After that night, hindi na ako nilubayan ni Luther. Kahit na maka ilang ulit ko siyang tinaboy. Ayaw ko mag bigay ng kahit na anong sagot sa kanya, hanggat hindi ko pa na kukumpirma ang nararamdaman ko. At mas lalong hindi pa ako handa..
And isapa, ayaw ko na masaktan pa ulit.
“ And beside, I’m also planning on filing a case against you.” Ngumisi siya, ang mga mata niya ay kumikislap sa ilalim ng liwanag.
Nasa loob kami ngayon ng sasakyan niya, sinundo niya ako kanina sa condo unit ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang address ko. Dahil kahit si Aye na kapatid niya ay hindi iyon alam.
Pero siya raw ang mag hahatid sa'kin papasok sa opisina.
“ What?!" Napasigaw ako, ang puso ko ay bumibilis ng tibok sa kanyang sinabi. “ A case? Against me? "
“ Yes," sagot niya, na ngayon ay nakangisi.
“ Sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginawa sa'yo na labag sa batas. " Sambit ko, naguguluhan. “ At ano naman ang isasampa mo sa akin?"
Mas lalong lumawak ang ngisi niya sa tanong ko. “ Stealing."
“ Stealing? " tanong ko, at napa kunot ang noo.
“ Yes, because you stole my heart five years ago. And stealing is against the law, isn't it?" Tanong niya, and I couldn't help but to look at him in disbelief.
“ You’re so corny naman! " nasabi ko na lang, pero may ngiti na sa aking labi.
Hindi niya alam pero napangiti niya ako ron. Medyo korny! Pero kung joke niya yon, mabenta sakin.
“ I'm going to file against you for stealing and physical injury.” Dagdag niya, ang tono ng pananalita niya ay biglang naging seryoso.
Kaya napatigil ako sa pag tawa at napatitig sa kanya.
“ Physical injury? " bulyaw ko, ang mga mata ay lumalaki sa gulat sa sinabi niya.
“ Yes,” tumango siya. “ From breaking my heart into pieces five years ago." Pag patuloy niya, ang boses niya ay puno na ng drama. “ And you have to take full responsibility for it. From stealing and breaking my heart.”
“ Against the law na yon para sayo?" Inis na tanong ko, ngunit may halong ngiti.
“ Yes," sagot ng kumag sa akin, ang tono ay tila nagiging mas seryoso.
“ My gosh! Hindi ko nga alam na tao ka pala, kaya paano naging against the law yon?" Reklamo ko.
Bakit parang hindi ko ata alam ang bagay na ‘yan?
“ I'm not just a human, but a baby.” Sabi niya at nag baby voice pa talaga, Akala niya ata cute siya pakingga, pero oo, na cute na.
“I'm a baby.” Ani niya. “... your baby.”
Ngunit sa mga salitang iyon, parang may bumuhos na malamig na hangin sakin. Ang mga alaala ng nakaraan ay bumalik sa akin—ang mga ngiti, ang mga luha, at ang mga pangako na hindi natupad.
“ Wait, are you serious?” Tanong ko, ang boses ko ay nagiging mahina.
Nabura rin ang ngiti na nakaukit sa aking labi.
“ Always,” sagot niya, ang mga mata ay puno ng sinseridad. “ But there's more. If you don’t take responsibility, I might just have to take matters into my own hands.”
Nagtanong ako, “ Anong ibig mong sabihin?”
Ngunit bago siya makasagot, biglang may malakas na bumosina mula sa likod. Nakalimutan ko hindi nga pala ito soundproof dahil ibang sasakyan ang gamit niya ngayon.
“ I guess we’ll have to settle this in court then,” Nag kibit ako ng balikat.
“ Yes, we really have to settle it in court,” pag sang-ayon niya, ang mga mata niya ay puno ng misteryo. “ So we better go to my home now.”
“ Your home?" Taka na ani ko, naguguluhan. “ Anong gagawin natin sa bahay niyo? "
Ngumisi siya ng makahulugan. “ I thought you said we settle it in court?"
Tumango ako, pero nag-aalangan pa rin. “ Oo, pero ano—"
“ Then we’re going to my home to settle it in my room,” pagputol niya sa akin,
Natigilan ako saglit, unti-unting pumasok sa isip ko ang ibig niyang iparating. “ You’re unbelievable!" sabi ko, saka hinampas siya braso.
He grinned, “ Don’t worry, I’ll be the judge as well.”
Sa mga salitang iyon, parang may kislap ng panganib at saya sa hangin. Ang puso ko ay kumabog ng mas mabilis, at sa kabila ng aking pagdududa, may isang bahagi sa akin ang nag-aasam na malaman kung ano ang mangyayari sa kanyang silid.
“ Anong klaseng ‘settlement’ ang pinag-uusapan natin dito?” tanong ko, ang boses ko ay nagiging mahina, ngunit puno ng curiosity.
“ A very special kind,” sagot niya, ang mga mata ay nagliliyab. “ I promise, it’ll be worth it.”
Sa mga sandaling ito ay saglit kong nakalimutan ang sakit ng nakaraan namin.