BUMABA ang tingin ni Laura sa hawak-hawak ni Margrette nang bumalik ito sa unit nito pagkatapos nitong magpaalam na lalabas dahil may titingnan daw ito. "Ano iyang hawak mo?" tanong niya dito ng ibalik niya ang tingin sa mukha nito.
Sa halip na sagutin siya nito ay inilapag nito ang hawak sa ibabaw ng mesa kung saan siya umupo.
At dahil sa kuryusidad ay kinuha niya iyon para tingnan ang laman. At namilog ang mga mata niya nang makita iyon, bigla din siyang naglaway.
Puro mga chocolates kasi ang laman ng paperbag. Iba't ibang klase ng chocolates. Mukhang lumabas ang kaibigan para ibili siya ng chocolates na kin-crave niya.
May ngiti sa labi na nag-angat siya ng tingin patungo sa kaibigan. "How thoughtful of you, Marg. Thank you," wika niya dito. Kahit na hindi siya blessed sa mga lalaking dumaan sa buhay niya ay blessed pa din siya sa pagkakaroon ng kaibigan.
"Hindi galing sa akin iyan," wika ni Marg sa kanya dahilan para mawala ang ngiti sa labi niya.
At sa pagkakataong iyon