“She did an interview about us. I hope you don’t mind,” sabi ko kay Darius. “Tatanungin sana kita, kaso ang busy mo sa mga kausap mo.”
He chuckled. “Nah, I don’t mind. She’s helping me announce you to the world,” he said with a smug look.
Umirap ako pero nangingiti rin.
Nang may dumaan sa amin na waiter, kumuha kami ng champagne.
“Do you want to see the items for the auction?” biglang tanong niya sa akin.
Nag-isip pa ako, pero wala rin naman akong ibang gagawin dito kaya pumayag ako. Lumapit kami sa table kung saan nagaganap ang silent auction. Beside those auction pieces, may sheet sa gilid nila kung saan magsusulat ng pangalan ang gustong mag-bid sa item.
There were luxury jewels, a luxury watch, art pieces, exclusive spa packages, and private island getaways. Inisa-isa namin ’yon hanggang sa matapos namin. Then one caught my eye. Among the art pieces, may isa akong nagustuhan…isang painting ng dagat, may rock formation sa gilid. And for some reason, the moment I saw it, I remember