Maagang tumunog ang cellphone ni Rafael habang nasa loob siya ng opisina. Hindi niya inaasahang ang tawag ay magmumula sa assistant niya—si Lance, na noon pa man ay kilala sa pagiging tahimik at diretso sa trabaho.
"Sir, I think you need to hear this personally," bungad ni Lance sa kabilang linya, halatang may bigat sa tono.
"What is it?" malamig na sagot ni Rafael habang nakatingin sa monitor ng computer.
"It's about Nica... and her family in the province. I went there as instructed. And I talked to her mother."
Napatingin si Rafael sa cellphone niya, saglit na natigilan. Napatagilid siya ng upo. "Go on."
"Sir, sobrang hirap ng kalagayan nila. Nakatira lang sila sa barong-barong sa likod ng bahay ng kapatid ng nanay ni Nica. Wala silang sariling bahay. Nakikigamit lang sila ng kuryente, at kung umulan, tumutulo ang bubong."
Nanatiling tahimik si Rafael habang nakikinig, pero unti-unti nang humihigpit ang hawak niya sa armrest ng swivel chair niya.
"Her mom is very sickly. Maint