The Woman He Loves (tagalog)

The Woman He Loves (tagalog)

last updateLast Updated : 2025-05-23
By:  Raw Ra QuinnUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
5views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"I'm willing to be your slave, Mi Bella, just say it." He whispered in her ear. Camila closed her eyes and arched her body to him. He could feel her tension, the same sensual tension he also feel right now. If he was not only concerned that Camila would suddenly be afraid, he would follow the beast in him; to destroy the clothes Camila wearing now, where it can barely conceal Camila's body, especially in the eyes of the other men. He felt anger and jealousy. He hates it, when other men looked at Camila with lust. He owned her! Camila was his, then and now. And no one have a privileged to lust after her, except him. He will make sure of that.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Camila's POV

TINUNGGA ni Camila ang ladies drink na hawak niya habang sinusuyod ng tingin ang buong club na kinaroroonan niya. Huminto ang tingin niya sa isang matandang lalaking naka-business suit at buong kamanyakang tinititigan siya. Siguro'y nasa late fifties na ito. Mataas na ang hairline nito at medyo nagmamantika ang mukha.

Nginitian niya ito at kinindatan. Pinagpalit niya rin ang pagkaka-cross legs ng mga binti niya para masilip nito nang bahagya ang underwear niya. Lihim naman siyang napangiti nang makitang napalunok ito at bahagyang niluwagan ang necktie na suot-suot nito. tila nahirapan ito sa paghinga.

Kitang-kita sa mukha nito ang pagnanasa habang nakikipagtitigan sa kanya. Hanggang sa hindi na ito nakatiis at nilapitan na siya.

"Hi, sweetheart," bati nito nang makalapit sa tabi niya sa bar counter.

Pinasadahan niya ito nang tingin, armani ang suot nitong suit at mukhang mamahalin din ang relo, mayroong din itong gintong necklace na kasing taba ng hinliliit niya ang kapal. Lalong tumamis ang pagkakangiti niya rito. Humarap siya rito at pasimpleng pinasilip dito ang clivage niya. Bumilog ang mga mata nito. Mukhang aatakihin na ata sa puso ang matanda sa sobrang pagnanasa sa kanya.

"Hi to you too, handsome," aniya saka marahang pinadaanan ng mga daliri niya ang kamay nitong nakapatong sa bar counter.

Lalo naman itong lumapit sa kanya saka siya pabiglang hinapit sa baywang.

"Oh..." malanding ungol niya at sinadyang isinubsob sa mukha nito ang dibdib niya. Medyo may kaliitan kasi ito at sa taas ng stool na kinauupuan niya hanggang dibdib lang niya ito. "Careful, handsome. Baka ma-fall ako," bulong niya rito. Naramdaman naman niya ang pagpisil nito sa pang-upo niya. Halata ang pagkagigil.

"I have a reservation upstairs, do you wanna see it?" anito saka sinibasib ng halik ang leeg niya, "I'm loaded and generous," pang-eenganyo pa nito.

Bahagya naman siyang lumayo dito at nanglambitin sa necktie nito. "Mmmm... Malaki ba yung room mo?"

Kuminang naman ang mga mata nito sa sinabi niya. "One of the most expensive suite, sweetheart."

"Mmm... Okay..." pagsang-ayon niya.

Sumama siya rito sa 14th floor ng hotel, kung nasaan ang mga mamahaling suite ng hotel. Alam niya dahil madalas siya rito. Ilang beses na rin siyang nakaakyat dito sa 14th floor. Mga bigatin at mayayaman lang ang alam niyang nakaka-afford ng suite sa 14th floor kaya naman nasisiguro niyang maraming pera ang matandang kasama niya.

Pagkapasok sa kwarto ay agad siyang dinaluhong nito pero agad niya itong tinulak. "Maligo ka muna... At hugasan mong maigi yang... Para naman kapag..." aniya rito na binibitin ang mga sinasabi niya, mukhang gets naman ng matandang manyak ang ibig niyang sabihin kaya excited na itong tumalima sa iniutos niya dito.

"Mukhang bigatin nga si tanda ah..." mahinang aniya saka nilapitan ang complementary wine sa maliit na center table. Sinalinan niya ang dalawang wine glass. Lumingon siya sa banyo, nang makasiguradong nakasara iyon ay mabilis niyang dinukot sa padding ng bra niya ang sleeping pills na lagi niyang baon, saka iyon agad na tinunaw sa isa sa mga wine glass. Sakto namang lumabas ng banyo ang matanda ng matapos siya.

Muntik na siyang matawa nang makitang nakatapis na lang ng tuwalya si tanda, kulubot na ang balat nito at ang laki ng tyan. