Merida’s POV
Dumating na ang araw na pinagkahinihintay ko. Ang paghaharap namin ni Evos sa court room. Pero may konting problema, si Vivi ay wala na siyang paramdam sa’kin. Na para bang naglaho nalang siya bigla.
Makailang ulit ko na siyang tinawagan pero hindi ko ma-contact ang numero niya. No’ng nakaraang araw pa siyang ganto.
“Hindi pwedeng hindi siya makarating.” Ang sabi ni attorney na gaya ko ay nababahala na rin. “Isa siya sa key witness natin maliban kay Lisa. Kung hindi siya makakapunta, mahahanapan tayo ng butas ni attorney Virgil.”
Sinabi na ni attorney Enami sa’kin na kilala at tanyag na abogado ang nakuha ng mga Rendova. Hindi yun basta-basta dahil ilang kaso na ang naipanalo no’n kung kaya mas lalo kong kailangan si Vivi ngayon.
Gusto ko ng maiyak at halos dumugo na nga ang labi ko sa kakaantay sa kaniya.
“Stop biting your lips.” Napatingin ako kay Danny na mariing nakatingin sa’kin. “Or I’ll bite it for you.”
Agad ko siyang sinamaan ng tingin lalo pa’t kita ng kinakabaha