Camila's POV
Masaya ang fiesta. Maingay ang paligid dahil sa mga kaliwat kanang parada ng mga baklang sumasayaw at bumubuga ng apoy. Nagkalat rin ang mga palabunutan at colorwheels sa paligid. Buhay na buhay ang fiesta ng Infane. Lahat ng tao ay masaya at nagkakaingay. Sinarado ang kalsada kaya naman nagtatakbuhan ang mga bata na tuwang-tuwa sa paligid.
Miski siya parang bumalik siya sa pagkabata. Naaaliw siyang ilibot nag mga mata sa paligid habang nakaakbay sa kanya si Percy. Napagpasyahan nilang maglakad-lakad muna habang hinihintay nilang mag-umpisa ang program sa plaza. Naroroon sina Anna at ang grupo na kinabibilangan nito pati sina Ate Dolor at Ernie.
Abala na ang mga iyon kaya hinila niya na muna si Percy para mamasyal. Game naman itong