Sabay-sabay na dumating ang problema ni Laura Abriogo. Niloko siya ng boyfriend, malapit ng ma-bankrupt ang kompanya ng pamilya, at posible ding mawala ang Hacienda Abriogo sa kanya. At ngayon ay magpapakasal siya lalaking sa pangalan lang niya kilala. Draco Atlas Acuzar was the name of the man she was going to marry. The Acuzar Group of Companies was owned by him. It was a marriage of convenience. Magpapakasal sila ni Draco para tulungan sila nitong maisalba ang mga ari-arian nila. At nang makita ni Laura ang lalaking pakakasalan niya ay halos huminto ang pagtibok ng puso niya. Draco Atlas Acuzar was tall, fair-complexioned, well-built, and gorgeously handsome. The man's sex appeal was simply overflowing. His piercing stare sent chills, a trait that earned him the formidable reputation as the Cold Billionaire. Draco and Laura got married in a simple ceremony. At kung kailan naging Mrs. Acuzar na siya ay doon niya nalaman ang totoong dahilan kung bakit siya nito pinakasalan. He didn't marry her just to help her with her problems. Pinakasalan lang pala siya nito para maghiganti sa ama niyang may kasalanan dito...
Lihat lebih banyakHUMUGOT ng malalim ng buntong-hininga si Laura nang huminto siya sa tapat ng pinto ng library ng ama na si Leo. Tumawag kasi ang ama at pinapapunta siya nito sa mansion dahil may mahalaga itong sasabihin sa kanya. Wala namang idea si Laura kung ano ang sasabihin ng ama kung bakit siya nito gustong kausapin. Gayunman ay pumayag pa din siya sa gusto nito. When it comes to his father, hindi dapat siya sumalungat sa gusto nito. Hindi dapat niya ito pwedeng suwayin dahil magagalit ito sa kanya.
Laura knocked three times on the door. "Come in," mayamaya ay narinig niya ang boses ng ama. Pinihit naman niya ang seradura ng pinto para buksan iyon. Pagkatapos ay pumasok siya sa loob. Nag-angat siya ng tingin patungo kung saan ito nakaupo at hindi niya napigilan na matigilan nang makita niya ang hitsura ng ama. Halos isang buwan din simula noong huli niya itong nakita. Pero bakit ang laki ng pinagbago nito? Pati na din sa hitsura. Mas lalo kasi itong tumanda. Bakas din sa hitsura nito ang stress. Medyo pumayat nga din ito, pansin niya ang pagkahumpak ng pisngi nito. At kapansin-pansin din ang itim sa palibot ng mga mata nito na para bang hindi ito nakakatulog ng maayos. May sakit ba ito? "Take a seat, Laura," malamig ang boses na wika ng ama sa kanya. Humakbang naman siya palapit at saka siya umupo sa visitor chair sa harap nito. "Ano po ang sasabihin niyo sa akin?" tanong niya, ayaw na ayaw nitong tawagin niya itong Papa kapag sila lang dalawa. Natatawag lang niya ito na Papa kapag may iba silang kasama. Bakit? Dahil hindi naman siya anak ni Leo Gomez. Bunga siya ng kataksilan ng ina sa unang lalaking minahal nito. Nalaman niyang wala pagmamahal ang nararamdaman ang ina para sa ama. Isang arrange marriage lang ang nangyari sa pagitan ng dalawa, walang love na involve. Nagpakasal lang ang mga ito para palawigin ang negosyo ng pamilya. That time, may ibang mahal ang inang si Dianne--pero wala itong nagawa kundi hiwalayan ang bofriend nito dahil sa kagustuhan ng sariling magulang. Nalaman pa niyang binantaan ang ina ng sarili nitong magulang na kung hindi nito susundin ang gusto ay papahirapan ng mga ito ang lalaking mahal na mahal nito. Her mother decided to marry the man her parents wanted, in order to protect the one she truly loved. Pero hindi lingid sa kaalaman ng pamilya at asawa nitong si Leo ay nagkikita pa din ito at ang lalaking mahal nito. At siya ang bunga. Pero kasabay ng pagsilang niya sa mundo ay