"You're kidding, right?" Sabi ko habang tumatawa sa pait. They want me to cook for them, after what I just did back there? Ang swerte naman yata nila kung ganun.
"Well, it's either you cook or you can't go home." Ryu said in his sly smile. "You pick."
Inis ko silang tinignan lahat. Nakaupo na sila at ako nalang ang nakatayo. Huminga ako nang malalim at marahang pumikit, pilit pinapakalma ang sarili dahil baka sumabog ako sa inis.
"Fine." I forced a smile.
"Great. You decide what to serve us."
At ako pa mag iisip?
"I will lead you to the kitchen." Ren offered, about to the stood up but the motherfucker eyed on him. "What?" He asked.
"Let her explore the base." Tugon niya habang nakatingin lang sa'kin.
I frowned. "You really love getting into my nerves."
"Well, sure, I do."
Napairap nalang ako. Walang hiya talaga 'tong lalaking 'to.
Wala rin naman akong choice, so without another word, I turned on my feet and walked out of the room. Hindi ko man lang alam kung saan ako pupunta, but whatever—I'll figure it out.
Habang naglalakad ako sa hallway, napansin kong tahimik at malinis ang lugar. The Ryuketsu base had a mix of traditional Japanese architecture and modern luxury. The wooden floors barely made a sound under my steps, and the dim lighting gave the place an almost eerie calmness.
Habang abala ako sa paghahanda, may narinig akong mahina ngunit matatag na yabag papalapit. Napatingin ako at nakita kong si Ren, nakasandal sa doorframe, pinapanood ako na parang aliw na aliw sa nakikita niya.
"Of course." Napailing ako. Kahit ba naman sa pagluto ko, may gugulo sa'kin?
"You're actually taking this seriously?" tanong niya, bahagyang nakataas ang kilay.
Napairap ako. "Anong gusto mong gawin ko? Tumunganga?"
"Hindi naman," sagot niya, saka lumapit ng kaunti, inilibot ang tingin sa mga ingredients na inilabas ko. "Nagulat lang ako. Akala ko magpapakulo ka lang ng tubig at tatawagin mo nang pagkain."
"Tempting," sagot ko nang sarkastiko, "pero mukhang gusto n'yo pang mabuhay hanggang bukas, kaya eto ako, nagsisikap."
Bahagya siyang tumawa, pero hindi ako natuwa. Alam kong hindi ito ordinaryong sitwasyon. Hindi ako bisita rito—I'm their prisoner. At sa kabila ng lahat, he was acting too casual for my liking.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, hindi na nag-abala pang itago ang inis sa boses ko.
Bahagya siyang tumango papunta sa ingredients na inilabas ko. "Just wanted to make sure we're not being poisoned."
Napangisi ako nang wala sa oras. "Scared?"
"Hindi naman," sagot niya, parang wala lang. "Mas mabuti lang na sigurado."
Kinuha ko ang isang kutsilyo at sinimulang hiwain ang isang piraso ng karne, hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Nah. I'd rather plan an escape and get my revenge with my family after."
"Hmm," tumango-tango siya na parang iniisip ang sinabi ko. "Revenge, huh. Cute."
Napairap ako. "So, anong gusto mo? Manonood ka lang d’yan o may balak kang tumulong?"
Ngumisi siya, pero hindi gumalaw. "I think I'll just watch."
"Figures," bulong ko, saka nagpatuloy sa trabaho.
Alam kong hindi lang talaga tungkol sa lason 'to. He was watching me—observing. Isn't he busy? I'm not really quiet sure with lawyers but I'm pretty sure they have a lots of things to do—more important than watching me cook.
Tahimik akong nagpatuloy sa pagluluto habang ramdam ko pa rin ang presensya ni Ren sa likuran ko. Hindi ko alam kung nagbabantay lang siya o talagang natutuwa siyang panoorin akong magtrabaho, but either way, it was annoying.
Kinuha ko ang isang maliit na kutsara at sinubukan ang sauce na ginagawa ko. Medyo matabang. Kumuha ako ng isang spice jar sa gilid at binuksan ito, pero bago ko pa man mailagay ang pampalasa, nagsalita siya.
"Careful," aniya, hindi pa rin umaalis sa pwesto niya. "Baka isipin namin may nilalagay kang kung ano."
Napangiti ako nang wala sa oras. "Right. Kasi nga, I might poison you." Mabilis akong lumingon sa kanya, hawak pa rin ang spice jar. "Gusto mo bang ikaw ang maglagay? Para naman panatag ang loob mo."
Bahagya niyang tinaas ang kilay, pero hindi gumalaw. "Nah. I trust you."
Napakunot ang noo ko. "You trust me?"
Nagkibit-balikat siya. "You can't even hold a gun."
Hindi ko alam kung insulto ba 'yon o papuri na hindi ko kayang pumatay. Pero imbes na patulan, inismiran ko na lang siya at binalik ang atensyon sa ginagawa ko. "Then, shush and let me do my job."
Narinig ko ang mahinang tawa niya, pero hindi na ako nag-abala pang lumingon. Sa halip, tinapos ko na ang pagluluto.
Makalipas ang ilang minuto, inilagay ko ang huling ulam sa tray at huminga nang malalim. "Tapos na," anunsyo ko, saka siya tinapunan ng tingin. "Gusto mo bang tikman muna bago ihain? Para naman sigurado kang hindi kayo malalason?"
Ngumisi siya, pero hindi lumapit. "I'll pass. Mas masaya kung sabay-sabay nating malalaman."
Napailing ako. "Coward."
"Smart," kontra niya, saka tumalikod papunta sa pinto. "Let's go. They're waiting."
Sinundan ko siya palabas ng kusina, dala ang tray ng pagkain. Pero kahit nagawa ko ang ipinag-utos nila, isang bagay ang siguradong-sigurado ako—hindi ibig sabihin nito na sumusunod na ako sa kanila.
Habang naglalakad kami pabalik sa dining area, ramdam ko ang bigat ng tingin ng ilang tao na nadadaanan namin. Some were curious, others indifferent, but a few had this smug look, as if they were waiting for something to happen.
Ren walked ahead of me, relaxed as ever, habang ako naman ay tahimik lang, dala ang tray ng pagkain. Nang makarating kami sa silid, nandoon na sila—si Ren, nakaupo sa pinakagitna, kasama ang ilan pang miyembro. They looked completely at ease, as if this was just another casual night.
Napatingin sa akin si Ren, ang pamilyar na mapanuksong ngiti nasa labi niya. "That took a while."
"Good food takes time," sagot ko, walang emosyon.
Napangiti siya lalo. "I suppose so." Saka siya sumandal sa upuan. "Then let's see if it was worth the wait."
Dahan-dahan kong inilapag ang tray sa harapan nila, at isa-isa nilang sinilip ang mga putahe. The dishes were carefully prepared—perfectly cooked meat, rich sauce, and an aroma that would make anyone's mouth water.
Tahimik ang lahat. Then, Ryu picked up his chopsticks and took a bite. Everyone watched.
For a moment, walang nagsalita.
Then, he smirked. "Not bad."
Ang ilan sa mga miyembro ay nagsimula na ring kumuha ng pagkain, at sa bawat subo nila, kita sa mukha nila na nagustuhan nila ito. Isa lang ang hindi kumikilos—si Ren.
Tinitigan ko siya, saka sinadyang ngumiti. "Akala ko ba gusto mong siguraduhin na hindi kayo malalason?"
Nagkibit-balikat siya. "I did say that. But if you really wanted us dead, you wouldn't have wasted your time cooking this well."
"Touché," sagot ko, saka ako sumandal sa dingding, pinapanood silang lahat habang kumakain.
Pero kahit mukha silang kampante, alam kong hindi pa rin ako ligtas.
Kaya habang nag-eenjoy sila sa pagkain, isa lang ang nasa isip ko—this is just the beginning.
Habang patuloy silang kumakain, nanatili akong nakatayo sa gilid, hindi makapagpigil na obserbahan ang bawat kilos nila. The way they laughed, casually talked, and enjoyed the meal—it almost looked normal. Almost.
Pero hindi ko pwedeng kalimutan kung nasaan ako.
Ryu rested his chopsticks on the side of his plate and leaned back slightly, his sharp eyes locking onto me. "So, tell me, Madelaine," he mused, swirling the glass of sake in his hand. "Where did you learn to cook like this?"
Napatingin ako sa kanya, pilit pinapanatili ang neutral expression ko. "Here and there."
Nagtaas siya ng kilay, halatang hindi kuntento sa sagot ko. "That so?" Ryu chuckled slightly. "You don't seem like the type to enjoy cooking."
Napairap ako. "And you don't seem like the type to care about what I enjoy."
That earned a few chuckles from the others. Ren just smirked, shaking his head before finally taking a bite.
Ryu tilted his head, amusement flickering in his gaze. "Still isn't enough to forgive you for sabotaging my plan."
"I wasn't even saying sorry in the first place," sagot ko nang walang gana.
He let out a soft laugh before taking a sip of his drink. "Clearly."
Tahimik akong tumayo roon, pinapanood silang unti-unting nauubos ang hinanda ko. They were completely at ease—comfortable even. That should've been a good thing, right? At least, for now, I wasn't on their bad side.
Pero hindi ko pa rin maiwasang isipin—ano ang susunod nilang gustong ipagawa sa akin?
And more importantly...
How long before I find a way out of here?
Habang patuloy silang kumakain, hindi ako mapakali. Alam kong wala na akong magagawa ngayong gabi—wala akong armas, wala akong tiyak na paraan para makatakas, at wala akong kakampi rito. Pero hindi ibig sabihin nun na sumuko na ako.
Kailangan ko lang maging matalino. Maghintay ng tamang pagkakataon.
Nang matapos silang kumain, isa-isa nilang ibinaba ang kanilang chopsticks. Ryu wiped his mouth with a napkin before looking at me again, amusement still present in his sharp gaze.
"That was impressive," aniya, nakasandal sa upuan niya. "Maybe we should keep you as our personal chef."
Napairap ako. "Right. Because that's exactly what I want in life."
Tumawa siya nang bahagya, pero hindi ko pinalampas ang paraan ng pagtitig niya sa akin—parang may iniisip siyang mas malalim. Something I wouldn't like.
"Since you're done here," sabi ni Ren, saka tumayo mula sa upuan niya, "I'll take her back."
Salamat naman! Gutom na gutom na ako habang tinitignan silang sarap na sarap sa luto ko.
Nagkatinginan ang ilang miyembro ng Ryuketsu, pero walang tumutol. "Go ahead," sabi niya, bago ako tiningnan muli. "Don't do anything reckless, woman."
Hindi ko siya sinagot. Pero ang titig ko ay malamig, malinaw na nagpapahiwatig na hindi ko kailanman makakalimutan kung bakit ako narito.
Ren didn't say anything as he led me out of the dining area. Tahimik lang kaming naglakad sa hallway, ang tanging tunog ay ang mahihinang yabag namin sa sahig na kahoy.
Habang naglalakad, hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita.
"Shouldn't you be busy with something else?" tanong ko, hindi siya tinitingnan. "Aren't lawyers supposed to be drowning in work?"
Hindi siya huminto, hindi rin man lang lumingon. "I manage my time well."
"That doesn't answer my question."
"Some things require more of my attention than paperwork," sagot niya, dire-diretsong naglakad, walang kahit anong pag-aalinlangan sa tinig.
Napakunot ang noo ko. "And I just happen to be one of those things?"
"Apparently," he said simply.
Bahagya akong napatigil, pero siya, tuloy-tuloy lang sa paglalakad na parang wala lang.
"You're a... unique case," dagdag niya, walang emosyon, hindi man lang nag-abala akong tingnan.
Umismid ako. "Is that supposed to be a compliment?"
"Take it however you want," sagot niya pa rin nang hindi lumilingon.
"And where am I staying? 'Di ba tayo uuwi sa wasteland niyong mansion?" Tanong ko pa.
"We'll be spending the night here."
Napahinto ako sa harap ng vending machine, para bang may natatanging liwanag sa buong building na 'to. "Oh, finally."
Dire-diretso lang si Ren sa paglalakad, pero wala akong pake. Dumidikit na yata ang sikmura ko sa likod ko sa gutom. Agad kong sinilip ang mga nakahilerang chips, chocolates, drinks—pero mas natuon ang mata ko sa isang bagay.
"Onigiri," bulong ko, halos natutulala. "Holy shit, kailangan ko 'to."
Narinig ko ang mahinang buntong-hininga ni Ren mula sa likuran ko. "We don't normally let our captives eat."
Tumingin ako sa kanya nang may suot pang irap. "Eh, kung isumbong ko kayo sa Aragami at bawiin ang deal na 'yon?"
Nagtaas lang siya ng kilay, hindi natinag. Ako naman, bumalik ang tingin sa vending machine, pero agad kong naalala ang isang malaking problema, wala akong gamit. Wala akong wallet, wala akong pera.
Napakamot ako sa ulo bago dahan-dahang lumingon kay Ren. Hindi ko na kailangang magsalita dahil kitang-kita ko na sa mukha niya na gets na niya.
Napakagat-labi ako, pilit na hindi natatawa. "Uh... libre mo?"
Tinitigan niya lang ako, tahimik. Then, without a word, he pulled out his wallet, inserted some cash into the machine, and pressed the button for the onigiri.
Napangiti ako nang kusa. "Salamat, boss."
"Shut up," sagot niya, sabay abot sa akin ng pagkain.
Tinanggap ko 'yon agad at binuksan, hindi na nag-abala pang magpasalamat ulit. The moment I took a bite, napaungol ako sa sarap. "I love this.”
Ren, on the other hand, just started walking again. "Hurry up."
Habang sumusunod ako sa kanya, ngumunguya pa rin ng masaya, hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya ka-relaxed kahit na ako ang kasama niya.
Nagtaas ako ng kilay habang ngumunguya. "Arigatogozaimasu." I said and chuckled.
He didn't even glance at me.
"That sounds weird," sagot niya nang walang emosyon, tuloy lang sa paglalakad.
Napairap ako. "Grabe ka naman. Hindi ka man lang ba matutuwa na marunong akong magpasalamat in Nihongo?"
"You don't sound sincere."
Napakunot ang noo ko. "Hoy, sincere kaya ako!"
"Hindi halata," sagot niya, still not looking at me.
Napaatras ako nang bahagya, sinamaan siya ng tingin kahit hindi naman niya ako tinitingnan. "Alam mo, Ren, nakakainis kang kausap minsan."
"Then stop talking."
Nanlaki ang mata ko. "Excuse me?"
He finally stopped and turned slightly, just enough to glance at me with that unreadable expression of his. "Kumain ka na lang."
I scoffed. "Jerk."
Ngumiti lang siya nang bahagya, it was barely noticeable—bago muling naglakad.
Napatingin ako sa natitira kong onigiri, then back at him. Bwisit. Bakit parang kahit hindi niya ako tinitingnan, parang alam pa rin niyang asar na asar ako?
Pagdating namin sa harap ng pinto ng silid ko, tumigil siya at tahimik na tiningnan ang knob bago lumingon sa akin.
"Get some rest," aniya, still not showing any emotion. "May trabaho ka bukas."
Napairap ako, saka sinadyang mabagal na kumagat sa natitirang bahagi ng onigiri ko bago magsalita. "Wow. Ang bait mo naman, concerned ka sa pahinga ko."
He didn't react. "Just don't mess everything up and you'll live."
Binuksan niya ang pinto at hinayaan akong pumasok bago niya ito dahan-dahang isinara sa likuran ko.
Saglit akong tumayo sa gitna ng kwarto, tinititigan ang pintuan kung saan siya nawala. Kahit anong pilit kong intindihin si Ren, hindi ko pa rin mabasa kung anong iniisip niya. Minsan pakiramdam ko wala siyang pake, minsan naman parang sobrang keen niyang obserbahan ang bawat galaw ko.
Napabuntong-hininga ako at tumingin sa maliit na bintana ng kwarto. Labas, tanaw ko ang madilim na kalangitan ng Tokyo—isang malamig na paalala na hindi ito ang mundo ko.
Ngumunguya pa rin ako nang bumagsak ako sa kama, hawak ang balot ng kinain kong onigiri.
"At least may laman na 'tong tiyan ko," bulong ko sa sarili.
Pero kahit busog na ako, hindi pa rin nawala ang bigat sa dibdib ko. Bukas, I'd be sent out on a mission—not knowing what kind or anong kapalaran ko bukas.
I fucking miss my family. Nasaan na kaya sila? I hope they're home safe.
And if I screw up... I don't even want to think about what happens next.
"Nakakaselos." Sinalubong ako ng nakasimangot na Tetsu pagkalabas ko ng elevator. Nakabihis na rin ako ng puting button up polo na nakatuck in sa highwaist skinny jeans ko. I tied my hair into a bun and I still don't feel ready to go spend this day. And thank God, may pinadalang damit ang mga tauhan nila rito. Minsan nga pakiramdam ko parang hindi ako nakidnapp e. "Anong nakakaselos?" Tanong ko. "Si Ren na palagi mong kasama. Diba ako yung naghahatid sa'yo sa kwarto mo?" "OA. Bagal mo kasing kumilos." Napakamot ito sa ulo niya, "The food was fire that I forgot about you." Napailing nalang ako. We're currently here at the lobby. Hindi ko alam kung anong trip na naman ng mga kriminal na 'to ngayong araw. Nakita ko naman si Seiji na nakatayo malapit sa entrance, mukhang hinihintay kami. Unlike Tetsu, na parang wala lang at chill lagi, si Seiji palaging mukhang seryoso. Tumigil kami sa harap niya. "Ano na naman 'to?" tanong ko, naka-akbay na si Tetsu sa akin na parang sabik sa
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Parang huminto ang mundo ko nang makita ko sila Peter, Yeraz, at Miles.Hindi ako pwedeng magkamali. It's them. I'm literally seeing them now. "What the hell are you doing here?" Si Miles ang unang nakapagsalita. His voice was shaky, as if he couldn't believe what he was seeing. His brows furrowed in confusion and something deeper—hurt? Relief?"H-Holy shit..." bulong ni Peter, nangingilid ang mata. "It's really you."Pero ang hindi ko kayang tingnan nang direkta ay si Yeraz. He wasn't saying anything, pero kitang-kita sa mga mata niya ang naglalagablab na emosyon. His jaw clenched. His fists tightened at his sides.Gusto kong tumakbo sa kanila.Gusto kong sabihin sa kanilang ilayo na nila ako rito, na tulungan nila akong makabalik.Pero bago pa ako makagalaw, may mahigpit na kamay na pumulupot sa braso ko."Miles—""Madelaine." Madiing boses ni Tetsu sa tabi ko. His grip was firm—not painful, but a warning. "Don't."Napalingon ako sakanya, naguguluha
I waited till the sun down. I stayed at the base for a long time kahit ayoko sa lugar na ito dahil dito nila ako unang kinulong. Nag antay pa rin ako ng ilang oras para makita sila. I just hope that Ryu keep his promise—I mean, my favor, fulfilled.I decided to go down the lobby para maghanap ng maiinom. To my surprise, napangiti nalang ako sa nakita ko. Dahil pagdating ko sa lobby, andun na sina Yeraz, Peter, at Miles. Kita ko agad sa mukha nila ang pag-aalala, lalo na kay Peter na parang hindi makapaniwala na andito pa rin ako sa teritoryo ng Ryuketsu.Behind them was Seiji, Tetsu and Sato—and other Ryuketsu people. It was like guarding them. I suddenly felt a warm hand on my shoulder. It was Ryu, gently pushing me to walk towards my friends. "Savor this moment, Salvatierra." Hindi ko nalang sya pinansin. I broke the contact of his hand on my skin at sinalubong sila. Wala pang isang minuto, si Miles na ang unang lumapit at sinilip ako from head to toe."Buong-buo ka pa naman, 'n
"Do you guys have any idea how much I wanna punch you on the face?" Nanggigigil ko sabi, "like literally right now." "On a scale of 1 to 10, hmm," sabat ni Sato na may hawak-hawak pang coffee mug. "Maybe a hundred." "I'm glad you're aware." I faked smile, "so you fucking mean na pinagday-off niyo yung mga housekeeper dito para ipaglinis ako? Ganun ba?" "Kala ko ba bored ka." Sagot naman ni Ren na nilampasan ako. "I'll be at my room. Pahinga lang ako." Napanganga ako habang nakatingin kay Ren na parang walang kasalanan. "Tangina, hindi ito yung tipo ng boredom na sinasabi ko!" Tumawa lang si Sato at uminom ng kape niya. "Look at the bright side, at least hindi ka nakakulong ngayon." "Oo nga," dagdag ni Tetsu na kararating lang, may dala pang ilang papel. "And besides, mas okay na 'to kesa sa wala kang ginagawa buong araw." Napatingin ako sa paligid. Ang laki ng mansion, kakayanin mo bang linisin ang mga kalat nila? Putangina naman oh. Pinisil ko ang sintido ko. "Gusto ko lan
His gaze flickered with something unreadable the second he saw me. Hindi ko alam kung nagulat siya o hindi lang niya inasahan na makikita ako rito. His expression remained unreadable, but his eyes roamed over me—taking in my dress, my appearance, the fact that I was even here at all.I lifted my chin slightly, pretending I wasn't affected by the way he was looking at me. Pero sa totoo lang, kinakalampag ang puso ko. Ano ba 'to? Ngayon lang naman ako nag-dress ng ganito, bakit parang big deal?Pagkababa ko ng hagdan, hindi si Ryu ang sumalubong sa akin kundi sina Tetsu, Sato, at Seiji. Agad na napalingon ang tatlo sa direksyon ko, at halos sabay-sabay pa silang nagtaas ng kilay."Damn, Madelaine," sabi ni Tetsu, nakangisi habang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa."Pucha, para kang ibang tao," dagdag ni Sato, tila hindi makapaniwala. Seiji, being the least talkative among them, simply nodded in approval. "You look... nice."Napairap ako pero hindi ko napigilan ang maliit
A dull pounding echoed inside my skull as I slowly opened my eyes. The sunlight filtering through my curtains made me wince.I groaned, burying my face into the pillows. My whole body felt heavy—like I'd been dragged through the night and tossed into bed.Wait.How the fuck did I get here?The last thing I remembered...The pool. Conversation with Seiji. Then—fuck, I don't care. Ang importante buo pa ako. I glanced down. I was still wearing my dress from last night, but my heels were gone. Someone must have taken them off.I dragged myself out of bed and changed into something more comfortable. I stepped out of my room as I made my way downstairs. My bare feet felt cold against the hardwood floor as I moved through the quiet halls.Pagdating ko sa dining area, I stopped in my tracks.What the hell?The usual filthy, noisy atmosphere of the mansion was nowhere to be seen. Instead, the boys were—Cooking? Joke ba 'to? And what's more surprising is wala akong nakikitang kalat from las
Ryu exhaled sharply, rolling his shoulders back. "Forget it," he muttered, slipping his hands into his pockets. "Let's move on."I narrowed my eyes at him, half-expecting him to push the topic further. But to my surprise, he didn't. Salamat naman dahil baka maubusan ako ng isasagot. Tetsu smirked. "Sparring?"A grin spread across Sato's face. "Now that's more like it."My lips twitched upward. Finally, something I'm actually good at.Ryu crossed his arms, glancing at me. "You're joining?"I raised a brow. "Why wouldn't I?""Volunteer ako as ka-sparring ni Madelaine!" Sigaw ni Yuta habang taas taas ang kanang kamay. "Don't worry, I'll go easy on you.""I don't mind if you won't." I shrugged.The boys let out amused chuckles, clearly entertained by my confidence.As soon as Seiji signaled the start, Yuta lunged forward—but before he could even get close, I dodged smoothly, making him stumble slightly."Teka lang," Tetsu called out, amusement lacing his voice. "Yuta, dahan-dahan ha. Bak
Yuta was deep asleep. Nagpaalam muna kami sa mga nurses at nakiusap na bantayan nang mabuti si Yuta dahil aalis muna kami. Ren's got business to do and I want go home to change clothes. Ang lagkit lagkit ko na sa dugo ni Yuta. Pagdating namin sa mansyon, Ren barely put the car in full stop nang bumukas agad ang pinto at bumaba ako. I was exhausted, but my mind was wide awake. Ang dami ko pa ring iniisip, lalo na 'yung tungkol kay Ranma at kay Miori."Go take some rest. I'll try my best to be at home tonight," sabi ni Ren habang bumababa rin ng sasakyan.I smiled. "Do what you gotta do, Ren." Tumalikod na ako at pumasok sa loob.Pagkapasok ko sa mansyon, ramdam ko agad ang bigat ng katawan ko. Para akong lalagpak sa sahig sa pagod, pero mas nangibabaw ang lagkit na nararamdaman ko. The dried blood on my skin felt disgusting.I headed straight to my room, locking the door behind me. Hindi ko na inabala pang tingnan ang paligid. I just peeled off my stained clothes and rushed to the bat
Bata palang ako. Hindi ko na naramdaman ang pagmamahal ng isang ama. Pero hindi kailanman nagkulang sa'kin si mama. She's the best person I ever had. She was my safe space. Noong nawala sya, parang nawala na rin ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Dahil kung uuwi ako, dalawa lang ang pupuntahan ko. Bugbog at walang makain. Kaya pumasok ako sa iba't ibang klaseng trabaho para buhayin ang sarili ko. Na hindi humihingi ng tulong sa kinilala kong ama na si Malcolm. Ilang taong nakalipas, nakilala ko si Zeus. Napakalakas nga ng timing niya kasi 18th birthday ko pa. Sinong mag aakalang magdedebut ako sa bahay ng mga magnanakaw? Ang astig lang diba. Pero hindi ko gusto ang ideyang yon sa una palang. At the same time, I have nowhere to go. Kaya kumagat ako sa offer niya at marami akong nakilalang tao. Doon nagsimulang magbago ang takbo ng buhay ko. Nandito ako ngayon sa rooftop ng ospital. It's been a day since I woke up. Hinihingal pa ang hangin, malamig, pero hindi nakakakil
Madelaine's point of view. Parang may pumitik sa loob ng dibdib ko. Isang banayad na pagtulak. Hindi malakas—hindi rin masakit. Parang paalala lang.And then, the weight in my chest lifted.Huminga ako.Dahan-dahan. Mabigat. Parang unang hinga ko ulit sa mundo.But before this peace—there was noise.Flashes. Chaos."Code Blue—room 509! She's crashing!"Voices shouting. Tumutulak ang mga kamay sa dibdib ko. Isa, dalawa, tatlo."Charge to 200!""Clear!"Sa panaginip, may ilaw akong tinahak. Dahan-dahan.Tahimik.Parang lumulutang lang ako sa kawalan.Walang ingay. Walang sakit. Walang galaw.Puti ang paligid—malambot sa mata, parang ulap na niyakap ako. Walang pader, walang sahig, pero hindi rin ako nahuhulog. I was just... there.Hanggang sa may narinig akong yapak. Mahinang hakbang, dahan-dahan, pamilyar.Napalunok ako kahit hindi ako sigurado kung buhay pa ba ako. "Hello?" tawag ko, pero parang walang tunog na lumabas sa bibig ko.Then I saw her.Dahan-dahang lumabas sa liwanag ang
Third person's POV. Two weeks later..."Sa tingin mo... bagay ba 'to sa kanya?" tanong ni Lilith, halos hindi marinig ang boses habang maingat na inaayos ang puting tela sa mga daliri niya.Tumango si Ravika, kahit nangingilid ang luha sa mata. "Lahat naman bagay sa kanya," bulong nito. "Mamimiss ko siya.""Mas lalo ako..." sagot ni Lilith, impit ang hikbi habang pinipilit ngumiti. Tinitigan niya ang simpleng damit na hawak, dumampi ang hinlalaki niya sa lace sa gilid nito.Tahimik ang paligid. Ang langit sa labas ay makulimlim. Walang ibang naririnig kundi ang marahang paghinga, ang tunog ng tela na hinahaplos ng kamay, at ang paminsang pagsinghot.Walang nagsalita.Sa kabila, sina Miles at Zeus ay parehong tahimik. Zeus was polishing a silver necklace—Maddy's necklace. Isang simpleng pendant na binili niya para kanyang anak. "Parang kailan lang buo pa tayo e," bulong ni Miles. "Namimiss ko na si Maddy."Yeraz didn't answer. His silence said more than words could.Ilang segundo pa
Naglalakad kami palabas ng teritoryo ng Kimura. Mabigat ang katahimikan sa bawat hakbang, parang hangin sa gabi na ayaw umalis sa paligid namin. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Si Seiji, nasa likod lang, nakayuko. Si Tetsu, tahimik na nakasunod. Si Sato, tahimik din—unusual para sa kanya.Sa tabi ko, naglalakad si Ren. Pareho kaming walang masabi. Lahat kami pagod. Lahat kami ubos.Hanggang sa napahinto si Sato at napatingin sa paligid."Alam niyo..." panimula niya. "Pwede bang, just this once... inom tayo?"Nag-angat si Seiji ng kilay. "Sa gitna ng ganito?""Mas lalo nga ngayon," sabat ni Sato. "We need a break. Just for one night."Tahimik pa rin ang lahat. Pero sa loob ko, alam kong lahat kami gusto 'yon. Kailangan namin 'yon."May kilala akong lugar," ani Ren sa wakas. "Tahimik. Walang istorbo."Napatingin ako sa kanila. Isa-isa silang tumango."Sige," sabi ko. "Let's go."Tahimik ang biyahe. Walang gustong magsalita. Ang tanging naririnig lang ay ang pag-ikot ng gulong sa kals
Wala akong maramdaman. Parang nasa loob ako ng isang malalim na bangungot na ayaw akong bitawan."She's alive," ang sabi ng doctor kanina. Pero yung sumunod—"there's a chance that she might not make it"—yun ang paulit-ulit na umuugong sa tenga ko.Nakatayo lang ako sa hallway, nakatitig sa sahig na tila ba may makikita akong sagot doon. Nasa paligid ko sina Ren, Seiji, Tetsu... walang umiimik. Si Zeus, nakaupo sa gilid, nakayuko.Then biglang—Mabilis. Malakas.Napa-urong ako.Tumama ang kamao ni Yeraz sa panga ko at halos matumba ako sa lakas."Putangina mo, Yamada!” sigaw niya, galit na galit. "You promised her! You promised her no one gets hurt!""Yeraz!" awat ni Ravika habang hinawakan ang braso niya. Pero hindi siya nagpatinag."Kapag may nangyari sakanya, babalikan kita. Alam mo 'yan," banta pa niya, nanginginig sa galit at lungkot.Hindi ako sumagot. Wala akong mailabas. Wala akong masabi. Kasi alam ko—tama siya.Ako ang dahilan.Ako ang target.At si Maddy ang natamaan.Tumali
Ryu's point of view."MADDY!"Nabingi ako sa sabay-sabay nilang sigaw sa pangalan niya kasunod ng malakas na putok.Napalingon ako.At doon ko siya nakita.Si Madelaine.Nakatayo pa—pero nanginginig, hawak ang tagiliran, tinatakpan ang sugat. Nakatingin siya sa sariling kamay, basang-basa ng dugo. Para bang hindi siya makapaniwala.Then... she collapsed.Parang binura ang lahat ng kulay sa paligid ko. Parang huminto ang mundo. Tumingin lang ako sa kanya habang dahan-dahan siyang bumagsak sa malamig na sahig.Biglang nandilim ang paningin ko.No. This can't be happening.Anger crawled up my spine like poison, mabilis, matalim. It wrapped itself around my heart until there was nothing left but fury.I fucking told her I'd keep her safe.And now—No. No more.Hinugot ko ang baril ko—ang baril na lagi kong dala, ang baril na matagal ko nang hindi ginagamit para pumatay. Pero ngayon, it felt right in my hand. Too damn right.I pulled the trigger.Sunod-sunod.Lahat ng kalaban na makita ko—
Zeus' point of view. It was fourth of July when I invited the last member of my group. She was my bestfriend's—well, not anymore—daughter. At the age of 18, naging independent na ito. That's what I admire about her. I approached slowly. Nakasuot pa ako ng simpleng polo, walang badge, walang pangalan. I didn't need those. She didn't look surprised to see me—parang alam na niyang darating ako."You're Zeus," sabi niya, diretso sa punto."Madelaine," I replied.Tahimik."Why me?" tanong niya. Diretso rin. Walang drama. Walang paikut-ikot.I looked her in the eye and said, "Because the world already tried to break you... and you're still here."Nagkibit-balikat lang siya. "Maybe I'm just too stubborn.""Maybe. But I know potential when I see it."And something else I didn't say aloud:She looked like her mother.Carbon copy. Lahat. Yung tikas, yung mata, pati yung tahimik na tapang na hindi mo agad mapapansin.Amy, I I hope you know you raised a beautiful kid. Strong. Fierce. With just
Tumawa si Ally."She's not even scared," bulong ni Wallace.Sato scoffed, "told you, she's a psycho." Mas hinigpitan pa ang pagkakahawk sakanya. "Ouch, bro."Lumingon si Zeus, calm as ever, kahit may barrel sa sentido niya. "Ally," panimula niya, mababa ang tono, "this doesn't have to end this way."Ally's smile twitched. "And what would you know, old man?"Zeus didn't blink. "A lot. I've seen people like you... full of pain, trying to find power in revenge."He took a slow breath. "But you're smarter than this. So if you could just—breathe—stay calm, we'll talk."Tumahimik ang lahat. The guards tightened their grips, but they were waiting too.Ally started ranting again. "You think I want to talk?! After what he did to me? What all of you took?!"Pero wala na akong naririnig. I was staring at Zeus. And he was staring at me.That look—steady, silent, commanding.Then I saw it. His lips moved, barely."Now."And then—BOOM. Lahat gumalaw sabay sabay.Nagulat ako nang makita ang Ryukets
Maddy's point of view."Who the fuck was that?" Inis kong tanong. "I'm not leaving him alone with her!""Maddy, I understand your—""Sino ba kasi yon? Ren," nilingon ko sya, "Sino yon?!" He sighed heavily. "She's one of our workers here in the Philippines at noong pinansin na sya ni Ryu, she became obssessed. Ryu needed a shoulder during those days... Ally was there."Hindi ako makasagot. Kung ganun, wala pala akong kalaban laban doon. Ang dami namang babaeng dumaan sakanya. Baka pati ako dadaanan niya lang din. "But Mads, walang something sakanila ni Ryu. Hindi niya type yon." Sabi naman ni Tetsu. "And she's psychologically diagnosed with OLD, may traits yon ng borderline personality disorder, takot syang mawala sa paningin niya si Ryu. She's not mentally unstable." Si Seiji. "Hindi niyo ba sya pinagamot? Therapy?" Si Lilith naman ang nagtanong. "We did kaya nagulat kaming makita sya rito." Tumigil ang ingay sa paligid ko. Ang mga sinabing iyon ni Seiji ay umalingawngaw sa teng