Pinaka espesyalista na araw para sa dalawa ang araw na ito. Ito ang araw na matagal na nilang ipinapanalangin at hinihiling sa Diyos. Sa dami ng pagsubok ns kanilang pinagdaanan ay sa wakas at sa simbahan na rin ang tuloy.
Tuloy na tuloy na talaga!
Nasa sasakyan na sila ngayon at nakasuot na ng damit pang kasal. Nagkasundo sila na sabay ng pumunta sa simbahan upang makasigurado na sabay silang darating at walang mangyayaring aberya. Hindi naman sa pag-ooverthink pero mainam na yung sigurado. Matagal nilang inintay ang araw na ito kaya wala na talagang makapipigil sa dalawang pusong tunay na nagmamahalan.
"Malapit na tayo Babe sa simbahan. i cant wait to say yes to Forever." Justine said to hailey. Hinawakan nya ito sa kamay at saka ginawaran ng halik sa noo. "Nothing's gonna stop us now." dagdag pa nya.
"Yes, Justine! Wala na talagang makapipigil! hayys, its been a long Journey for us. Akalain mo, nandito na tayo sa dulo. "
Halatang kabado at excited si Hailey dahil pinagpapawisan a