"Nakakaselos."
Sinalubong ako ng nakasimangot na Tetsu pagkalabas ko ng elevator. Nakabihis na rin ako ng puting button up polo na nakatuck in sa highwaist skinny jeans ko. I tied my hair into a bun and I still don't feel ready to go spend this day.
And thank God, may pinadalang damit ang mga tauhan nila rito. Minsan nga pakiramdam ko parang hindi ako nakidnapp e.
"Anong nakakaselos?" Tanong ko.
"Si Ren na palagi mong kasama. Diba ako yung naghahatid sa'yo sa kwarto mo?"
"OA. Bagal mo kasing kumilos."
Napakamot ito sa ulo niya, "The food was fire that I forgot about you."
Napailing nalang ako. We're currently here at the lobby. Hindi ko alam kung anong trip na naman ng mga kriminal na 'to ngayong araw.
Nakita ko naman si Seiji na nakatayo malapit sa entrance, mukhang hinihintay kami. Unlike Tetsu, na parang wala lang at chill lagi, si Seiji palaging mukhang seryoso.
Tumigil kami sa harap niya. "Ano na naman 'to?" tanong ko, naka-akbay na si Tetsu sa akin na parang sabik sa