Mula sa study table sa mismong silid ay ang mga magkakapatong na libro, papel at ballpen, at laptop. Mga gamit iyon ni Issa sa pagre-review para sa gaganaping board exam sa susunod na taon. Tutal ay wala ring balak si Vince na kausapin siya sa buong-magdamag ay inabala na lang niya ang sarili sa pag-aaral. Alas otso ng gabi, mag-iisang oras mula nang magkaayaan si Vince at Lucy maligo sa pool.
Hati ang atensyon niya sa inaaral at sa manaka-nakang tawanan ng magkaibigan. Hindi niya nais bigyan ng kahulugan o malisya ang pagligong iyon ng dalawa, ngunit hindi rin gustong bale-walain ang tila pag-e-enjoy ni Vince kasama si Lucy.
Inis na tinanggal ni Issa ang salamin sa mata na sa tuwina'y isinusuot niya kapag nagbabasa. Tinungo niya ang balkonahe na karugtong ng silid nilang mag-asawa kung saan matatanaw ang swimming pool sa likod ng mansion. Simangot na pinagmasdan niya ang pag-uunahan ng dalawa sa paglangoy at si Lucy sa suot nitong two-piece swimsuit. Namumuwalan ang dibdib nito sa d