” Ani nito. “Sige na, umakyat ka na sa opisina ni Miss Jass, kanina ka pa hinihintay n’on.”“Sige, thank you!” sabi ko at nagmamadali nang tinungo ang kinaroroonan ng elevator upang pumanhik sa ika-6 na palapag ng gusali kung saan naroon ang opisina ng boss namin.Muli akong nagpakawala nang buntong-hininga bago sumimsim sa kapeng binili ko sa coffee shop na nadaanan ko kanina. Kagaya sa nagdaang mga gabi, sinalakay na naman kasi ako ng insomnia ko kaya madaling araw na ako nakakatulog. Wala naman iyon problema sa akin dahil may manuscript din akong tinatapos. Iyon nga lang, minsan ay hindi ko nakakayanan ang antok ko kapag nasa trabaho na ako. Nakakahiya naman kay Jass kung papasok ako sa trabaho para lang matulog sa puwesto ko!Muli akong napahikab bago tuluyang bumukas ang pinto ng elevator at tinatamad akong lumabas doon. Bago magtungo sa opisina ng boss namin ay dumaan muna ako sa puwesto ko para iwanan doon ang aking bag.“Morning, Portia! Late ka na naman,” nakangiting sabi sa akin ng isa ko pang katrabaho.Napangiti rin ako. “Morning, too. Oo nga, e! Puyat masiyado.”“Hindi naman halata! Fresh pa rin ang look mo.” Ani nito na ikinangiti kong lalo bago napapailing na muling naglakad para magtungo na sa opisina ng boss namin.Kumatok muna ako sa pinto bago pinihit ang doorknob at binuksan iyon. Kaagad ko namang nakita si Jass na nakaupo sa tapat ng lamesa nito habang abala sa ginagawang trabaho. Kung hindi pa ako tumikhim, hindi ito mag-aangat ng mukha para tapunan ako ng tingin. Halatang busy nga ito!“Busy, a!” sabi ko.“You’re here! Come, have a sit.” Ani nito at mabilis na ibinaba ang hawak nitong pen gano’n din ang suot nitong salamin.“Morning! Hinihintay mo raw ako?” tanong ko pagkaupo ko sa visitor’s chair na nasa tapat ng lamesa nito.“Yeah. Actually I was trying to call you last night pa, but you seem to be busy and I can’t contact you.”“Sorry. My phone was off last night. Alam mo na, me time namin ni Alex.” Mabilis na lumiwanag ang mukha ko nang banggitin ko ang pangalan ng boyfriend ko.“Speaking of your so-called boyfriend,” sabi nito. “Kaya kita ipinatawag dito dahil sa kaniya.” Seryoso ang mukha nito.Mabilis namang nagsalubong ang mga kilay ko at napatitig sa mukha nito. “Why? What do you mean?” tanong ko.Bumuntong-hininga ito nang malalim. “Ayoko sana magsalita tungkol sa mga nalaman ko. But, Portia... you are my friend. And you were my very first author here in APC before you became the head editor. And of course parang kapatid na rin ang turing ko sa ’yo kaya ayoko na—”“What do you mean, Jass?” tanong kong muli dahilan upang maputol ang pagsasalita nito. Sa tono at klase kasi ng pananalita nito, alam ko na mahalaga ang gusto nitong sabihin sa akin tungkol sa boyfriend ko. Pero bakit hindi na lamang ako nito diretsohin sa gusto nitong sabihin sa akin? “What?” kibit-balikat na tanong ko ulit nang hindi agad ito nagsalita.Nagbuntong-hininga itong muli. “I saw Alex and Trish on the rooftop yesterday before he met you on your dinner date.”Biglang naging seryoso ang mukha ko dahil sa mga sinabi nito. Ang mga kilay kong halos mag-isang linya na kanina ay mabilis na naghiwalay. Mas lalo akong napatitig dito ng seryoso. “W-what?” nauutal at hindi makapaniwalang tanong ko.