namatay ang ina dahil sa komplikasyon--months later, sumunod din ang totoo niyang ama. Namatay naman ito dahil sa car accident. Wala ngang ibang nakakaalam na isa siyang bastarda. Ang alam ng lahat ay anak siya ni Leo Gomez. Hindi kasi iyon ipinaalam ni Leo dahil malaking insulto daw iyon sa pagkatao nito. Gayunman kahit na hindi siya nito anak, kahit bunga siya ng kataksilan ng ina ay pinalaki pa din siya nito. Pero hindi ito nagpakaama sa kanya. Si Manang Andi ang nagpalaki sa kanya, pera lang ang ambag ni Leo Gomez sa buhay niya. "Break up with your boyfriend and marry Draco Atlas Acuzar," wika nito sa kanya ng walang kakurap-kurap, mababakas nga din sa boses nito ang kalamigan. Hindi naman napigilan ni Laura ang manlaki ng mga mata. "What?" Nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanya. He gazed at her with a menacing look. "You have no right to question me, Laura," he said in a deep, baritone voice. "You have no right to refuse me what I want. I raised you. If it weren't for me, you wouldn't be in this world. You wouldn't be where you are today," he added. "Kaya kapag sinabi ko, dapat sundin mo. Walang tanong-tanong. At kapag sinabi ko na hiwalayan mo ang boyfriend mo ay gagawin mo. And whether you like it or not, you're marry Draco Atlas Acuzar," may pinalidad sa boses ng ama sa kanya. Hindi naman napigilan ni Serena ang mapakuyom ng mga kamay na nakapatong sa hita niya habang sinasalubong niya ang lamig na titig ng ama sa kanya. HUMUGOT ng malalim na buntong-hininga si Laura nang ihinto niya ang minamanehong kotse sa parking lot ng building kung saan matatagpuan ang condo ng boyfriend na si Peter. Naroon siya dahil gusto niyang sabihin sa lalaki ang naging pag-uusap nilang dalawa ng ama, naroon siya para sabihin dito na pumapayag na siya sa gusto nitong mangyari--ang magpakasal silang dalawa. Ilang beses na kasi siyang inalok ni Peter ng kasal pero lagi niya itong tinatanggihan. Hindi pa kasi siya handa na magpakasal. She was still 25 years old at pakiramdam niya ay hindi pa siya ready na lumagay sa tahimik. At nagsisimula pa lang siya sa career niya. She was a doctor--veterinary to be exact. Sinundan kasi niya ang yapak ng ina, isa din itong veterinary doctor. Gaya ng kwento sa kanya ni Manang Andi, katulad daw niya ang ina, may malasakit sa mga hayop. At saka tatlong buwan lang silang magka-relasyon na dalawa ni Peter, pakiramdam niya ay masyado pang maaga para i-level up ang relasyon nila. Boyfriend ni Laura si Peter. Isa si Peter sa Engineer na nag-renovate sa Hacienda Abriogo--ang Haciendang ipinamana ng ina sa kanya. Doon niya ito unang nakita at nakilala. Peter is handsome. He stands six feet tall and is kind, too. Madali nga niya ito nakapalagayan ng loob. At nang matapos nga ang project nito sa Hacienda Abriogo ay inakala niyang doon na matatapos ang komunikasyon nila. Pero hindi dahil patuloy pa din ito sa pagti-text at pagtawag sa kanya. Hanggang sa niyaya siya nitong lumabas at ang pag-amin nito na gusto siya nito. Sa pagkikita nga nilang iyon ay humingi ito ng permiso sa kanya kung pwede siya nitong ligawan. Pumayag naman si Laura at dahil nakita niyang sincere ito sa panliligaw ay makalipas ang isang buwan ay sinagot niya si Peter. Wala naman siyang pinagsisihan dahil mabait ang lalaki at saka maalaga. At kahit mahal niya ang lalaki ay never niyang ibinigay ang sarili dito kahit na niyayaya na siya nito. Gusto kasi niyang i-preserve ang pagkababae niya sa araw na kasal nila. Peter respected her decision; he didn't force her. Yes, she wasn't ready to get married yet. Pero matapos marinig ang gustong mangyari ng ama, na gusto siya nitong ipakasal sa lalaking hindi niya kilala at kailanman ay hindi pa niya nakita ay biglang nagbago ang isip niya. Mas gugustuhin pa niyang magpakasal siya kay Peter kaysa Draco Atlas Acuzar na iyon na mukhang business partner ng ama, at mukhang ka-edad lang nito! For pete sake, she wasn't fond with May-December affair, walang love dahil wala namang pagmamahal na involve. It's just a contract marriage arranged by her father. Bumaba naman si Laura sa kotse at saka siya dere-deretso naglakad papasok sa building. Hindi naman nagtagal ay nakarating na din si Laura sa pinto sa condo ni Peter. Alam niya ang passcode ng condo nito pero mas pinili niya ang mag-doorbell. Matagal bago naman siya pinagbuksan ni Peter. Pero sa halip na ito ang makita niya ay ibang babae ang nakita niya. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo nang makita niya ang babae, lalo na noong makita niya ang suot nito. She was wearing a loose T-shirt, sigurado siyang damit iyon ni Peter. At sigurado din siyang maliban sa T-shirt na suot nito ay wala na itong suot na kahit ano. Kitang-kita kasi niya ang bakat ng nipples nito. "Who are you?" tanong niya sa babae ng makabawi siya sa pagkabigla. Tinaasan naman siya nito ng isang kilay. "Ako dapat ang nagtatanong niyan sa 'yo? Who are you, and why are you here at my boyfriend's condo?" Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya. Akmang bubuka ang bibig para magsalita nang mapatigil siya ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon ni Peter. "Love, sino iya--Laura?" Hindi na natapos ni Peter ang iba pa nitong sasabihin nang makita siya nito. Napansin nga niya ang panlalaki ng mga mata nito. Kumuyom naman ang kamao niya, lalo na noong makita niya ang suot nito. Peter was only wearing a boxer short. At kitang-kita din niya ang kissmark sa buong katawan. And Laura was not stupid para malaman kung ano ang nangyayari. He wanted to punch Peter in the face for cheating on her. Pero nagbago ang isip niya, hindi niya padadapuhin ang kamao sa pisngi nito dahil baka mahawaan pa siya ng virus. Sa halip ay tumalikod siya at umalis sa lugar na iyon. Narinig pa din niya ang pagtawag ni Peter sa pangalan niya pero hindi niya ito pinansin, tuloy-tuloy pa din siya sa paglalakad. Medyo naramdaman nga din niya ang panlalabo ng kanyang mga mata dahil sa nagbabadyang luha. Dahil doon ay hindi tulong niya napansin ang lalaking makakasalubong niya. Nabangga niya ito at parang ngang hindi siya sa isang tao nabangga dahil sa lakas ng impact niyon. Nawalan nga siya ng balanse at bago pa ma-out of balance si Laura ay naging mabilis ang reflexes ng lalaking nabangga niya, mabilis na pumulupot ang isa nitong kamay sa maliit na baywang niya. Napasubsob nga siya sa matitipunong katawan nito. And right now, she could smell the sweet scent of his expensive perfume. Nang makabawi siya sa pagkabigla ay mabilis niya itong itinulak at saka siya lumayo dito. Narinig nga niya ang mahinang pagmumura nito sa ginawa niyang pagtulak. The man towered over her, so she needed to look up to meet his gaze. At sumalubong sa kanyang paningin ang magkasalubong na mga kilay ng lalaki. And his piercing stares sent chills down to her spine. The man was tall, fair-complexioned, well-built, and gorgeously handsome. The man's sex appeal was simply overflowing. Nakasuot nga ito ng itim na long-sleveed na nakalihis ang manggas hanggang sa siko nito. "S-salamat," pasasalamat nga niya sa lalaki, hindi na nga din niya ito hinintay na magsalita, sa halip ay humakbang na siya papasok sa loob elevator. Naramdaman nga din niya ang pagpasok ng lalaki sa loob. Pansin pa nga din niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito. Pinindot nito ang G-button kaya nanatili na lang siya sa kinatatayuan. At habang pababa ang elevator sa ground floor ay biglang pumasok sa isip niya ang ginawang panloloko sa kanya ni Peter. Hindi na naman niya napigilan ang mapakuyom ng mga kamay. At nang sandaling iyon ay nakabuo si Laura ng desisyon. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng suot niyang pantalon. Pagkatapos ay tinawagan niya ang ama. Matagal bago nito sinagot ang tawag niya. As soon as he said hello in his cold voice, she immediately stated her purpose for calling. "Pumapayag na po ako," sagot niya sa walang emosyon na boses. "Pumapayag na akong magpakasal kay Draco Atlas Acuzar." At pagkabanggit ni Laura sa pangalan ng lalaking gustong pakasalan ng ama ay napansin niya ang paglingon ng lalaking kasama niya na nakasakay sa elevator sa gawi niya. At nang mag-angat siya ng tingin ay hindi niya napigilan ang pag-awang ng labi nang makita ang ekspresyon ng mata nito habang nakatingin sa kanya. Those devilish eyes were scary.HINIHIMAS ni Laura ang malaking tiyan habang naglalakad siya patungo sa kusina para kumuha ng mami-meryenda. At habang hinihimas ang malaking tiyan ay hindi niya napigilan ang mapangiti ng maramdaman niya ang pagsipa ng kanyang baby. Mukhang excited nang lumabas ang baby niya sa mundo, mukhang excited na itong makita sila ng Papa nito. Sila din naman, excited na din silang makita ito, excited na nila itong mahawakan, mayakap at mahalikan. Kabuwanan na ni Laura. At ilang araw na lang ang hinihintay nila bago siya manganak. At sigurado siyang sobrang lapit na dahil kaninang umaga ay medyo kumikirot ang tiyan, akala nga niya ay manganganak na siya pero bigla din naman nawala ang kirot. Nandito din sila ni Laura sa Hacienda Abriogo, napag-desisyonan kasi nila ng kanyang asawa na doon siya manganganak dahil maraming mag-aalaga sa kanya, marami siyang makakasama. Pumayag naman si Draco kaya noong kabuwanan na niya ay umuwi sila sa Hacienda. Sa Manila kasi sila namalagi ng ilang buwan
"MANANG Andi, nasaan po si Draco?" tanong ni Laura kay Manang Andi nang makita niya ito sa sala ng mansion."Oh, Laura, nasa labas na ang asawa mo. Iniistima ang mga bisita," sagot nito sa kanya. Ngumuso naman si Laura nang marinig iyon. Sinabi niyang sabay sila na lalabas ng mansion pero hindi siya nito hinintay. Nagpasalamat naman siya kay Manang Andi at saka siya humakbang siya palabas ng mansion para puntahan ito. Paglabas ni Laura sa mansion ay agad na sumalubong sa kanya ang malakas na tugtugin at ang mga masasayang kwentuhan ng mga bisita--na pawang mga trabahador ng Hacienda Abriogo. Walang okasyon ng gabing iyon pero si Draco, nag-utos na magkaroon ng okasyon sa Hacienda. Naghanda nga ito, nagpakatay ito ng baka at baboy. At lahat ng trabahor ng Hacienda ay inimbita nito. Matanda o bata pa iyan. Hindi naman napigilan ni Laura na ilibot ang tingin sa paligid para hanapin si Draco. At hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makita niya ito. At para
"I'M going with you, Draco." Napatigil si Draco sa pag-aayos ng sarili ng marinig niya ang sinabing iyon ni Laura. Kunot ang noong nilingon niya ito sa kanyang likod. At nakita niyang titig na titig ito sa kanya. Pansin nga din niya ang pinaghalong lungkot at sakit sa mga mata nito ng sandaling iyon. "No," sagot naman niya dito. "But...I want to talk to him," wika nito. "A-alam kung hindi niya ako tunay na anak. Alam kung wala siyang pagmamahal na nararamdaman sa akin. G-gusto ko lang malaman kung bakit? Kung bakit gusto niya akong p-patayin," garalgal ang boses na wika nito. Napansin nga din niya ang panunubig ng mga mata nito ng sandaling iyon hanggang sa pumatak ang luha sa mga mata nito. Kumuyom naman ang kamao ni Draco nang makita iyon. Humakbang siya palapit dito at saka siya lumuhod sa harap nito. Mas lalong bumuhos nga ang luha sa mga mata nito ng tumaas ang isang kamay niya para punasan ang luhang namalibis sa mga mata nito. "Shh..." malambing ang boses na wika niya
NAPAKURAP-kurap si Laura habang nakatitig siya kay Draco ng ilahad nito ang isang kamay sa harap niya nang pagbuksan siya nito ng pinto sa backseat pagkatapos nitong bumaba ng kotse. "Ako dapat ang umaalay sa 'yo dahil kakalabas mo lang sa ospital," wika niya dito mayamaya sa halip na tanggapin niya ang kamay nitong nakalahad. Tatlong araw din silang nanatili sa ospital pagkatapos ng aksidenteng nangyari. At nang sabihin ng doctor na pwede na silang lumabas ay agad niyang inayos ang discharge paper nito para makauwi na sila. At sa tatlong araw na iyon ay halos hindi siya umalis ng hospital para bantayan ito kahit na pinipilit ni Draco na umuwi na siya dahil kaya naman nito ang sarili, para din daw makapagpahinga siya ng maayos. Pero nanaig ang kagustuhan niyang manatili ito sa ospital. Gusto kasi niyang nakasiguro na okay lang talaga ito. At sinabi niya dito na hindi din siya makakapagpahinga ng maayos sa kakaisip dito kung uuwi siya ng mansion. Wala na din namang nagawa si Drac
"SENYORITA!" Napatingin si Laura sa gilid niya nang makita niya ang paghangos nina Manang Andi at Aine palapit sa kanya. At nang tuluyan ang mga itong nakalapit ay hindi niya napigilan na yakapin si Manang Andi at hindi din niya napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. "Manang...." "Anong nangyari Laura?" tanong sa kanya ni Manang Andi habang yakap-yakap siya nito. At mas lalong bumuhos ang luha sa mga mata niya nang maalala ang nangyari kanina. Muntik na siyang masagasaan kung hindi lang siya iniligtas ni Draco. Kung hindi lang naging mabilis ang pagkilos nito para hilahin siya kung saan siya nakatayo. Pero sa pagliligtas sa kanya ni Draco ay ito naman ang napahamak. At hanggang ngayon ay wala pa din siyang balita kung kamusta ito dahil pagkatapos dalhin si Draco sa OR ng dalhin sila ng ambulansiya sa ospital ay hindi pa lumalabas ang doctor. At hindi maiwasan ni Laura ang makaramdam ng pag-alala para dito. Lalo na ang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang dug
NAGHAHANDA si Laura para umalis ng sandaling iyon. Pupunta kasi siya sa OB Gyne para magpa-check up. Huling check-up kasi niya ay noong nasa Manila pa siya. Wala naman siyang nararamdaman sa katawan. Gusto lang niyang malaman kung okay lang ba ang baby na nasa sinapupunan niya. At habang lumilipas ang araw ay napapansin na niya ang umbok sa kanyang tiyan. Patunay na lumalaking healthy ang baby niya. Hindi na nga din siya nagsusuot ng pantalon dahil sumisikip na iyon. Balak nga niyang magpunta sa Mall pagkatapos ng check-up niya para bumili ng ilang maluluwag na pantalon o hindi kaya maternity dress para may maisuot siya. Ayaw kasi niyang maipit ang baby niya. At nang matapos makapagbihis ni Laura ay kinuha na niya ang bag at cellphone at saka na siya lumabas ng kwarto. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan, kumapit pa nga siya. Nag-iingat siya baka kasi bigla na lang siyang madulas. Siyempre, kailangan niyang mag-ingat para sa baby niya. At nang tuluyang makababa ay agad na tumuon
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen