Nagkatinginan ang mga kumakain sa canteen at nagbubulungan. Anyare at ano ang nakain ng isang CEO na piniling kumain sa kanilang canteen sa halip na sa isang mamahaling restaurant?
“Baka minamatyagan tayo,” bulong ng isa.
“O baka naman nag hygiene check sa canteen natin,” sabat naman ng isa.
“Ano? Hindi niya trabaho iyon ah,” sabi naman ng ikatlo. “Baka lamang nagsawa na sa pagkain sa mga restaurant at nais mamuhay bilang ordinaryong tao na kagaya natin.”
Kampante lamang na kumakain ang lalaking may malamig na aura na para bang hindi nito nahalata