“I said Alex is cheating on you again.” Ulit nito. “Portia, sinabi ko na sa ’yo dati pa na hiwalayan mo na ang lalaking ’yan,” sabi pa nito at biglang lumamlam ang hitsura.Alex and Trish are part of this Publishing Company. Magaling na author si Trish samantalang magaling naman na Illustrator si Alex. Ito ang gumagawa sa mga book cover ng Publishing. Matagal na ring alam ni Jass na may relasyon kami ni Alex. Una pa lang ay tumutol na agad ito dahil alam daw nitong lolokohin lamang ako ni Alex, pero hindi ko naman iyon pinaniwalaan. Kaya wala rin itong nagawa sa relasyon naming dalawa. Hanggang sa dumating ang unang pagkakataon na nahuli nito si Alex na nakikipagkita raw sa isang author doon sa rooftop ng building. At first, hindi ako naniwala kasi nagpaliwanag naman sa akin si Alex. And because I love him, pinaniwalaan ko ito. Pero ngayon, heto at sinasabi na naman sa akin ni Jass na muli nitong nakita ang boyfriend ko na kasama si Trish.“Jass—”“Portia, I’m serious. I saw them with my own two eyes. They were kissing on the rooftop. And that’s not the first time I’ve seen them. I’m sorry kung ngayon ko lang sinabi ulit sa ’yo.” Ani nito dahilan upang maputol ang pagsasalita ko.Napailing naman ako kasabay niyon ang pagpapakawala ko nang malalim na paghinga pagkatapos ay napapikit ako nang mariin at hinilot ang aking sentido na biglang kumirot. Napasandal ako sa puwesto ko.“Maybe I’m just dreaming. Hindi totoo ’to! Siguro kasi kulang ako ng tulog kanina—”“Look at this,” sabi ni Jass at mabilis na inilapag sa lamesa ang cellphone nito. “I’m sure that evidence are enough for you to believe me. You’re not dreaming, Portia! Kung nananaginip ka man, ’yon ay ang patuloy mo pa ring mahalin ang lalaking iyan kahit niloloko ka na niya.” Dagdag pa nito nang mag-angat ako ng mukha upang muli itong tingnan.Tinapunan ko rin ng tingin ang cellphone nito na nasa tapat ko na. Nagdadalawang-isip pa ako sa una kung kukunin ko ’yon o hindi. Pero sa huli, wala na rin akong nagawa. Dinampot ko iyon. Saglit akong nagpakawala nang malalim na paghinga bago dahan-dahang sinilip ang screen ng cellphone. Nahigit ko ang aking paghinga nang makita ko nga ang mga pictures na sinasabi nito. Ilang segundo lang din, mabilis na namalisbis ang luha sa aking mga mata. Alex and Trish hugging while kissing. Bagay na siyang nagpasikip bigla sa aking dibdib.Kahapon ay kasama ko si Alex. We celebrated out 6th month as a couple. He was happy yesterday, so I thought I was the reason he had a wide smile on his lips, but it turns out that there was another reason for his happiness.“I’m sorry, Portia!”Humugot ako muli nang malalim na paghinga saka iyon pinakawalan sa ere. Saglit kong sinupil ang aking sarili. “Wala kang kasalanan. You don’t need to say sorry,” sabi ko at mabilis na pinunasan ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. “Where is she?” tanong ko. Kaagad din akong tumayo sa aking puwesto.Napatayo rin bigla si Jass sa puwesto nito. “Portia, don’t cause a commotion—”“I don’t. I just want to talk to her,” mabilis na sabi ko pagkuwa’y walang salita na tumalikod at naglakad palabas sa opisina nito.Bigla namang napasunod sa akin si Jass.Matalas ang mga matang hinagilap ng tingin ko si Trish nang makalabas ako sa opisina ni Jass. Sa bandang dulo ng mga nakahilirang lamesa ng kapwa ko author at editor, doon ay natanaw ko ang babaeng hinahanap ko habang kausap nito ang manloloko kong nobyo. Ang lagkit pa ng tinginan nila sa isa’t isa.Malalaking hakbang ang ginawa ko palapit sa kanilang dalawa.“Portia, hi, good morn—”Hindi naituloy ni Trish ang nais na pagbati sa akin nang biglang dumapo sa makapal nitong pisngi ang palad ko.“Morning!” mariing singhal ko habang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanilang dalawa ni Alex.“Portia, why did you do that?” nagtatakang tanong naman ni Alex sa akin.“Manloloko!” sigaw ko at muling nag-init ang sulok ng aking mga mata. Ilang segundo lamang ay muling tumulo ang mga luha ko. “Mga manloloko kayo!” singhal ko pa. “Bakit Alex? Kailan pa? Kailan mo pa ako niloloko ulit? Bakit? Dahil ba hindi ko maibigay sa ’yo ang gusto mo? Bakit sa babaeng ito pa?” dinuro ko si Trish. “Dahil mas cheap siya kaysa sa akin? Dahil isang aya mo lang sa kaniya papunta sa kama mo ay pumapayag agad ang malandi at higad na babaeng ito?”“Shut up, Portia—”“You shut up, Alex!” singhal ko ulit saka mabilis na dinampot ang makapal na libro na nasa gilid ng lamesa nito at ibinato iyon sa mukha nito. “Gago! Minahal naman kita, a! Kulang pa ba?” patuloy pa rin sa pagragasa ang aking mga luha. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko, ang sakit na nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling ito. Mayamaya ay binalingan ko rin ng tingin si Trish na nakahawak pa rin sa pisngi nitong pulang-pula dahil sa malakas na pagkakasampal ko kanina. “At ikaw, akala ko kaibigan kita? Pero inagaw mo lang pala sa ’kin ang boyfriend ko. Napakalandi mo, Trish! Alam mo ng may girlfriend si Alex pero pinatulan mo pa rin siya!” nanggigigil na sigaw ko.Pinagtitinginan na kami ng mga katrabaho namin.“Portia, enough!” awat sa akin ni Jass nang makalapit ito sa akin.“I trusted you, Alex. Pero sinaktan at niloko mo lang ako.” Mahina man, ngunit puno iyon ng galit at hinanakit. “I trusted you!” umiiling na sabi ko pa bago humakbang patalikod para lisanin ang lugar na iyon.“CRANDALL!” Bigla akong nagising at napabangon mula sa mahimbing na pagkakatulog ko. I was full of anger, especially when I saw my husband rushing into our room. “W-Wife? Why? Is... Is there a problem?” bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala habang nagmamadali siyang lumapit sa akin.Matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya. At nang tuluyan siyang makalapit sa puwesto ko, kaagad ko siyang pinagpapalo sa braso at dibdib niya. “I hate you! I hate you! I hate you, Crandall!”“W-What? Why?” nalilitong tanong niya habang sinasalag niya ang kamay ko na patuloy pa ring namamalo sa kaniya. “What did I do, wife?”“Where did you go, Crandall? Nasaan ang babae mo?”“Huh?” halos mag-isang linya na ang mga kilay niya habang nakatitig sa akin. Litong-lito ang hitsura niya sa mga sandaling ito. “Portia, what are you talking? Wala akong babae.”“Liar!” singhal ko sa kaniya. “I saw you. May kahalikan kang babae, Crandall.” Bigla na lamang akong naiyak nang maalala ko na masaya sila nang babaen
A wide smile spread across my lips as I looked at myself in the full-sized mirror. I want to cry because of the happiness my heart feels at this moment, but I hold myself back because I might ruin my make-up. I was wearing my simple yet elegant off-shoulder wedding gown.A week after, Crandall proposed to me, here we are finally getting married today. Oh, God! I still can’t believe it. My heart is still full of happiness because in a few moments, I will be Mrs. Crandall El Greco. Even though I knew that a week was a very short time for preparing for our wedding, I didn’t object when he suggested getting married right away and thought we could finish everything in a few days. And we made it with the help of important people in our lives, that are also excited for us to get married. Maraming connection si Crandall, maging si Mama Sugar at Papa Damian. Kaya naging madali na lamang ang lahat para sa amin. And there was no problem with the venue of our wedding, because both Crandall a
“OH, PORTIA! Napakasaya ko ngayon na muli tayong nagkita.” Yakap-yakap ako nang mahigpit ng Mama ni Crandall. At nang pakawalan ako nito, ikinulong nito sa mga palad ang mukha ko at ilang beses na hinalikan ang magkabilang pisngi ko. “I missed you so much, hija.”“And I’m happy too na nagkita po ulit tayo, Tita Sugar.”“Oh, come on! You are already part of the family, Portia. Anak na rin kita kaya Mama na rin ang itawag mo sa akin.”Ngumiti ako nang malapad. “Thank you po, Ma.” “At kagaya sa Mama mo, masaya rin ako na nakita ulit kita, Portia.” Anang Papa ni Crandall. Niyakap din ako nito at hinalikan sa pisngi.“Thank you po, Papa Damian.”“Congratulations again to the both of you.”“Thank you, Pa,” sabi ni Crandall sa papa niya. “Hi, Ate Portia!”“Elle!”Kaagad din itong yumakap sa akin nang mahigpit. “I thought I would never see you again.”“It’s been a long a time,” sabi ko.“Congrats again sa inyo ni Kuya Crandall. And... I’m happy. I mean, we are happy to know na may apo na
“I THOUGHT magla-lunch date tayo, babe?” nagtatakang tanong ko kay Crandall habang nasa labas ng bintana ng kotse ang paningin ko. I’m just confused kung bakit nandito kami sa bundok. I mean, maganda ang buong paligid. Puro bundok, mga damo at punong kahoy ang nakikita ko. At parang may malalim na bangin pa sa ’di kalayuan. “Babe!” Nilingon ko siya habang magkasalubong ang mga kilay ko.He gave me a wide smile. And before he answered my question, he stopped his car.“We’ll have a lunch date here, Love.”Mas lalong nangunot ang noo ko at saglit siyang tinitigan nang seryoso. Pagkatapos ay muli akong napatingin sa labas ng bintana. “Are you serious, Crandall?”Narinig ko siyang tumawa nang pagak. “Trust me, Love. You’ll gonna love this day.” Pagkuwa’y narinig ko ang pagbukas niya sa pinto sa tabi niya at umibis siya. Umikot siya sa may puwesto ko at pinagbuksan niya ako ng pinto at inilahad ang kamay sa akin upang alalayan ako. “Careful, Love.”Medyo mahangin ang paligid kaya kaagad na
WHEN I opened my eyes, suddenly, a sweet smile appeared on my lips as I looked at the portrait of me and Crandall hanging on the bedroom wall. I’m sure it was taken the day he proposed to me five years ago. And then I glanced at the window. Maliwanag pa rin sa labas, but I’m not sure what time it is. When I looked next to me, I didn’t see Crandall. Banayad akong nagpakawala nang buntong-hininga pagkuwa’y kumilos ako habang hawak-hawak ko ang kumot sa tapat ng dibdib ko.Nasaan na kaya ang lalaking ’yon?Nang makababa ako sa kama, naglakad ako palapit sa bintana habang hila-hila ko ang makapal na kumot na nakatakip sa hubad kong katawan. A wide smile appeared on my lips again when I saw the beautiful view outside the house. Oh! I really missed this. After five years, makakadungaw pa pala ako sa bintanang ito para tingnan ang buong paligid ng bahay namin ni Crandall. Saglit kong pinagsawa ang paningin ko sa labas bago ako nagdesisyong bumalik sa kama. I let the thick blanket fall to
NARINIG kong inihinto ni Crandall ang kaniyang kotse. I have no idea where we are now because he blindfolded me earlier when we got back in his car. “Babe, where are we now?” tanong ko sa kaniya.“Um, I can’t tell you yet, Love,” sagot niya. “But it’s a surprise for you.”“Hindi mo naman kasi sinabi sa akin kanina na may surprise ka sa akin ngayon. Hindi ko tuloy napaghandaan.”Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at pagkatapos ay naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya ako sa pisngi ko.“I will remove your seatbelt, Love.” “Thank you, babe.” “You’re welcome, darling,” aniya. “Just wait a minute. I’ll open the door for you.” Narinig ko ang pagbukas-sarado ng pinto sa driver’s seat at ilang segundo lang, bumukas din ang pinto sa tabi ko. Kinuha niya ang kamay ko para alalayan ako. “Just be careful.”Hinawakan niya rin ang ulo ko para hindi ako mauntog. “Kinakabahan na naman ako,” sabi ko sa kaniya habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya dahil natat
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments