Pagod na pagod na si Merida pakisamahan ang kaniyang asawa at kaniyang mga in-laws na ang buong attention ay nasa stepsister lang niya. Sa limang taon na kasal sila ni Evos, ginawa siyang alila ng biyenan niya at hindi siya kailanman tinuring ni Evos na asawa. Hanggang sa dumating sa puntong nalaman niya ang pagtataksil nito at iisa lang ang nais niyang mangyari, ang takasan ang asawa niyang taksil.
View MorePaaaakkk!
Isang malakas na sampal ang aking natamo mula kay mama Hazie, ang aking mother-in-law matapos kong matapunan ang gown ni Vadessa ng tea.
“Hindi ka nag-iingat! Bakit ba ang tanga-tanga mong babae ka?”
Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko sa sakit ng pagkakasampal niya sa'kin. Pakiramdam ko e parang nabali ang leeg ko.
“Mama, ayos lang po. Huwag niyo ng saktan si ate.” Sabi ni Vadessa na pinipigilan si mama na saktan ulit ako.
Napahilot si mama sa kaniyang ulo.
“Umalis ka dito sa harapan ko Merida.”
Tumingin ako kay Vadessa, ang aking stepsister. Nasa pangangalaga ko na siya mula ng 13 years old pa siya dahil namatay ang mga magulang namin pagkatapos kong maikasal kay Evos Rendova.
Ngunit hindi kagaya ko, mahal si Vadessa ng mga in-laws ko. Tinuring nila itong tunay na anak at kapamilya.
“Sige na ate, umalis ka na. Magbihis ka na rin dahil magsisimula na ang party mamaya.”
“Pasensya ka na Vadessa at nasira ko ang debut gown mo.”
“Ayos lang ate. Marami namang niregalo sa akin si kuya Evos na gown.” Aniya sabay ngiti.
Nakagat ko ang labi ko at umalis. Pero bago ko isara ang pinto, narinig ko pa si mama na nagsalita. “Kahit kailan, lampa ang babaeng iyon. Ewan ko ba, sana matauhan na ang anak ko at hiwalayan na niya yun.”
Bago pa tuluyang malaglag sa sahig ang luha ko, tumakbo na ako papasok ng kwarto ko.
Umiyak ako ng ilang minuto. Kahit anong gawin ko, hinding hindi ako matatanggap ng mother-in-law ko.
Maya-maya pa, lumapit ako sa salamin at tinignan ang sarili.
Maliban sa namamaga kong pisngi, puno rin ng pawis ang aking katawan dahil tumulong ako sa paghahanda para sa 18th birthday ni Vadessa.
Nakagat ko ang labi ko nang makita na napaka-losyang ko na kahit 23 years old pa lang ako.
“Ma’am Merida, papasok po ako!” Napatingin ako sa pinto nang kumatok si Vivi, ang aming katulong.
“Tulungan ko na po kayo magbihis ma’am.” Sabi niya nang buksan niya ang pinto.
Tumango ako at nagmamadali naman siyang pumasok. Pero agad napatigil nang makita ang pisngi ko.
“Sinaktan po ba kayo ulit ni Evangeline, ma’am?” puno ng pag-aalala ang boses niya.
“H-Hindi. Si mama..”
Napasinghap siya at namilog ang mga mata. “Sobra na po si ma’am Hazie. Hindi na tama itong ginagawa niyang pananakit sayo.”
“Kasalanan ko naman Vivi. Huwag nalang natin pag-usapan. Sige na, tulungan mo na akong makapaghanda.”
“Pero ma’am-“
“Sige na Vi. Please…”
Walang itong nagawa kun’di ang sundin ako. Nagtungo siya sa closet para maghanap ng damit ko.
“Ma’am, wala po ba kayong bagong dress?”
Umiling ako. “Wala Vi. P-Pero may itim akong dress diyan, pwede na yan.”
“Pero ma’am, ilang beses niyo na po kasing nasuot ito. Ang luma na po nito. Hindi po ba kayo binigyan ni sir Evos?”
Umiling ako. Ni hindi nga niya naalala na ngayon ang ikalimang wedding anniversary namin.
Nalukot ang mukha niya. “Naiinis na talaga ako kay sir Evos ma’am. Bakit hindi ka niya binibigyan ng damit samantalang halos araw-araw siyang nagriregalo kay Vadessa. Ni hindi nga niya siguro alam na wedding anniversary niyo tapos wala pa siyang pakialam na sinasaktan kayo ng mama niya.”
Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtulo ng luha ko.
Ni isang beses, walang binigay si Evos sa akin na regalo. Ni hindi rin niya ako pinagtanggol mula sa pamillya niya.
“S-Sige na.. A-Ayusan mo na ako.”
Makikitang naawa si Vivi sa’kin habang inaayusan niya ako. At kahit na luma ang damit, sinubukan pa rin niya na pagandahin ako.
Pagdating ko ng pool area kung saan gaganapin ang party, nakita ko si Evos na isinasayaw na si Vadessa habang may ngiti sa labi.
Nagsimula na ang party, na hindi man lang ako hinintay.
Ang asawa ko ang 18th roses ni Vadessa. Masiyadong malapit ang dalawa na halos magyakapan na sila. Alam kong mangyayari ito, pero hindi ko alam bakit sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Ganito na ba sila kaclose na halos magkadikit na ang katawan nila?
Bakit? Bakit nagagawa ng asawa kong ngumiti sa kapatid ko ng ganyan habang sa akin ay hindi?
“Asawa ba yan ni Evos Rendova?”
Napatingin ako sa isang guest na nagsabi no’n.
“Oo. Ang ganda ng asawa niya tapos ang bata pa.”
Nagbaba ako ng tingin. Kumuyom ang kamao ko. Walang masiyadong nakakaalam na ako ang tunay na asawa. Masakit marinig na napagkakamalan ng iba ang kapatid ko na totoong asawa ng asawa ko.
Nang mapatingin ako sa harapan ulit, nakita ako ni Vadessa at binigyan niya ako ng kakaibang ngisi na ikinagulat ko.
Sa oras na ito ay kinukutuban ako.
Is that intentional?
Pero hindi. Kapatid ko siya, at alam kong hindi niya ako magagawang saktan.
Ako ang nagpalaki sa kaniya.
Hinatid siya ni Evos sa upuan niya at pinaupo para alalayan ng mensahe mula sa mga mahal nito sa buhay.
Nagmamadali akong pumunta sa harapan dahil ako ang kapatid kaya kasama ako pero bigla akong hinarangan ng isang katulong.
“Saan ka pupunta?”
“Magbibigay na ng mensahe sa debutant. I should be there.”
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
“Kung pupunta ka doon sa ganyang ayos mo, papahiyain mo lang si Ms. Vadessa. At pinapasabi pala ni ma’am Hazie na kunin mo ang cake at dalhin dito.”
Nagulat ako kasi bakit ako ang uutusan e trabaho iyon ng server? I’m the wife, I am not the maid here.
“Ano pang tinatayo mo diyan? Gusto mo ba siyang galitin?”
Napatingin ako kay mama at nakita ang nakamamatay niyang tingin sa akin. Nakagat ko ang labi ko at umalis para kunin ang cake sa buffet table.
Gusto ko na talagang umiyak. Alam kong unfair.
Dapat pinapahalagahan rin nila ako kasi isa akong Rendova, asawa ako ni Evos na tagapagmana ng Rendova Enterprises.
Pero bakit nila ako tinatrato na parang katulong? Ni hindi nila ako mabigyan ng regalo… 5th wedding anniversary rin namin ito ni Evos, bakit wala akong party?
Kagat-labing kinuha ko ang maliit na cake sa buffet table at naglakad papunta kina Vadessa.
Ngunit napansin ko ang mga tao na nakatingin sa akin.
“Who is she? Katulong?”
“Or perhaps, a relative of debutant?”
“No. I think I’ve seen her once. I think, asawa yan ni Evos.”
“What? Asawa yan? No way! She looks so cheap and ugly.”
Na-conscious ako sa itsura ko. Ganito ba ako kapangit para magulat sila asawa ako ni Evos? Dahil sa hiya, binilisan ko ang lakad ko nang biglang nabali ang takong na suot ko.
Alam kong mahuhulog ako sa pool, kaya pumikit na lang ako. Napahiyaw na rin ang mga tao sa paligid. Pero nagulat ako nang maramdaman na may kamay na humawak sa likuran ko.
Nang imulat ko ang mata ko, isang matangkad, gwapo at matipunong lalaki ang nakita kong nakadungaw sa akin habang kunot ang noo.
‘S-Sino itong lalaking ito?’
Nanunuot sa ilong ko ang pabango nito. Napapikit ako sa sarap ng amoy..
Bigla niya akong itinayo at nagulat ako nang bigla niyang ilapit ang katawan niya sa akin…
“You’re not a maid here. You shouldn’t be doing that.” He said it calmly but coldly na walang kahit anong pangungutya, at saka siya naglakad palayo.
Napasunod ang tingin ko sa kaniya.
“Hindi ba si Danny yun?” rinig kong sabi ng babae na nasa tabi ko.
Danny?
Aidan's POV (Back story) "Kuya, ayoko sumama. Pinagbabawalan na ako ni papa na malate ng uwi e." Sabi ni Merida. Kumunot ang noo ko. I don't like it that she's rejecting me. "Then sa Sunday, you promised me na lalabas tayo." Biglang namula ang pisngi niya. "Titignan ko kuya." "Ilang beses na ba kitang pinagsabihan? Huwag mo ko tawaging kuya." Kinagat niya ang mapula niyang labi. "Okay.. Pero ang weird kung tatawagin kita sa pangalan mo e." "And what's weird about that?" "You're older than me." What is she implying? "Sinasabi mo bang mukha na akong matanda kaya ayaw mong tawagin ako sa pangalan ko lang?" Mas lalong namula ang mukha niya. This is what I've noticed about her. Ang dali-dali niyang mamula. "Then paano kung Danny na lang imbes na Aidan?" Natigilan ako sa pangalan na binanggit niya. It's cute at wala pang tumatawag sa akin no'n maliban ngayon. "Kung ayaw mo, hindi naman ako-" "Who told you na ayaw ko? Okay. Call me Danny. I like it." Nakita
Sa sasakyan, agad akong tumikhim para kunin ang attention ni Aidan.“May tanong ako Dan.”“Hmm..” Aniya na ang tingin ay nasa unahan lalo pa’t pinapaandar na niya ang sasakyan.“Hindi mo ba ex si ma’am Monique?”“Hindi.” Sagot niya na walang pag-aalinlangan.“Talaga ba?”“Yeah. Why? Is there something wrong?”Hindi ko siya nakitaan ng kahit na anong kaba sa mukha. Like he’s telling the truth na wala talaga silang relasyon ni ma’am Monique.“Wala naman. I just ask. Siguro nago-overthink lang ako pero kasi kanina, nung sinabi mo kay Aris na dumalo siya sa kasal natin, nakita ko ang reaksyon ni ma’am Monique na para siyang nasaktan.”Though kanina, hindi siya umiyak. Nakangiti niya nga kaming binati ni Aidan. Tipong nasaktan lang siya ng isang minuto tapos may maskara na siyang nasuot agad.“Really? It’s hard to believe, babe.” Aniya na para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. “Impossibleng magustuhan ako ni Monique.”“Paano ka naman nakakasiguro na impossibleng magkagusto siya sayo
“Sir, ako na po bahala kay ma’am.” Ang sabi ni Lovely, ang personal caretaker ni tita Fe. Dumating siya kanina at pinakilala sa akin ni Aidan.Ngayon ko lang napagtanto na yung love na katawagan niya noong nagpapanggap siyang bodyguard ay Lovely pala ang pangalan.“Okay love, thank you so much for your help.” Tumingin sa akin si Lovely at gaya ni Aidan ay napasalamat din ako sa kanya. Gusto ko sanang sabihin kay Aidan na sa amin na lang yung mama niya at ako na lang ang mag-alaga pero alam kong impossible dahil kailangan ko ring magtrabaho. Kaya plano ko na lang na dalaw-dalawin si tita para na rin mapamilyaran niya ako at baka ay kahit papaano maging close kami.Nauna na ring umalis kanina si Lucio at kami ni Aidan ay nagbabalak ng umuwi dahil gabi na rin at kailangan pa niyang pumasok sa trabaho bukas dahil may meeting pa siyang kailangan na puntahan.Napaka-busy niya tapos kailangan pa niyang alagaan ang mama niya.Nang bumaling siya sa akin, agad niyang kinuha ang kamay ko at
Bago pa nakabalik si Aidan, hindi na kami nag-uusap ni Lucio. Hindi na rin ako nagpumilit pang magtanong dahil baka nga ay sumakit pa ang ulo ko gaya nang nangyari kanina.Hindi pa rin ako naniniwala sa sinasabi niyang may selective amnesia ako kasi walang rason para magkaroon ako ng ganoon.“Hey, you okay?”Napatingin ako kay Aidan nang bigla niyang hapitin ang beywang ko. Tumango ako at ngumiti. Kung totoo mang nagkita na kami noon, then bakit ko siya nakalimutan?Hindi ba sabi ni Lucio ay posible ang selective amnesia kung nakakatrauma ang karanasang sinapit ko? Kung ganoon ba, ang pagkikita namin ni Aidan ay isang trauma sa’kin?Impossible naman yatang mangyari yun.“You looked pale. Inaway ka ba ni Lucio?”Nabalik ako sa reyalidad nang sabihin niya yun kaya tuloy, ay wala sa sariling bumaling ako kay Lucio at naabutan siyang pinapanood pala kami.“Hindi. Bakit niya naman ako aawayin?” natatawa kong tanong.Sumimangot si Aidan at tinignan ang best friend niya.“Dahil masama ang uga
Merida’s POVKinabukasan, sinama ako ni Aidan sa hospital. For the first time, nakita ko ang mama niya. Kamukha siya ng mama niya at sobrang ganda ni tita Fe.Glorife Swarez Roquez ang buong pangalan ni tita.“She’s like an angel,” mahinang sabi ko.Tumango siya. “She was the best mom no’ng hindi pa kami iniwan ng ama ko.”Kagabi, Aidan told me his story. Na iniwan daw sila ng papa niya at pinagpalit sa ibang babae dahilan kung bakit nalulong ang mama niya sa bisyo at nasiraan ng bait.“Dan.”Napalingon ako sa pinto at nakita ko si Lucio na pumasok.“Brute! Salamat sa pagbabantay kay mama.” Lumapit si Aidan sa kaniya at niyakap siya.“It’s nothing. Kagagaling lang din pala dito ni Aris at saka Monique.” Sabi ni Lucio sabay sulyap sa’kin.“Oh okay.. Where are they? Nakauwi na?”“Yeah. May trabaho pa daw na gagawin si Monique and same with Aris.”Tinignan ko ng mabuti ang reaction ni Aidan. Kung banggitin niya si ma’am Monique ay parang wala lang talaga sa kaniya. Kaya kung ano man yung
Monique’s POV“Salamat,” sabi ko nang bigyan ako ni Beth ng isang baso ng juice. Matapos naming magkasagutan ni Merida kanina, agad akong nagtungo sa bahay ni Beth Floreza, ang kaibigan ko na dating nagtatrabaho rin sa hotel ni sir Aidan.Si Beth ang napangasawa ng kabigan ni sir na si Lucio Floreza.“Naku ma’am Monique, ayos lang yun.” Sabi ni Beth at ngumiti. “Matagal na rin nang huli tayong magkita. Kamusta naman ang trabaho?”“Naku Beth, maraming nagbago mula no’ng magresign ka.”Mas naging busy ako, lalo na nang mawala si sir Aidan dahil sa pagsunod niya kay Merida. Ako ang lahat na gumagawa ng trabaho niya.“Mas naging mahirap bang e handle si sir Aidan ngayon? Balita ko kay Lucio ay may bago daw siyang pinagkakaabalahan. Isang divorced woman daw. Totoo ba yun ma’am?”Tumango ako. “Totoo yung sinabi ni sir Lucio, Beth. In fact, fiancée na niya ang babaeng yun.” Sabi ko at uminom ng juice.“Hindi ako makapaniwala. Akala ko pa naman ay kayo ni sir Aidan ang magkakatuluyan.”Agad ak
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments