MJ agrees to a marriage of convenience with her boss, CEO Julius, to cover her father’s medical bills—nothing more, nothing less. In order to appease his dying grandfather, who demands that Julius marry and have a child in order to preserve the family fortune, Julius needs a wife. When the grandfather dies, the marriage will be dissolved and MJ will get the money she sorely needs in return for her cooperation. But as they go through with their fake marriage, a bond that neither of them had expected develops between them. Julius, known for his business-first personality, starts to let his guard down, revealing a side of him that’s unexpectedly tender. As their arrangement draws to a close, MJ, who vowed never to fall in love, begins to cross the fine line between duty and love. Will their feelings lead to something permanent, or will they part ways in the end, with broken hearts and shattered dreams? Can a marriage built on a lie become something more, or is it doomed to fail?
View MoreNanginig ang anit ni Jackie. Huminga ito nang malalim, at ngumiti ng may pag-aalinlangan. "Ay, oo nga pala, nakalimutan ko palang banggitin iyon. I should know. I designed it. Masyado ka namang maselan dahil napansin mo ito. Go back to your seat at maupo ka na."Hindi gumalaw si MJ at nanatili lang ito sa harapan, na may inosenteng ekspresyon sa kanyang mukha."Direktor Jackie, hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ang dami kong alam tungkol sa disenyo mo?"Nakaramdam si Jackie ng panginginig sa kanyang buong katawan. Talagang dehado siya kay MJ na kalma lang at puno ng kumpiyansa sa sarili. Napaisip siya na gumagawa lamang si MJ ng eksena. Isa pa, wala itong hawak na matibay na ebidensya."At bakit andami mong alam? Espiya ka ba? Ha? Are you spying on me?"“I am the one who drew this design.”Namangha ang lahat ng nakarinig. Kung gayon ay hindi si Direktor Jackie ang may-ari ng mga disenyo! Umugong ang balita sa buong silid.“What a joke! Stop with your lies, MJ. You don’t have any e
Nang bumalik si MJ sa Design Department, bitbit nito ang kanyang computer at mukhang malungkot. Mabilis na lumapit sa kanya si Janisa at nagtanong, "Anyare? Bakit hiniling sa iyo ni Sir Julius na dalhin ang iyong computer sa kanyang office? Anong pakay niya?"Lingid sa kanilang kaalaman, nakikinig pala si Jackie sa kanilang usapan. Nagtago ito sa likod ng isang poste para hindi nila mapansin.Napabuntong-hininga si MJ at nagkunwaring pagod. "Gustong makita ni Sir Julius ang mga design drawings ko, pero sira ang computer niya. Napagbuntunan tuloy ako ng kanyang galit dahil sira rin ang computer ko."Nababanaag ang pangamba sa mukha ni Janisa. "Kakatakot naman. Pakiramdam ko ay pinagalitan din ako ni Sir Julius. Sana ay okay ka lang."Ang mga taong nakapaligid sa kanila ay nagpanting ang mga tainga. Dahil sa narinig ng mga ito, gumaan ang kanilang pakiramdam dahil naliwanagan sila. Base sa pahayag ni MJ, tila hindi interesado si Sir Julius sa babae. Sa katunayan ay minamaliit siya nito.
Biglang lumingon si Julius sa kanyang kaibigan at nagtagpo ang kanilang mga mata. Kinindatan siya nito at ginawaran siya ng ngiting-aso. Pinanlakihan niya ito ng mata bilang ganti. Samantala, parang nasa cloud nine pa rin si MJ dahil sa saya. Mayroon na siyang ebidensya laban kay Jackie. “Tingnan natin kung hanggang saan ang yabang mo, Miss Jackie,” sabi ni MJ sa sarili.Naaalala niya bigla si Julius. Yumuko siya rito bilang pasasalamat. “Maraming salamat po, Sir Julius.”"Sa halip na pasalamatan mo ako, maaari bang pumunta ka na sa iyong mesa at magtrabaho na." Walang pag-aalinlangan na sinabi ni Julius. Walang pag-aalipusta sa kanyang mga mata. Sa halip, isang makabuluhang ngiti ang masilayan sa kanyang mga labi.“Silly girl. No wonder her talent doesn’t get recognized after years of working in this company. She’s used by people as a stepping stone and oftentimes as a scapegoat. How can she be so naive?” naisip ni Julius, dismayado sa babae.Nasanay na si MJ sa tono ng boses ni Juli
"In that case, your wish is my command."Muling sumulyap si Julius sa screen ng computer. Bigla itong tumawa ng malakas na para bang nang-iinsulto at tumingin muli sa direktor. May pagkamuhi sa mga mata nito. Pagkatapos noon ay tumalikod na ito at umalis.Nanginginig si Jackie habang nakatingin sa likod ng papaalis na lalaki. Recalling his cold eyes just now, hindi niya maiwasang mataranta.Ano kaya ang ibig sabihin ng kanyang boss? Sa tono ni Julius, parang may alam ito sa kanyang ginawa. Nagkausap kaya sila ni MJ tungkol sa mga disenyo? Labis na bumabagabag sa isip niya ang sitwasyong kanyang kinasasangkutan sa ngayon.“Hindi, hindi dapat. Sira ang computer ni MJ
Muntik nang atakihin sa puso si MJ dahil sa pagkabigla. Tumingala siya na may gulat sa kanyang mga mata. "Julius... I mean Sir Julius. What can I do for you?"Nagulat si Julius nang makita siyang nag-aayos ng isang kumpol ng mga hindi mahalagang dokumento. Hindi ba’t isang designer si MJ? At nakita niya ang kanyang mga disenyo. Pawang magaganda at orihinal ang mga iyon. Bakit siya gumagawa ng assistant work ngayon?"Please let me see the latest designs ng packaging ng kumpanya."Saglit na natigilan si MJ, at mabilis na nagsabi, "Okay sir, ibibigay ko ito sa iyo kaagad."Ngunit pagkatapos sabihin iyon, naalala niya na ang orihinal na disenyo ng kasong ito ay siya ang gumawa ngunit inangkin na ni Jackie ang mga iyon. Ngayon, paano niya mapatunayan na siya ang orihinal na may-ari ng mga iyon? “It’s her word against mine,” naisip ni MJ.Kaya nag-isip ng isasagot si MJ, "Paumanhin, Sir Julius. Ang bagay na ito ay hindi ko responsibilidad. Kung gusto mong makita ang disenyo, maaari kang mag
Nagkatinginan ang mga kumakain sa canteen at nagbubulungan. Anyare at ano ang nakain ng isang CEO na piniling kumain sa kanilang canteen sa halip na sa isang mamahaling restaurant?“Baka minamatyagan tayo,” bulong ng isa.“O baka naman nag hygiene check sa canteen natin,” sabat naman ng isa.“Ano? Hindi niya trabaho iyon ah,” sabi naman ng ikatlo. “Baka lamang nagsawa na sa pagkain sa mga restaurant at nais mamuhay bilang ordinaryong tao na kagaya natin.”Kampante lamang na kumakain ang lalaking may malamig na aura na para bang hindi nito nahalata
"Maari ba, huwag niyo nang banggitin ang pangalan ni MJ sa harap ko. Gigil ako sa babaeng iyon. Grrr."Nagkatinginan ang mga kasamahan at tumahimik na lamang. Gayunpaman, lalong nanlumo si Jackie. Noong una ay gusto niyang hanapin ang kanyang kapatid para ibunton dito ang kanyang galit. Ngunit ngayon kahit ang kanyang kapatid ay hindi na siya pinapansin. Hindi na niya ito mahagilap. Nasaan na kaya iyon?“Kakainis talaga itong si MJ. Siya ang may kasalanan sa lahat ng ito,” maktol niya sa sarili.“Just wait and see, MJ. I will definitely trample you under my feet,”pagtitiyak ni Jackie sa kanyang isip.Sa pag-alis ni Direktor Dale, nagbago ang buong kapaligiran ng Department of Design. Maaliwalas na ang mukha ng mga tao na para bang nabunutan ng tinik ang mga ito. Marami na ang nakangiti, lalong lalo na si MJ. Sa oras na iyon, biglang dumating ang HR manager at nagpatawag ng pulong."Everyone, be quiet, please. I am going to announce the company's latest personnel appointment."Lahat ay
Pagbalik niya sa kwarto, nahimasmasan na siya, at nawala na rin ang kanyang pagkalasing. Pero masakit pa rin ang ulo niya. Nais niyang ibagok iyon sa dingding para mawala ang sakit.Sinapo ni MJ ang kanyang ulo. Naalala niya na dinala siya ni Director Dale sa party at uminom ng maraming alak. Bigla siyang napatigil, at nakalimutan ang sakit ng ulo.Bakit siya nandito ngayon? Hindi ba dapat ay nasa party pa siya? Paano siya nakauwi sa bahay ni Julius?Kinabahan, bumaba ang tingin niya sa kanyang suot. Buti na lang at nakasuot pa rin siya nito.Pero paano siya nakabalik sa bahay?Pilit na iniisip ni MJ ang mga kaganapan, ngunit wala pa ring maalala. Sa huli, hindi na lang niya iyon inaalala at nahiga sa kama. Ilang sandali pa ay nakatulog na siya ng mahimbing.Kinabukasan."Miss MJ.” Knock knock. May kumatok sa pinto."Miss MJ, naghanda ako ng cup noodles para sa iyo, para mawala ang kalasingan mo. Bumangon ka na at kainin mo ito habang ito’y mainit-init pa."Nasa tamang huwisyo na si M
Bumalik si Julius sa nakaparadang kotse. Pagbukas pa lang niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang masangsang na amoy ng alak kaya hindi niya napigil ang sariling mapangiwi.“Huwag po, uncle. Huwag po. Ayoko na pong uminom.” Si MJ na lasing ay patuloy na winawagayway ang kanyang mga kamay sa hangin, na wari ba’y tumatanggi sa isang baso ng alak.Nakita ni Julius ang eksenang ito at hindi napigilan ang sarili na pagalitan si MJ kahit na ito’y lasing at wala sa tamang huwisyo.“If you can’t hold your drink, then don’t drink. Bakit pinapahirapan mo pa ang sarili mo?”Pagkatapos sabihin iyon, ipinuwesto ng maayos ni Julius si MJ sa passenger seat. Binuksan niya ang bintana ng kotse para mawala ang masangsang na amoy. Sa wakas ay umupo na ito sa driver’s seat at pinaandar ang kotse.Habang pauwi, masyadong malikot si MJ. Kung walang seatbelt ay pihadong mauntog ito ng ilang beses. Kumanta ulit ito ng APT ng pasigaw. “APT! APT! Uh…uh huh uh huh!”Dahil sa sintunadong boses nito, napalingon
Abaca Restaurant, The Terraces, Ayala Center, CebuHalos kalahating oras na ang dumaan. Wala pa rin ang blind date ni MJ. Inip na inip na ito dahil hindi siya sanay na pinaghihintay. Isa pa, masyadong manipis ang suot niyang damit para sa okasyon na iyon. Masyadong malamig sa Abaca, at hindi siya sanay magsuot ng maikling palda at manipis na blusa. Mas komportable siyang nakasuot lang ng maluwang na tshirt at jeans. Wika ng ng kanilang mga kapitbahay. “Sayang si MJ. Maganda sana pero parang tomboy kung kumilos.” Lampake sila. My life, my choice.“Anak ng tinapa at in-nindian ako ng ka blind date ko ah. Eto kasi si Mama, takot na maubusan ako ng lalaki, e wala pa naman akong balak magpasakal, este, magpakasal. Ang kati-kati rin ng pekeng eyelashes na ito. Kinusot niya ang kanyang mga mata nang biglang may tumawag sa kanyang pansin.“MJ Cuenco?” Lumuwa ang mata ni MJ nang makita ang lalaki. Halos kasintanda na ito ng Mama niya. Halos wala na itong buhok, at mangilan-ngilan na rin lang a...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments