HAILEY CARLOS/FELICITY SY POINT OF VIEW.
I DON'T GET HIM!
Alam ko namang may mali akong nagawa pero walang wala iyon sa mga pagkakamali nya na nagawa sa akin. Wala na kami noong nagkamali ako at aminado naman akong mali talaga pero pilit ko iyong itinama.
Alam ko rin na magtatagpo ang landas namin dito pero hindi ko inexpect na ganito sya ka bitter sa akin. Ang mga tingin niya, ang mga parinig niya, at ang mga galawan nya ay kala mong sya yung naging dehado dito. Nakakatawa dahil kahit si Felicity na ako ngayon ay nagagawa pa rin akong saktan ni Justine.
Mabuti na lang at nasanay na ako kaya imbis na magpakita ng pagkapikon ay hinayaan ko na lang sya. Mababa ang tingin nya sa akin mula noon hanggang ngayon at wala na akong magagawa doon kung hindi asarin sya pabalik. Kung magpapakita kasi ako ng kahinaan ay lalong lalakas ang loob nya. imbes na ipaliwanag ko ang sarili ko ay ginawa ko na lang ang mga bagay na sa tingin ko ay mapipikon sya.
Alas kwatro na ng hapon ngayon at katatap