Limang taon na ang nakalipas mula nang talikuran ni Nica Mendoza ang lalaking minahal niya higit pa sa sariling buhay. Sa kapalit ng limang milyong piso—at isang pangakong ililigtas ang kanyang ina—iniwan niya si Rafael Watson, ang nag-iisang lalaking pinangarap niyang makasama habang-buhay. Ngunit ang kapalit ng kanyang sakripisyo ay hindi kapayapaan… kundi impiyernong walang tigil. Ngayo’y muli silang nagtagpo—ngunit hindi bilang magkasintahan, kundi bilang amo at kasambahay. Si Rafael, ang ngayon ay tinaguriang Cold Billionaire, ay walang ni katiting na init ng damdamin sa kanyang mga mata. Sa bawat titig, bawat utos, at bawat sarkastikong ngiti niya, ramdam ni Nica ang galit... ang hinanakit... at ang pagnanasang tila hindi nawala sa kabila ng taon. Sa loob ng apat na pader ng marangyang mansion, isang mapanganib na laro ng damdamin ang magsisimula. Isang larong puno ng pagsisisi, pagkakaila, at mga lihim na matagal nang ibinaon sa limot. Pero paano kung ang larong ito ay muling mag-alab—mas mainit, mas delikado, at mas makasalanan? Sa pagitan ng galit at pagnanasa, alin ang pipiliin—ang paglimot o ang muling pagtikim sa isang bawal na pagmamahalan?
View MoreBasang-basa si Nica habang nagmamadaling pumunta sa ospital. Ang ulan ay walang tigil, bumubuhos nang parang walang hanggan. Ramdam niya ang lamig ng bawat patak na dumadampi sa balat niya, pero mas malakas pa sa lamig ng ulan ang nangingibabaw na takot sa puso niya. Sa loob, iniisip niya ang kalagayan ng kanyang ina—isang buhay na nakabitin sa pag-asa at sa mga makina ng ICU.
Hindi nagtagal, nakarating siya sa ospital. Mabilis siyang umakyat sa ICU, tinawid ang makipot na pasilyo na puno ng mga taong nagmamadali rin. Pagpasok niya sa ICU, nakita niya ang ina niyang nakahiga sa kama, napapaligiran ng mga machines at mga wires na kumokonekta sa katawan nito. Malalim ang paghinga ng kaniyang ina, habang ang mga mata ni Nica ay hindi makawala sa malambot na mukha ng ina. Habang hawak-hawak ang kamay ng ina, nilapitan siya ng doktor. “Miss Nica, kritikal na po ang kondisyon ng nanay mo. Kailangan na agad siyang maoperahan kung gusto natin siyang mailigtas,” wika ng doktor, habang tumitingin siya nang diretso sa mga mata ni Nica. "Pero... may isang bagay pa po akong kailangang malaman. May kakayahan po ba kayong tustusan ang gastusin para sa operasyon? Mahal po ito.” Huminga nang malalim si Nica, pilit nilalabanan ang pagkilos ng mga luha na sumusubok sumirit sa kanyang mga mata. "Dok, wala po akong sapat na pera. Nag-aaral po ako pa lang sa kolehiyo. Wala po akong trabaho, kaya wala rin po akong puhunan para sa operasyon.” Ang boses niya ay mahina, at pilit niyang tinatago ang panghihina. “Ganoon ba…” sagot ng doktor, na para bang nakikiramay ngunit limitado ang kanyang magagawa. "Bibigyan ka namin ng ilang oras para maghanap ng paraan. Kung hindi, baka hindi na siya makaligtas,” dagdag nito bago bumalik sa loob ng ICU. Lumabas si Nica, hindi alam kung saan hahanap nang ganoong kalaking pera. Sa isip niya, si Rafael ang tanging maaasahan niya dahil may kaya ito sa buhay. Nilabas niya ang cellphone at handa nang tawagan ang kasintahan para humingi ng tulong—kahit na nahihiya siya. Ngunit bago pa man niya marinig ang boses ni Rafael, may isang babae ang lumapit sa kanya. Napapalibutan ito ng mga bodyguard na nakapuwesto sa paligid niya na parang mga sundalo sa isang opisyal na misyon. Tumigil ang babae sa harap niya at tumingin nang diretso, halatang sinusukat si Nica. “Ikaw ba ang girlfriend ng anak kong si Rafael Watson?” tanong ng ginang, diretso at walang halong pag-aalinlangan. “I’m his mother.” Napilitan tumango si Nica. "Good evening po, Ma'am," magalang niyang bati sa ginang. Hindi niya naituloy ang balak niyang tawagan si Rafael mang sumunod ang mga salita ng babae. “Limang milyon ang ibibigay ko sa 'yo,” mahigpit na sabi ng ina ni Rafael, “kapalit ng pakikipaghiwalay mo sa anak ko, Nica.” Naipit ang hininga ni Nica sa pagkabigla. Hindi siya makapaniwala sa sinabi. Halos bumigay ang mga tuhod niya sa bigat ng pangungusap. Ngunit hindi lang iyon ang tumalbog sa dibdib niya. Tinuligsa siya ng mga salitang hindi niya inaasahan. “Hindi ka nararapat sa pamilya namin,” patuloy na pang-uuyam ng babae, na parang sinusubukan siyang siraan. “Wala kang maabot sa buhay dahil mahirap ka lang.” Naalala ni Nica ang mga araw ng hirap ng pamilya nila, ang mga gabing nag-aaral siya habang nagpa-part time job upang makatulong, ang mga pangarap na binuo niya nang kasama si Rafael. At ngayon, ito pala ang tingin ng ina ng lalaki sa kanya—isang taong wala raw halaga dahil sa estado ng buhay. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Naramdaman niya ang sakit, galit, at lungkot na sabay-sabay bumalot sa kanyang puso. “Mrs. Watson, mahal ko po si Rafael,” sagot ni Nica nang matatag kahit na nanginginig ang boses. “Hindi pera ang sukatan ng pagmamahal namin.” Ngunit tila ba wala itong epekto. Napailing ang babae at ngumiti nang malamig. “Love? That doesn’t pay hospital bills, sweetheart. You think love can cover five million pesos? You are naive if you believe that.” Nagtaka si Nica sa lalim ng pagkakakita ni Mrs. Watson sa kanila. Sa mga mata ng babae, walang lugar si Nica—wala siyang karapatan, at wala siyang halaga. Habang nag-uusap sila, nilapitan sila ng doktor. “Miss Nica, kailangan na po namin ang desisyon mo. Hindi na pwedeng ipagpaliban pa ang operasyon.” Tumalikod si Nica at nilingon ang ina ni Rafael. Halatang nag-aantay siya ng sagot. Nasa kanyang mga kamay ang limang milyong pisong naghihintay na mapasakamay niya. Ngunit para kay Nica, hindi pera lang ang nilalaman ng alok na iyon. Kasama ang paghamak, pag-aalipusta, at isang napakahirap na desisyon. Hindi niya matanggap ang sitwasyon, ngunit ang buhay ng ina niya ay mas mahalaga. Hinawakan niya ang sobre na inilapit sa kanya. Ramdam niya ang bigat ng lahat—ng pera, ng pangungutya, ng lahat ng pag-asa na parang unti-unting nawawala. “Kung ito ang magiging paraan upang mailigtas ang aking ina, tatanggapin ko ang limang milyon,” ang mahinang salita na parang sumirit mula sa kailaliman ng pagkatao ni Nica. Ngumisi ang ina ni Rafael at inabot ang pera kay Nica. Hindi pa man nakakakilos si Nica upang itabi ang perang iniabot ng ina ni Rafael, muling lumapit sa kanya ang babae. Matigas ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya mula ulo hanggang paa—parang sinusuri siya kung marumi ba ang kaluluwang kanyang binili. “Don’t be foolish and think this changes anything between you and my son,” malamig ang tinig ng ginang, punong-puno ng panghahamak. “This deal is final. I paid you not just for your silence… but for your complete disappearance.” Nagkuyom ng kamao si Nica, pilit kinakalma ang sarili sa harap ng ganitong uri ng insulto. Ngunit tila ba hindi pa tapos ang ginang. “You may think you’ve sacrificed something noble today, but let me tell you the truth—you’re just another girl who got paid to walk away. Nothing more.” Parang sinampal ng paulit-ulit si Nica sa mga salitang iyon. Gusto niyang sagutin, ipaglaban ang sarili, ang pagmamahal nila ni Rafael. Ngunit wala siyang boses na mailabas. Ang bawat salitang bumalot sa kanya ay parang kadena—nanghihina siya sa bigat. Ang ginang ay humakbang pa palapit sa kanya, halos magkadikit na ang kanilang mukha. Ramdam ni Nica ang amoy ng mamahaling pabango nito, na taliwas sa panlalamig ng boses nitong muling nagsalita. “You have no idea what Rafael has been preparing for. His future is designed with precision. He’s bound to marry someone who matches our name, our status, our legacy. And you, Nica? You’re the kind of distraction that ruins a man’s destiny.” Napasinghap si Nica. Ngunit sa kabila ng pagdurusa niya, may apoy pa rin sa loob niya na hindi ganap na namamatay. “Hindi ako distraction,” sagot niya, mahina ngunit may diin. “I love your son. And I believed he loved me, too.” Ngumiti ang ginang, ngunit iyon ay isang ngiting puno ng panunuya. “Oh darling, that’s the kind of fairytale love girls like you cling to. But in the real world? Love is nothing without power. Without legacy. Without control.” Napuno ng lungkot ang mga mata ni Nica, ngunit hindi siya umatras. “Then I feel sorry for you,” sagot niya sa wakas. “Because you’ll never understand what love really means.” Tumawa nang marahan ang ginang, tila ba naaaliw sa tapang ni Nica. “Keep your pity. I’m not the one who has to watch her mother die unless she sells herself for crumbs,” madiing sabi nito, bago siya lumingon sa kanyang mga bodyguards. Bago tuluyang umalis, huminto siya sa tabi ni Nica, ibinulong ang huling hagupit ng kanyang salita—isang paalala at banta. “If I see you anywhere near my son again, I will not hesitate to destroy whatever pathetic future you think you have left. Do you understand me?” Hindi sumagot si Nica. Tumango lamang siya—isang tahimik na pagsang-ayon sa kasunduang pinilit niyang tanggapin. Kasabay ng pagtalikod ng ginang ay ang mas lalong paglubog ni Nica sa reyalidad. Hindi niya inakala na ganito ang magiging kapalit ng pagmamahal. Hindi niya sukat akalain na darating ang araw na mas pipiliin niyang masaktan, mapahiya, at mawalan… para lang mailigtas ang taong pinakamahal niya—ang ina niya. Humigpit ang hawak niya sa sobre ng pera. Mainit ang mga luha na pumatak mula sa kanyang mga mata, ngunit wala siyang lakas para punasan ang mga ito. Hindi niya alam kung saan niya huhugutin ang natitirang tapang, pero kailangan niyang bumalik sa doktor at dalhin ang perang iyon.Luceros Mansion.Mabilis ang paglakad ni Camilla habang palinga-linga sa paligid, hindi alintana ang malalakas na yabag ng takong niya sa sahig ng marmol. Puno ng inis ang kaniyang mukha, halatang hindi na siya makapaghintay na kausapin ang kaniyang ina.Pagkapasok sa living area, nadatnan niya si Agnes na tahimik na umiinom ng tsaang inihain ng isang kasambahay.“Mom!” tawag niya, medyo pasigaw.Napalingon si Agnes. Hindi na ito nagulat sa pagdating ng anak. “Ano na naman, Camilla?” malamig na tanong nito.“Narinig ko na ang ginawa ni Nica. Sinampal niya raw si Trina at halos palayasin kayong dalawa sa ospital! Tapos ngayon, ikaw pa ang nagmamakaawa sa kaniya? Mom, seriously?” Halos mapatili si Camilla habang naglalakad palapit sa ina.Hindi sumagot si Agnes. Ininom nito ang natitirang laman ng tasa bago dahan-dahang ibinaba sa lamesa. Tiningnan niya si Camilla, diretso sa mga mata nito.“Oo, at ano ngayon?” malamig ngunit matigas ang tinig niya. “Kung kailangan kong magmakaawa sa an
Ang mga staff ay nananatiling nakaluhod sa harap ni Nica habang sina Agnes at Gerald ay tuluyang nawalan na ng dignidad sa kanilang pagmamakaawa. Ang lahat ay tahimik na saksi sa matinding tagpo.Biglang huminto ang isang mamahaling itim na kotse sa tapat ng driveway. Bumukas ang pinto. Bumungad si Rafael.Hindi nag-aksaya ng oras ang binata. Mabilis ang mga hakbang. Matalim ang tingin. Sa bawat yabag niya ay ramdam ang galit na pilit niyang nilulunok.“Nica!” tawag niya, at sa isang iglap, lumapit siya at hinila ang dalaga palapit sa kaniya.Nagulat si Nica. Napapitlag siya pero hindi siya tumutol. Ramdam niyang nanginginig sa galit ang binata. Mahigpit ang pagkakahawak ni Rafael sa kaniyang braso, na para bang ayaw nang ipahawak sa iba.“Tinanong ko na kayo noon,” singhal ni Rafael sa mag-asawa. “Ano pa bang kailangan n’yo kay Nica?”“Rafael…” mahinang pakiusap ni Gerald. “Please… anak namin siya—”“Too late,” malamig na putol ni Rafael.Muling lumuhod si Agnes. Ang dating matapobre
Pagkatapos ng mahaba at tensyong pag-uusap, tuluyan nang ipinalipat nina Agnes at Gerald sa pangalan ni Nica ang lahat ng ari-arian na dating nakapangalan kay Camilla—ang ilang property sa Maynila, shares sa negosyo ng pamilya, at maging ang mga bank accounts na may malaking halagang naipon sa loob ng maraming taon.Tahimik si Gerald habang pinipirmahan ang mga dokumento sa harap ng abogado. Si Agnes naman ay walang imik. "Hindi na ito para kay Camilla," mahinang sabi ni Gerald, habang inaabot ang huling folder sa abogado. "She lost her right the moment she hurt our real daughter.""Masakit man, pero totoo," dagdag ni Agnes. "Si Nica ang tunay naming anak. At lahat ng ito, nararapat lang na mapasakanya."Pagkatapos ng pirmahan, hindi rin nagtagal ay muling tinangka ng mag-asawa na makipag-ugnayan kay Rafael.Tumawag si Gerald sa assistant ni Rafael ngunit sinagot ito ng maikli at malamig na boses.“Mr. Luceros, pinasasabi po ni Sir Rafael na hindi siya available. At sa ngayon, wala r
Tahimik ang buong mansyon ng Luceros nang araw na iyon. Ngunit ang katahimikang iyon ay tila puno ng tensyon at hindi maipaliwanag na lungkot habang dahan-dahang pinihit ni Agnes ang makapal na doorknob ng isang kwartong matagal nang hindi nabubuksan. Maalikabok pa ang paligid, ngunit hindi na ito mahalaga para sa kanya. Pumasok siya sa loob kasama si Gerald, habang sumusunod sa kanila ang dalawang kasambahay na may dalang mga kahon at ilang shopping bags. "Simula ngayon, ayusin na natin itong muli," sabi ni Agnes habang tinitingnan ang lumang mga larawan at laruan na naiwan sa kuwarto. "Dito siya titira kapag bumalik siya rito… sa tahanan niya." Tumango lang si Gerald. Walang salitang kayang magsalita ng lahat ng kanyang emosyon—guilt, pangungulila, at ang kakaibang takot na baka huli na ang lahat. Agad ipinapasok ng mga kasambahay ang ilang mamahaling gamit sa loob ng kwarto—mga bagong designer clothes, handbags, imported na perfumes, sapatos, at iba pang gamit pambabaeng halatan
Habang nakaupo si Nica sa sala ng bahay ni Lola Maria, pinagsisilbihan siya ng matanda ng tsaa at meryenda, at kahit may kaba pa rin sa dibdib niya, ramdam niya ang kaibahan."Kung ako ang tatanungin, pakasalan mo na agad ang apo ko, hija," nakangiting biro ni Lola Maria habang kinukuha ang kamay ni Nica. "Baka kung sino pa maunang mag-propose d’yan sa gwapong ’yan."Napayuko si Nica, pinipilit itago ang pamumula ng pisngi habang si Rafael naman ay bahagyang natawa, hindi maitago ang saya sa tinuran ng lola niya.Pero biglang bumukas ang pinto.Tumambad sa lahat ang matikas ngunit tensyonadong presensiya ni Doña Vivian Watson. Suot nito ang paborito niyang designer dress, hawak pa ang isang mamahaling clutch. Tumitig ito diretso kay Nica, punung-puno ng panlalamig ang mga mata."So, ito na ba ang bago mong pamilya, Rafael?" matalim ang boses ni Vivian habang naglalakad papasok. "Nang-aagaw ka na rin ng tahanan ngayon, Nica? Sa susunod baka pati ang pangalan ng pamilya namin, gusto mo
Makalipas ang ilang araw ng pananatili ni Nica sa ospital ay unti-unti na rin siyang nakakabawi sa sinapit niyang pisikal at emosyonal na trahedya. Hindi man ganap ang paggaling ng sugat sa kanyang puso, sapat na ang presensiya ni Rafael upang maramdaman niyang ligtas na siya. Walang araw na hindi dumalaw si Rafael. Hindi ito umuwi sa condo simula noong araw na isinugod si Nica sa ospital. Inutusan lamang nito si Lance, ang kanyang assistant, na ikuha siya ng mga gamit upang makapanatili sa ospital at hindi kailanman iwan ang dalaga. Kahit pagod at puyat, walang reklamo si Rafael. Siya mismo ang nag-aabot ng tubig at pagkain kay Nica. Siya ang naghahawak ng kamay nito sa tuwing nagigising sa gitna ng gabi si Nica na may luha sa mga mata. Alam niyang hindi ganoon kadaling malimutan ang sinapit ng dalaga, kaya’t tiniis niya ang lahat alang-alang sa kaligtasan at kapayapaan ni Nica. Sa wakas, dumating na rin ang araw ng paglabas ni Nica sa ospital. Nasa waiting area sila ng main lobby
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments