Paparating ang kotseng sinasakyan ni Issa. Minamaneho iyon ng driver ni Vince gamit ang isang pulang BMW. Kagagaling lamang niya mula sa bahay ng mga magulang but when Vince told her na aagahan nito ang pag-uwi ay ganoon na lang din ang pananabik niyang makabalik agad.
She wanted to scold herself for feeling that way—for thinking about him all day long. Ngunit habang sinisikil ang damdamin ay tila mas lalo iyong kumakawala. Isinandal ni Issa ang ulo sa bintana ng sasakyan ngunit kaagad ding napaangat. Kasabay niyon ay ang pagtigil ng sasakyan sa mataas na gate ng villa.
Sa 'di kalayuan ay ang nakahintong motorsiklo at si Apolo, at ang mga naaaligagang katulong sa loob ng villa. Halos magiba ang tarangkahan sa malakas na pagyugyog ng lalaki roon habang pauli-ulit na tinatawag ang kanyang pangalan.
"Issa, lumabas ka! Mag-usap tayo! Issa!"
Tigalgal na napatitig ang dalaga rito. Mahihimigan ang desperasyon sa nagmamakaawang tinig ni Apolo. His eyes were tired and heavy. Pagkahabag ang hum