Celina and her mother move to the opulent Montanelli mansion, where Celina meets Massimo Montanelli, the rebellious eldest son known for his playboy ways. Despite her innocence, Celina finds herself drawn into Massimo's world, discovering unsettling secrets about the Montanelli family. As she becomes entangled with Massimo, their relationship deepens, revealing a side of him that is passionate and loving. However, when Celina's mother uncovers the family’s dark secret, they flee, leaving Celina behind. Massimo, now engaged to someone else, breaks his promise to return, leaving Celina heartbroken and pregnant. Determined to build a happy life for her son despite Massimo's betrayal, Celina moves on. Years later, Massimo returns, seeking to be involved in his son’s life. Celina fiercely protects her child, but Massimo’s ongoing love for Celina complicates matters. He ultimately chooses his fiancée but seeks forgiveness from Celina. Through their emotional reconciliation, they rediscover their love, leading to a bittersweet but hopeful resolution where they strive to build a future together.
View MoreDalawang taon na ang nakakalipas, pero naghihintay pa rin si Celina ng tawag ng kaniyang pinakamamahal na Massimo.
Ang sabi ni Massimo, ay babalikan siya nito, at kapag nangyare 'yun, ay bubuo na sila ng sarili nilang pamilya. Pero hanggang ngayon, ay hindi pa rin nagpaparamdam ang lalaki sa kaniya. Ang gusto niya lang naman, ay maging masaya at makasama si Massimo, pero parang pinaglalaruan sila ng tadhana. Ilang taon na siyang nagmomove-on, pero hindi pa rin niya makalimutan si Massimo. Sinabi man ni Massimo na hintay siya, pero mas pinilit pa ni Celina na kalimutan siya. Dahil hindi naman niya alam kung babalik pa si Massimo o hindi na. Gusto niyang maging handa kung sakaling dadating ang panahon na 'yun, pero umaasa pa rin si Celina na dadating at babalik sa kaniya si Massimo. Nakangiti si Celina habang nakatingin sa picture nilang dalawa ni Massimo. Ito pa yung araw na masaya silang dalawa at wala pang nakakaalam na may relasyon sila. Ilang beses ipinalangin ni Celina na sana bumalik siya sa nakaraan, kahit alam niya na hindi naman ito mangyayare. Napatingin siya sa kama nang marinig niyang umiyak ang kaniyang lalaking anak. Si Mason Xion Fenck. Ang anak nila ni Massimo. Hindi alam ni Massimo na meroon silang anak na one year and three months old. Nilapitan niya ang anak niya, at binuhat sabay pinahele para makatulog ulit. Si Mason ang bunga ng kanilang pag-iibigan at masaya siya dahil dumating ang anak nila sa buhay niya. Hindi siya nagsisisi na ipinanganak ito, kahit mag-isa lang siya. Nine months siyang naghirap at hanggang ngayon ay kinakaya niya pa rin, dahil kailangan niyang maging malakas para sa kanilang anak. Papalakihin niya ito ng maayos kahit wala ang tatay nito. "Ang pogi naman ng baby Mason ko. Kamukhang-kamukha ng daddy Massimo niya. Paano kaya kung alam ng daddy mo na buntis si mommy? Iiwan niya pa kaya tayo?" mahinang sabi ni Celina habang nakatingin sa maamong Mason na natutulog na. "Namimiss ko na ang daddy mo at balang araw magiging masaya tayo at mabubuo na ang pamilya natin." Dahan-dahan na ibinaba ni Celina ang sanggol sa crib nito at agad na lumabas ng kwarto para makapaglinis ng condo. Ang condo na kung saan sila nakatira, ay regalo sa kaniya ni Massimo noong naging sila. Kaya araw-araw niya itong nililinis para hindi maging luma at mamaintain ang kagandahan nito. Black and white ang kulay ng mga furniture and appliances nito. Ito ang pinili niyang kulay dahil kay Massimo. "Mas maganda atang maglinis kapag may music." Hindi naman maririnig sa kwarto, dahil sound proof ito. Kaya confident niyang binuksan ang tv para sana buksan ang youtube at doon magpatugtog, pero bumungad sa kaniya ang mukha ni Massimo. --- **Breaking News: Renowned Massimo Montanelli Announced Engagement to Seraphina Hawthorne** Sa isang nakakagulat na pagliko ng mga kaganapan, ang iginagalang na pilantropo at negosyante, si Massimo Montanelli, ay opisyal na nagpahayag ng kanyang pakikipag-ugnayan sa kaakit-akit na socialite, si Seraphina Hawthorne. Ang anunsyo ay dumating sa isang matalik na pagtitipon ng malalapit na kaibigan at pamilya sa Montanelli estate sa Willow Creek, Eldoria, kung saan ang mag-asawa ay romantikong na-link sa loob ng ilang buwan. Si Massimo Montanelli, na kilala sa kanyang mga pagsisikap sa kawanggawa at matalinong katalinuhan sa negosyo bilang isa sa CEO ng Montanelli Group, ay matagal nang naging kilalang tao sa pandaigdigang pagkakawanggawa at pamunuan ng korporasyon. Ang kanyang pakikipag-ugnayan kay Seraphina Hawthorne, isang sumisikat na bituin sa mataas na lipunan na kilala sa kanyang adbokasiya na gawain sa pangangalaga sa kapaligiran at sining, ay nagdulot ng malawakang interes at paghanga sa kanilang mga kapantay. Ang engagement ring, isang nakamamanghang diamond heirloom na ipinasa sa mga henerasyon ng pamilya Montanelli, ay sumisimbolo sa kanilang pangako sa isa't isa at nakabahaging dedikasyon sa pagkakawanggawa at responsibilidad sa lipunan. Ang mga kaibigang malapit sa mag-asawa ay naglalarawan sa kanilang relasyon bilang isang maayos na timpla ng paggalang sa isa't isa, ibinahaging pagpapahalaga, at isang malalim na pagnanasa sa paggawa ng positibong epekto sa lipunan. Si Seraphina Hawthorne, na ang angkan ng pamilya ay nakaugat sa akademya at pangangalaga sa pamana ng kultura, ay nakakuha ng pansin para sa kanyang mga makabagong diskarte sa napapanatiling pag-unlad at mga hakbangin sa pagbibigay-kapangyarihan sa komunidad. Ang kanyang pakikipag-ugnayan kay Massimo Montanelli ay nagpapahiwatig ng isang unyon hindi lamang ng mga puso kundi pati na rin ng kanilang kolektibong pananaw upang lumikha ng makabuluhang pagbabago sa mundo. Habang nagsisimula ang mga paghahanda para sa kanilang nalalapit na kasalan, dumarami ang mga haka-haka sa listahan ng bisita, na inaasahang magsasama ng mga kilalang tao mula sa negosyo, pulitika, at sining. Ang kasal ng mag-asawa ay inaasahang maging isang engrandeng kapakanan, na sumasalamin sa kanilang pangako sa pagdiriwang ng pag-ibig, pagkakaisa, at ang kapangyarihan ng pagbibigayan sa lipunan. Manatiling nakatutok para sa higit pang mga update sa nakakaakit na kuwento ng pag-ibig na ito at ang pinakabagong mga pag-unlad sa buhay nina Massimo Montanelli at Seraphina Hawthorne. Ang kathang-isip na ulat ng balitang ito ay gumagawa ng isang salaysay tungkol sa pakikipag-ugnayan ng dalawang kilalang tao, sina Massimo Montanelli at Seraphina Hawthorne, na nagbibigay-diin sa kanilang mga background, mga nagawa, at ang kaguluhang nakapalibot sa kanilang paparating na kasal. --- Napatakip ng bibig si Celina sa kaniyang narinig at hindi niya namalayan ang mga luha na tuloy-tuloy ang pag-agos nito. Ano ang kaniyang narinig at nakita? Hindi naman totoo ang new na napanood niya hindi ba? Dahil babalik pa sa kaniya si Massimo. Magiging masayang pamilya sila at magkakaroon pa ng ama ang anak niya. Hindi pwedeng mapunta lang si Massimo sa ibang babae dahil meroon silang anak. "Bakit?" Napaupo si Celina sa sofa. "Ang sabi mo babalik ka, bakit?" Mas nilakasan ni Celina ang kaniyang iyak dahil gusto niyang ilabas ang kaniyang hinagpis. Nanginginig at sobrang bilis ng tibok ng puso niya na para bang inaatake siya ng anxiety at ilang minuto lang ay maaari siyang mahimatay. Pero wala siyang pakeelam sa nararamdaman niya. Nakafocus ang utak niya kay Massimo na may kasamang babae. Sobrang saya ng dalawa ng news at mas nasaktan siya nang biglang halikan ni Massimo ang babae. Para bang nasira ang puso niya sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Biglang natigil sa pag-iiyak si Celina at tumayo. Naglakad siya papunta sa kusina kung saan niya nakita ang kutsilyo na pwede tumapos sa kaniyang buhay. Wala na rin namang say-say ang buhay niya at mas lalong wala na ang taong mahal niya. Hindi na ito babalik sa kaniya dahil masaya na ito iba. Dalawang taon niyang hinintay. Dalawang taon siyang naghirap. Dalawang taon niyang minahal si Massimo at umasa siya na babalik pa ito. Umasa siya sa isang papel na hindi naman totoo ang nakasulat. Walang laman ang isip ni Celino kung hindi ang tapusin ang sarili niya. Gusto niya nang mawala sa mundong ito, dahil hindi wala siyang karapatan para mabuhay at maging masaya. Ang taong nagpapasaya sa kaniya, ay iniwan siya at sumama sa iba. Ipinangako ni Massimo sa kaniya na siya ang papakasalan nito, pero iba ang papakasalanan nito. Si Seraphina ang nanalo at ito siya ngayon handa nang tapusin ang kaniyang buhay. Handa na sana siyang kuhain ang matalim na bagay, pero napahinto siya nang biglang umiyak ng malakas ang anak niya. Na para bang sinasabi nito na huwag niyang ituloy ang ninanais niya. Malakas na sumigaw si Celina at napaupo sa sahig. Nakalimutan niya na meroon siyang anak na kailangang buhayin. May anak siya na muntikan niya nang iwan dahil sa lalaking iniwan siya. "I'm sorry, Mason." Binuhat niya ang kaniyang anak, sabay malakas na umiyak. "Sorry nakalimutan ka ni mommy. Hindi na gagawin ni mommy 'yun. Sorry, anak." Paulit-ulit na humihingi ng sorry si Celina sa kaniyang anak. Habang hinehele niya ang anak niya, ay sumasabay ang kaniyang luha. Wala pa ring tigil ang pagtulo nito. Nawala sa isip si Celina kanina kaya naisip niyang magpakamatay at hindi niya iyon sinasadya. Iyon ang pinakapinagsisisihan ni Celina na ginawa niya. Kailangan niyang naging matatag para sa kaniyang anak. Papalakihin niya ang anak niya kahit wala siyang kasama. Gusto niyang lumaki na maayos ang anak niya, pero kung dadating man ang araw na makikilala o magtanong ito kung nasaan ang tatay niya, ay sasabihin niya ito Sasabihin niya rin kay Massimo na meroon silang anak kahit may iba na itong pamilya, dahil karapatan ni Massimo na makikila ang anak niya. "Mahal na mahal ka ni mommy, Mason. Hinding-hindi kita iiwan." Hinalikan ni Celina ang noo ni Mason at sabay pinatulog ito ulit. Hindi man maganda ang mga nangyayare sa kaniya. Ang mahalaga, ay meron siyang anak na kayang magpasaya sa kaniya. Anak na hinding-hindi siya iiwan. Ang ginawa niya na lang ay kantahan ang kaniyang anak para makatulog ito at matigil sa pag-iiyak.Kanina pa ako nakaupo rito sa sofa habang pinagmamasdan ang mga estudyante na masayang kumakain. Ito namang si Noah ay hindi mapakali dahil kanina niya pa ako niyayaya na libutin ang school na 'to. pero hindi ako pumapayag dahil mas gusto ko na si Massimo ang kasama ko. Ayaw ko naman sabihin sa kaniya na ayaw ko siyang maging tour guide dahil baka maoffend siya, kaya ang sinasabi ko na lang ay tinatamad akong maglakad."Samahan mo na lang ako kung saan nagmemeeting sina Massimo, dahil may kailangan akong sabihin sa kaniya." Tamad kong tinignan si Noah kaya napakamot na lang siya ng ulo. "Bakit? Hindi ko ba pwedeng istorbohin si Massimo kapag nasa meeting? May kailangan lang talaga akong sabihin sa kaniya.""Pwede naman, pero hindi kasi gusto ni Massimo na iniistorbo siya lalo na kung nagmemeeting sila. Baka mawala lang siya sa mood.""Pinsan niya ako kaya hindi naman siguro siya magagalit kung may sasabihin lang ako sa kaniya." Nakita ko siyang tumungo kaya tumayo siya sabay harap sa
Celina's Point of View*Nalula ako sa sobrang laki at lawak ng school na nasa harap ko ngayon. Hindi siya makapaniwala na meroon pa lang school na malapalasyo ang datingan. Siguro sobrang yaman ng mga estudyante rito at sa sobrang yaman nila, ay parang mga royalty na ang datingan.Nasa paaralan ba talaga ako? Totoo ba itong nakikita ko? Kung dito ako mag-aaral, ay malaking opportunity ito para sa ako. Maaari akong magkaroon ng magandang kinabukasan. Pero sa sobrang ganda ng school na ito magkano naman ang tuition dito? Napapaisip tuloy ako kung bagay ba ako rito o hindi."Sorry for keeping you waiting." Napatingin ako kay Massimo nang narinig ko ang boses niya sa likod ko. Meroon siyang dala na brochure at ibinigay sa akin nang makalapit siya sa akin. "Nandiyan lahat ng mga kailangan mong malaman tungkol sa paaralan na ito. Basahin mo 'yan ng maayos para makapagdesisyon ka kung dito ka mag-aaral.""I don't think kailangan ko pang basahin 'to para lang makombinsi ko ang sarili ko na ri
Third Person's Point of View*Tumatakbo si Nirvana habang ang kaniyang mga katawan, ay nanginginig, pati na rin ang kaniyang mga luha, ay patuloy na lumalabas sa kaniyang mga mata.Natatakot at kinakabahan siya para sa kaniyang kaibigan. Ang akala niya, sabay silang lalabas para maging ligtas, pero hindi niya inakala na papasok pa rin ang babae sa loob para lang tulungan ang mga ibang estudyante na makatakas. Hindi niya alam ang nangyayare sa loob ng paaralan ngayon, pero ginagawa niya ang sinabi sa kaniya ni Xia na tawagan ang pangalan na Maxio. Hindi niya kilala kung sino 'yun, pero iyon ang unang nakita niya sa calls ng kaibigan kaya iyon ang paulit-ulit niyang tinatawagan. Ang hindi niya lang maintindihan kung bakit hindi man lang sumasagot ang lalaki.Kung kailan kailangan ng tulong ni Xia, ay doon naman wala ang pamilya niya para tulungan niya. "Sumagot na kayo please!" nanginginig na saad niya sa kaniyang sarili habang nakalagay ang cellphone ni Xia sa kaniyang tenga. Kanina
Meaxiana Point of View* "Nirvana," tawag ko sa aking kaibigan, pero hindi niya ako pinapansin dahil busy siya sa kakabasa ng isang libro na ang pamagat ay 'All I Want Is You' it's a romance novel. Kaya hindi ako makarelate sa binabasa niya dahil wala naman akong balak magkaroon ng asawa. "Vana!" sigaw ko kaya ibinaba niya ang kaniyang libro sabay nakakunot na tumingin sa akin. "Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin. Pinagpalit mo na ba ako ngayon sa libro mo? Hindi mo ba nakikita na nabobore na ako rito?" Bumuntong hininga si Vana at inilagay ang libro niya sa kanyang bag kaya napangiti ako. "Bakit kasi hindi ka rin magbasa? Iyon lang naman ang inaatupag natin dito sa garden ng school." "Wala ako sa mood magbasa ngayon dahil nagugutom ako. Sa tingin mo ba masarap ang pagkain ngayon sa canteen?" "Pareparehas lang naman ang pagkain doon kaya huwag ka na maghanap ng masarap. Kung gusto mo ng masarap sa labas tayo kumain." Tumayo si Vana kaya tumayo na rin ako. "Tara
Habang kinakantahan nila si Noah ay nakatingin lang ako kay Massimo na nakatayo sa sabi ni Noah. Seryoso lang ang expression nito na parang hindi siya masaya na birthday ng kaniyang kaibigan.Ako naman ay nasa tabi lang, dahil ayaw kong makipagsiksikan sa mga taong nakaligod sa kanila. Kaya tahimik lang ako rito habang hinihintay si Massimo. Gusto ko na sanang magpahinga na dahil kanina pa ako pagod, pero ayaw ko namang pigilan si Massimo sa gusto niyang gawin. Kaya sumama na lang ako sa kaniya. Saka nakikita ko naman sa kaniya na gusto niya na nandito siya kahit hindi halata sa kaniyang mukha.Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa sabay pinicturan ng patago si Massimo. Pagkatindot ng pagkapindot ko ng button, ay tumingin si Massimo sa camera kaya mabilis kong tinago ang phone ko, pero mas napunta ang atensyon ko nang biglang lumitaw sa screen ko ang pangalan ng nanay ko.Nakalimutan ko siyang tawagan kanina pagkapunta ko sa lugar na ito. Bago ko sagutin ang tawag, ay lumabas mu
"Are you ready to go home?" Napahawak ako sa noo ko nang agad kong naalala na wala pa pala akong tutulugan dito. Buti na lang at pinaalala sa akin ni Massimo. Hindi ko pa naman alam kung saan ako matutulog at gabi na rin. "What? Are you okay?" Tinignan ko ang nag-aalalang mukha ni Massimo sabay ngumiti ng pilit."Hindi ko pa alam kung saan ako matutulog ngayon. Pagdating na pagdating ko kasi rito, ay dumeretsyo agad ako sa'yo. Hindi ko na naisip kung saan ako matutulog ngayon." Nakita kong ngumisi si Massimo sabay ginulo ang buhok niya."It's ok, you can sleep in my apartment," seryosong sabi niya sabay tingin sa akin na parang hinihintay niya ang magiging sagot ko. "What? I will accept a no for an answer. You're my girlfriend, I can't let you sleep somewhere without me," dagdag niya pa kaya hinawakan ko ang kamay niya."Hindi ka ba natatakot na baka magalit ang magulang ko kapag nalaman nila ang relasyon natin?" Biglang nagbago ang aura niya na kaya nagkaroon ng saglit na katahimikan
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments