Nanatili na kami sa aming kinauupuan dahil ipagpapatuloy na ang trial na ito.
Tinawag na si Anila sa harapan. Kagaya ng sinasabi ko noon, sipsip rin siya sa pamilyang Rendova kagaya ni Vadessa. Natatakot akong gagawa siya ng kwento para palabasing maayos ang pagsasama namin ni Evos.
“Anila Salvo, ang pinakamatagal na nanilbihan sa pamilyang Rendova at kanilang mayordoma. Tama?”
“Tama, attorney.”
“Bilang isa sa pinakamatagal na nanilbihan sa pamilyang Rendova, pwede mo bang sabihin kung anong mga napansin mo sa mag-asawang Evos at Merida?”
“Unang una sa lahat, nalulungkot ako sa mga nangyayari. Ito ang kauna-unahang beses na nasaksihan ko ang divorce mula sa pamilyang minahal ko. Ayokong may isang myembro sa pamilyang Rendova ang mawala.”
Ang galing! Napakasinungaling pero no’ng nagpunta ako ng white house, halos hindi niya ako magawang galangin? Wala nga siyang pinagkaiba kay Vadessa.
“Si sir Evos, wala akong masabi sa kaniya kasi napakabait na bata ni sir. Alam ko yun kasi isa ako sa