A marriage of convenience sa pagitan ni Issa at real-estate billionaire na si Vince Sevilla. She's left with no choice but to come to terms with the devil. Upang isalba ang magulang sa pagkakabaon sa utang sa binata'y pinakasalan niya ito. But the Sevilla was a thorn in the past. Nangakong hindi siya iibig kay Vince, but not until Lucy—ang babaeng susukat sa tunay na kahulugan ng salitang "karibal" sa puso ng kanyang asawa. Nagising siya isang umaga na tila siya estranghero sa paningin ni Vince at si Lucy ang bukod-tanging naaalala nito...
Lihat lebih banyakNagbabadya ang luha sa mata ni Issa. Sa harap niya ay ang life-size painting ng kanyang abuelo suot ang glasses at barong suit nito, like an image of grandeur and a well-bred man. Kuha iyon sa opisina ng matandang Galvez noong nabubuhay pa ito.
"Tara?" ang nobyo niyang si Apolo iyon. Yumakap ito mula sa likuran niya. "Nasa labas na ang taxi. Nailagay ko na'ng lahat ang gamit ng Mama't Papa mo." Sumilay ang kapirasong ngiti sa labi niya. "Kukunin ko ang portrait ni Lolo." "Sandali at kukuha ako ng ladder," maagap na tumalima ang binata bago tumalikod. Pinahid ni Issa ang namimintanang luha sa sulok ng kanyang mata. Ang may kalumaang-istilo ngunit malaking bahay ng mga Galvez kung saan siya lumaki at nagkaisip ang ibinayad ng kanyang ama sa pagkakautang nito sa negosyanteng si Vince Sevilla. Mahigit tatlong henerasyon ang tanda ng mansion na sa pagkakatanda niya'y minana pa ng lolo niya sa ama nito. Pinanood niya ang pag-akyat ng nobyo sa ladder. Ilang saglit pa'y tinatanggal na ni Apolo ang painting na nakasabit sa pader. "Maliit lang 'yung apartment na nahanap ko pero 'wag kang mag-alala, titingin ako ng may kalakihan pero affordable," anito habang papalabas sila ng mansion. Kipkip ng binata ang portrait at tangan naman niya ang kanyang maleta. "'Wag muna nating isipin 'yon. Ang importante ngayo'y maging maayos ang lagay ni Papa sa ospital." Nabagabag ang damdamin ni Issa nang matanawan ang nakaabang na taxi sa labas ng bahay. Binigyan niya ng huling sulyap ang bahay. Tila batong nakadagan sa dibdib ang pag-alis niyang iyon. Kasalukuyang isinasakay sa trunk ang maleta niya nang huminto sa 'di kalayuan ang puting SUV. Mula roon ay lumabas ang isang lalaki sa pormal na three-piece suit at itim na sapatos. Dire-diretso itong lumapit sa kanila. "Miss Galvez?" anito sa kanya. Saglit siyang napatingin sa pinanggalingan nitong sasakyan. Maliban dito'y lulan din ng SUV ang isang driver. "Ako nga." A slight frown on her forehead. "Teka, sino ka?" si Apolo dito. Hinawakan siya sa siko ng nobyo at bahagyang inilayo sa estranghero. "Executive assistant ako ni Mr. Vince Sevilla. Bilin niyang ipasundo si Ms. Elisabeth Galvez at makipagkita rito," magalang ngunit maawtoridad na wika nito. Isang business card ang ipinakita nito bilang pagpapatunay. Buong pagtatakang pinakatitigan niya ang tarheta kung saan nakaimprenta ang logo ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nito—ang Sevilla Land & Cityscape. Tumigas ang anyo ng dalaga sa nakita. "Pasensiya na pero nagmamadali ako," aniya sa malamig na pagdadahilan. Maliban sa hindi niya ito kilala, nunca rin niyang gustong makipagkita sa sinumang Sevilla. Ang huling beses na nakaharap niya ang angkan ay noong walong taong gulang siya. At kung hindi lang sa issue ng pagkakautang ng papa niya'y matagal na niyang nakalimutan ang mga ito. "Ms. Galvez—" Hindi na naituloy ng assistant ang pagtawag nang lumulan na sila ni Apolo ng taxi at naiwan itong nakasunod lamang ng tingin. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit gustong makipagkita ni Vince sa kanya. Naisalin na sa pangalan nito ang bahay at lupa ng kanyang pamilya. Bayad na sa pagkakautang ang papa niya. Ilang sandali pa'y binabagtas na nila ni Apolo ang daan papunta sa lilipatang apartment. Iniwan lang nila ang mga kagamitan roon at kagyat din nagtungo sa ospital kung saan naka-confine ang kanyang papa. Si Apolo ay sumaglit sa isang fast food chain para mamili ng pagkain at pinauna siya. Sa pribadong silid ay wala pa ring malay-tao ang amang si Jaime. Sa tabi nito ay kanyang inang si Giselle na nakatulugan na ang pagbabantay sa asawa. Nagising lamang ito nang lapitan niya. Mahigpit siyang yumakap dito. "Ma, nailipat na ang lahat ng gamit sa bago nating tutuluyan. Two-bedroom apartment. Hindi kalakihan pero doon muna tayo pansamantala," aniya rito. "Anak, pasensya ka na kung nararanasan mo ang lahat ng 'to—" "Ma," agap niya rito. "Walang may kagustuhan ng nangyari. Minalas lang talaga tayo ngayon." Lumapit siya sa nakaratay na ama at buong pagkahabag na pinagmasdan ito. Unconscious ang ama bagaman stable ang paghinga sa oxygen mask na nakakabit dito. Sa edad na singkuwenta'y sais, halos triple ang itinanda nito sa loob lamang ng ilang buwan. Dinibdib ni Jaime ang pagkakabagsak ng firm nito at mga milyones na pagkakautang. Ginupo ng depresyon at inatake sa puso. Hinihintay na lamang ang resulta ng laboratory tests ng ama bago ang sunod na hakbang sa gamutan nito. "Bago kami umalis ng mansion ni Apolo, may lalaking lumapit at sinabing pinasusundo ako ni Mr. Sevilla," pagbibigay-alam niya sa ina at muli itong nilingon. Waring tinakasan ng kulay ang mukha nitong hilam sa luha at pangamba. "Si Vince? A-anong sinabi mo?" Kibit-balikat na nagtungo siya sa mesang naroon bago sinimulang hiwain ang mansanas at isinalin sa bowl. "Hindi ako sumama. Walang dahilan para magkausap kami." "Pero, Issa, may mahalagang dahilan kung bakit gusto kang kausapin ni Vince," si Giselle sa anak. Banayad nitong ginagap ang kanyang kamay at sa alanganing tinig ay idinagdag, "H-hindi ko alam kung paano ko sasabihin..." Nahinto sa ginagawa si Issa. Napakunot sa tila implikasyon sa tinig nito. "Anak, makinig ka," pakiusap ni Giselle sa unica hija. "Kung puntahan ka man ni Vince, please, makipag-usap ka sa kanya. Maging mabait ka sa kanya." Nagsasalubong ang kilay na napamaang ang dalaga rito. Labis ang pagkadisgusto sa narinig. "Tubuan na ako ng sungay pero hindi ko gagawin 'yon. Nakuha na niya ang gusto niya kaya't para saan pa?" "Issa..." "Ma, ayoko." "Elisabeth!" mariin at may kalakasang sabi nito na halos ikapatda niya. "Ikaw ang gustong kabayaran ni Vince," anitong napahagulhol ng iyak at saka umiling-iling. "God, forgive me... I'm sorry." Nanigas sa kinatatayuan niya ang dalaga. "H-hindi ko naiintindihan," aniya sa pinagsamang kaba at kalituhan. "Sa laki ng pagkakautang ng papa mo kay Vince, hindi sapat na ibayad ang mansion. Wala pa sa kalahati ng pagkakautang ng papa mo ang halaga niyon." Hindi halos humihinga si Issa habang pinakikinggan ang ina. Parang siya ang sunod na aatakihin sa puso. "Maraming kaso ng e****a ang isinampa sa papa mo. Napilitan siyang lumapit kay Vince para humiram ng pera at upang kahit papaano'y makabayad sa mga pagkakautang niya. Pero higit pa roon ang itinulong ni Vince kay Jaime. Nabayaran ang lahat ng pagkakautang ng papa mo sa kundisyong ikaw ang magiging kabayaran niyon." Guilt was written all over her mother's face. Hindi rin maikakaila ang hopelessness. "Vince wants you to be his wife. Nangako siyang ibabangong muli ang negosyo ng papa mo oras na makasal kayo." Natutop ni Issa ang bibig. 'But, why?' Samu't sari ang katanungan sa kanyang isip... and hatred for Vince. Pinaikot nito ang kanyang ama gamit ang financial assets na hindi niya masasabi kung tulong nga ba. "Kung hindi ako papayag ay ano?" Bagsak ang balikat na napaiyak muli si Giselle. "I-ipakukulong niya ang Papa mo." Nanlaki ang kanyang mata sa marahas na pagsinghap. "Malubha si Papa. Paano niya maaatim na..." she halted. "Sa laki ng pagkakautang ng ama mo sa kanya'y desidido rin si Vince na makuha ang kapalit. Hindi masabi-sabi sa 'yo ng papa mo ang totoo. Palagi'y malalim ang kanyang iniisip. Minsan sinabi niyang 'di baleng mawala na lang siya, kaysa isakripisyo ka. "Mahal ka namin ng papa mo, anak. Hindi kami sumasang-ayon sa kundisyon ni Vince. Pero wala nang ibang paraan." Napakuyom ang dalaga. Kung nalaman lang niya kaagad ang tungkol sa kasunduan ng ama at ni Vince Sevilla, kusang-loob siyang sasama sa secretary nito at makipagkita rito. Kung bakit ganoon ang kundisyon ni Vince ang gusto niyang malaman.'Vince wants you to be his wife.' That's unfathomable.Maiging pinagmasdan ni Issa ang nahihimbing na asawa. Vince was a demigod with prolific dark lashes and jetblack brows, mga katangiang minana nito sa griyegong ina na batid niyang namatay sa komplikasyon sa panganganak. She smiled as she stared down at his muted lips—luscious and firm at the same time, like a mix of sweet and spice in her craving mouth. Tumingala siya at hinagkan ang mga iyon.It was supposed to be light and quick. Pero sa gulat niya'y mabilis na pumulupot sa katawan niya ang mga braso ni Vince at mariin siyang siniil ng halik sa labi. "Good morning, wife..." anas nito kapagkuwan."G-good morning. Kanina ka pa ba gising?" she stuttered in sheepishness.His mouth twisted in mirth with hands all over her. Lalo siyang pinamulahan nang gumala ang palad nito sa kanyang pang-upo at kahubdan, pagkuwa'y sa kanyang dibdib. "Kung gaano katagal mo akong tinititigan at pinagnanasaan," wika nito sa bahagyang pagpisil sa kanyang tagiliran."Excuse me, hindi kita pinagnanasaan. A-an
Mula sa study table sa mismong silid ay ang mga magkakapatong na libro, papel at ballpen, at laptop. Mga gamit iyon ni Issa sa pagre-review para sa gaganaping board exam sa susunod na taon. Tutal ay wala ring balak si Vince na kausapin siya sa buong-magdamag ay inabala na lang niya ang sarili sa pag-aaral. Alas otso ng gabi, mag-iisang oras mula nang magkaayaan si Vince at Lucy maligo sa pool.Hati ang atensyon niya sa inaaral at sa manaka-nakang tawanan ng magkaibigan. Hindi niya nais bigyan ng kahulugan o malisya ang pagligong iyon ng dalawa, ngunit hindi rin gustong bale-walain ang tila pag-e-enjoy ni Vince kasama si Lucy.Inis na tinanggal ni Issa ang salamin sa mata na sa tuwina'y isinusuot niya kapag nagbabasa. Tinungo niya ang balkonahe na karugtong ng silid nilang mag-asawa kung saan matatanaw ang swimming pool sa likod ng mansion. Simangot na pinagmasdan niya ang pag-uunahan ng dalawa sa paglangoy at si Lucy sa suot nitong two-piece swimsuit. Namumuwalan ang dibdib nito sa d
Paparating ang kotseng sinasakyan ni Issa. Minamaneho iyon ng driver ni Vince gamit ang isang pulang BMW. Kagagaling lamang niya mula sa bahay ng mga magulang but when Vince told her na aagahan nito ang pag-uwi ay ganoon na lang din ang pananabik niyang makabalik agad.She wanted to scold herself for feeling that way—for thinking about him all day long. Ngunit habang sinisikil ang damdamin ay tila mas lalo iyong kumakawala. Isinandal ni Issa ang ulo sa bintana ng sasakyan ngunit kaagad ding napaangat. Kasabay niyon ay ang pagtigil ng sasakyan sa mataas na gate ng villa.Sa 'di kalayuan ay ang nakahintong motorsiklo at si Apolo, at ang mga naaaligagang katulong sa loob ng villa. Halos magiba ang tarangkahan sa malakas na pagyugyog ng lalaki roon habang pauli-ulit na tinatawag ang kanyang pangalan."Issa, lumabas ka! Mag-usap tayo! Issa!"Tigalgal na napatitig ang dalaga rito. Mahihimigan ang desperasyon sa nagmamakaawang tinig ni Apolo. His eyes were tired and heavy. Pagkahabag ang hum
Sa isang top-line club sa Manila. Lucy took a sip of her margarita and a puff of her cigarette. Mariing idinutdot sa ashtray ang hindi pa nauupos na sigarilyo at saka tinitigan ang screen ng kanyang cellphone. Not a single message from Vince. She was asking him for a hang out na malimit na lamang nitong tanggihan nang ikasal kay Issa. Buong pagkainis na ibinagsak niya ang cellphone sa table na agad ikinataas ng kilay ng dalawa niyang kasama. "May dalaw ka yata, senyora," ang baklang si Raf sa dalaga. "I can't believe it," wala sa loob na naisuklay niya ang mga daliri sa buhok. "Vince's totally ignoring me," she sighed. Sandaling napatda ang baklang kaibigan kay Lucy, sabay tutop sa dibdib. "Demanding na girlfriend lang ang peg... Girl, may asawa na 'yung tao. Cheer up! If I were you, hahanap na lang ako ng ibang fafa na pag-aalayan ko ng oras at landi, 'no!" wika nitong kanina pa hinahagod ng malisyosong tingin ang mga naglipanang male hunk sa loob ng bar. "Oo nga naman. Vince is
"Hello, everybody!" si Lucio, ang ama ni Vince. Casual sa suot na sports shirt at cargo shorts at kararating lamang. Nasa dining sila at nag-uumpisa na sa pagkain.They all stood up. Magaang yumakap si Vince sa daddy nito at sila ni Lucy sa pagbeso rito."Hey, dad, where have you been?" anang asawa bago naupo sa tabi niya sa mesa."Nagkaayaan ang mga ninong mo mag-golfing. Kahapon pa ako umalis at sa hotel muna tumuloy," ngiting wika ng matandang lalaki at saka naupo sa silya sa dulo ng mesa. Amused na nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Lucy. "I'm so glad to see the both of you, ladies. Maswerte si Vince na may maalagang best friend at napakagandang asawa," anitong dinampot ang kutsara at tinidor."Nagpapalakas lang 'yang si Lucy. Magpa-pasko na raw kaya i-ready mo na ang aginaldo, Dad," pang-aalaska ni Vince sa dalaga."Oh, shut up, Vince! Palibhasa'y kuripot ka," irap ni Lucy.Iiling-iling at tatawa-tawang nagsalin ng pagkain sa plato nito si Lucio. "Kung bakit ay hind
Natapos ang isang linggong bakasyon ng mag-asawa sa El Nido, at sa buong byahe'y nanatili si Vince sa tabi ng dalaga. Mula sa eroplano hanggang sa lumapag sila sa Maynila. Vince held her hand habang pumapasok sila sa loob ng bahay."Kailan ang balik mo sa office?" untag niya at saglit na tumigil sa sala."Why? Do you miss me already?" si Vince sa banayad na paghila sa beywang niya.Nagpatangay lamang siya rito at kunwa'y inirapan ito. "You are so full of yourself. I just want to visit my parents habang wala ka rito sa bahay.""Anytime, darling. Kung gusto mo'y maaga akong uuwi para masamahan kita. Or how about we stay at your parents' house for a week, para hindi ka matagtag sa byahe kakaparoo't parito sa inyo at dito sa villa. We wouldn't know if..." Bumaba ang tingin ni Vince sabay haplos sa impis niyang tiyan.Hindi naikubli ang pamumula ng kanyang mukha. Sa loob ng isang linggong pagtatalik nila ng binata'y hindi malabong makabuo sila nito. He's never coy about that. He had the in
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen