Celina's Point of View*
Nalula ako sa sobrang laki at lawak ng school na nasa harap ko ngayon. Hindi siya makapaniwala na meroon pa lang school na malapalasyo ang datingan. Siguro sobrang yaman ng mga estudyante rito at sa sobrang yaman nila, ay parang mga royalty na ang datingan.
Nasa paaralan ba talaga ako? Totoo ba itong nakikita ko? Kung dito ako mag-aaral, ay malaking opportunity ito para sa ako. Maaari akong magkaroon ng magandang kinabukasan. Pero sa sobrang ganda ng school na ito magkano naman ang tuition dito? Napapaisip tuloy ako kung bagay ba ako rito o hindi.
"Sorry for keeping you waiting." Napatingin ako kay Massimo nang narinig ko ang boses niya sa likod ko. Meroon siyang dala na brochure at ibinigay sa akin nang makalapit siya sa akin. "Nandiyan lahat ng mga kailangan mong malaman tungkol sa paaralan na ito. Basahin mo 'yan ng maayos para makapagdesisyon ka kung dito ka mag-aaral."
"I don't think kailangan ko pang basahin 'to para lang makombinsi ko ang sarili ko na ri