I tried to forget what happened in the restaurant. Dapat hindi ko na yon iniisip kasi wala naman talaga akong kasalanan. Hindi ko inagaw si Darius. Kung ano man ang tingin nina Daphne sa akin ay hindi ko na ‘yon dapat pino-problema.
For two days, binabagabag ako ng kaisipang iyan. Lalo kapag mag-isa ako. It always took me an hour to convince myself to shrug it off.
Kagaya ngayon. Nagpawala ako ng malalim na hininga. Hindi ko namalayan na nakatulala na ako at naglalakbay na ang isip ko sa mga scenario na pwedeng mangyari. Mostly mga made up scenario kagaya ng baka magkaproblema sina Seraphina at ang asawa niya dahil dito? O baka magka-away ulit ang pamilya namin? My mind is sabotaging my peace of mind.
Siguro, kailangan ko nang magtrabaho ulit para hindi ako nababakante ng gagawin. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table ng kama at saka tinignan ang oras.
It’s twelve noon. Lunch break na. Hinanap ko ang number ni Darius at saka siya tinawagan.
“Hi,” I greeted when he answered th