Maghanap
Library
Home / Fantasy / The Fall of the Queen / Ika-apatnapu't isang kabanata (ikalawang parte)

Ika-apatnapu't isang kabanata (ikalawang parte)

Author: Saigestsolaaaar
2021-09-05 14:01:48

Ginugol ko ang maghapon ko sa pagliligpit dito sa bahay at sa pagtitiklop ng mga nalabhan ko. Mabilis itong natuyo dahil sa mataas na sinag ng araw sa labas.

Pagkatapos ko sa mga gawain ay muli akong naligo. Pinili ko na lamang suotin ang puting mahabang bestida na binili sa akin ni Cyrus noon at pinatungan ng may mahabang manggas na cardigan dahil ang mismong bestida na suot ko ay may pugot na manggas.

Hinayaan ko na lamang na nakalugay ang buhok ko at naglagay ng kaunting kolorete sa mukha na nabili namin noon ni Cyrus sa mall. Isinuot ko na rin ang sapin sa paa na kasabay naming binili noon, at pati ang kwintas ko na hindi pa namin naibebenta. Mabuti na lamang at hindi ito ang kwintas na pagmamay-ari ng aking ina dahil hinding-hindi ko talaga ito ibibigay o ibebenta sa oras na kailanganin namin ng pera. Iyon na lamang ang nag-iisang alaala niya sa akin.

Nang masiguradong nakaayos na ako ay kinuha ko ang cellphone na ibinigay ni Cyrus sa akin at inilagay iyon

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App