Samantala, sa maliit na kubo sa gilid ng palengke, tahimik na nakaupo si Sara habang nakatitig sa kawayan na dingding. Kakababa lang ng tawag ni Adrian, at ang bawat salitang sinabi nito ay tila nagsasayaw pa rin sa kanyang isipan.
“Ako raw ay may kakambal…”
Hinawakan niya ang dibdib, ramdam ang mabilis na pintig ng puso. Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila may kilig at takot sa kanyang mga ugat. Parang matagal na niyang alam, ngunit ngayon lang nabigyan ng pangalan.
Lumapit si Nanay Glenda, dala ang isang tasa ng mainit na salabat. “Anak, halika na’t uminom ka muna. Kanina ka pa tulala riyan.”
Tahimik na tinanggap ni Sara ang tasa. Nanginginig ang kanyang mga daliri.
“Nay… may sinabi si Adrian,” mahinang wika ni Sara, halos pabulong, habang nakatitig sa tasa ng salabat na bahagya na lang ang usok. “Yung babaeng hinahanap ko… yung kamukha ko raw… pumunta sa resort. Baka raw… baka kakambal ko siya. Nasa kabilang isla. Naghahanap sa’kin.”
Biglang napahinto si Tatay Romero sa pagsasa