Maghanap
Library
Home / Romance / The Rich Man's Fall / Chapter 7

Chapter 7

Author: Kirstenn Wolf
2024-11-22 13:27:49

"Alam kong medyo matabang ang Beef and Broccoli, but I hope you'd still enjoy it," Lucy winced while staring at her. Kasalukuyan silang nasa hapag at kumakain. Ang inumin nila'y fresh orange juice at aamining may katabangan ang pagkain bagama't masarap iyon.

Ngumiti siya rito. "It's good. Maswerte si Vince na may kaibigang chef na namo-monitor ang diet niya," aniyang pinasadahan ng tingin ang iba pang putahe na nakahain. Isang whole chicken na niluto sa turbo broiler, pepper steak, at cucumber salad ang inihanda ni Lucy. Everything was cooked in moderation, less fat and less salty.

At totoong maswerte si Vince kay Lucy. Maalaga na'y mahusay pang magluto. But for some reason, tila siya nakadama ng insekyuridad dito.

"Come on, tumulong ka rin naman sa pagluluto. Maswerte rin si Vince sa 'yo," anito na napatingin kay Vince at walang anu-anong humiwa ng manok, saka sinalinan ang plato ng binata. "Eat some, Vince. Crucial ang protein sa diet mo, and the salad, you should try it. Personal recipe ko 'yan."

Sa maikling sandali ay tinapunan siya ng tingin ng binata. Naghihintay marahil sa reaksyon niya sa inakto ni Lucy. But she didn't make any expression. Tahimik siyang kumain habang pinagmamasdan ang mga ito.

"Anyway, kailan nga pala ang kasal?" basag ni Lucy sa 'di nila pag-iimikan ni Vince. "Siguro naman, ako na ang maid-of‐honor sa wedding n'yo, unless may napili na kayo."

"We still haven't thought about the exact date but it won't take any longer. Civil wedding ang gusto ni Issa," ang binata ang sumagot. Mahihimigan pa rin ang disgusto sa desisyon niyang iyon.

Eksaheradang lumaylay ang balikat ni Lucy na tila dismayado at tumingin sa kanya. "But why? Minsan lang ang kasal, at kung si Vince ang tatanungin, for sure mapapakasalan ka niya sa kahit saang simbahan—"

"I know," 'di niya napigilang putulin ito, even the sarcasm in her voice. "Vince can do anything nang hindi nagwo-worry sa gastos. Mabibili niya ang kahit ano... ang kahit na sino," she emphasized the last words.

Natahimik si Lucy ngunit sa tabi niya'y ang marahas na paghinga ni Vince. Kung makikita lang niya ang pagtatagisan ng bagang ng huli'y baka pagsisihan niya ang nasabi.

A moment of awkward silence filled the room. At kung hindi sa manaka-nakang pagsasalita ni Lucy ay tila sila estranghero ni Vince na hindi nag-uusap. Hindi tumagal ay natapos ang dinner at nagpaalam si Lucy na uuwi na.

"I'll go ahead. It's nice meeting you, Issa," pahabol itong tumingin sa kanya mula sa bungad ng pintuan. Si Vince ay nakasunod dito.

"Ihahatid na kita sa parking," wika ng binata.

"Are you sure?"

"Come on, Lucy. Kailan pa kita pinabayaang lumakad nang mag-isa palabas ng unit ko?" may bahid ng iritasyon na sabi ng binata. Ngunit natitiyak niyang hindi ito sa kaibigan nagagalit.

Irap ang isinagot ni Lucy bago lumabas. Dinig pa niya ang huling sinabi nito. "Baka nakakalimutan mong sa iyo ang building na 'to. You got a tight security in this whole place."

Hustong naisara ang pinto'y hindi pa rin natitinag sa pagkakatayo si Issa. Hindi niya gusto ang closeness na nakikita sa dalawa. Sa buong oras na kasama si Lucy, pakiramdam niya'y isa siyang third wheel na nakikiamot ng kapirasong atensyon sa pagitan ng mga ito. Kilalang-kilala ng mga ito ang isa't isa and Lucy was not the type of person she would like to ignore. Her upbeat and smiling personality was like breath of fresh air.

She would want to be her friend kung hindi lang parang kaagaw niya ito sa atensyon kay Vince. Natigilan siya sa isiping iyon. Naipilig ang kanyang ulo at saka nagtungo sa dining area. Sinimulan niyang iligpit ang mga pinagkainan.

Aabalahin na lamang niya ang sarili dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya. The hell she would care kung higit pa sa pagkakaibigan ang tunay na relasyon ni Lucy at Vince. Malinaw ang kasunduan nila ng huli. A marriage for convenience—no less, no more.

Nailagay na niya ang mga pinggan sa automated dishwasher sa kusina nang marinig ang tinig ni Vince mula sa kanyang likuran. Sa lalim ng iniisip ay hindi na niya namalayan ang pagdating nito.

"You shouldn't have said that. Ininsulto mo 'ko sa harapan ni Lucy," nagsasalubong ang mga kilay ni Vince.

Hindi na niya kailangang hulaan kung alin sa sinabi niya ang tinutukoy nito. Nagtungo siya sa sink, naghugas ng kamay, at saka tinuyo ang palad sa towel doon. Naiinis na kailangan niyang tingalain ang binata dahil taas nitong hindi yata bababa sa anim na talampakan. "Uuwi na rin ako," sa halip ay tipid niyang sagot dito.

Akmang lalagpasan niya ito ngunit para lang muling mapaharap dito. Mahigpit siyang hinawakan ng binata. "You can't leave this place without my permission. Stay still and talk," nag-uutos nitong sabi na ikinainis niyang lalo.

"Bakit, Vince? Alin ang hindi totoo sa sinabi ko?" naghahamon ang tinig niya.

Dumiin ang mga daliri nito sa balat niya. She winced and tried to step back, but his grip tightened even more. "You may be right. Binili kita. Pero sa asta mo, I don't think you are even worth a million, not even something I deem worthy—"

Bago pa matapos ang huling pangungusap ni Vince ay mabilis na dumapo ang libreng palad niya sa pisngi nito. Nagtaas-baba ang balikat niya sa umahon na tensyon at galit sa dibdib niya. Hindi niya inaasahan ang panunumbat na iyon mula rito. Sinasaktan siya nito sa paraang sinaktan din niya ito kanina.

"How dare you! Pera lang ang inutang ng magulang ko sa 'yo, hindi ang pagkatao ko, kaya wala kang karapatang husgahan ako, Vince... wala!" Nagpupuyos ang damdamin na kumawala siya rito. Nabitawan siya nito dala ng kabiglaan. Kung sa sinabi niya o nasabi nito'y hindi niya alam.

"Dammit!" he cussed as he hit the countertop with his fist.

Hindi na niya hinintay pang makalapit muli ang binata at mabilis na tinungo niya ang main door. Habang naglalakad sa pasilyo'y tila gripong nabuksan ang kanyang mata at umagos ang mga luha. Naipagpasalamat na walang ibang nag-aabang sa elevator kundi siya lang kung kaya't malaya siyang makakaiyak.

Hustong bumukas iyon nang maantala ang kanyang pagsakay. Sa tabi niya ay si Vince at mabilis siyang napigilan. Itutulak na lamang niya ito nang bigla siya nitong hapitin palapit, saka siya ikinulong sa mga bisig nito.

He was hugging her in silence. And before she realized, nakayakap na rin siya rito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App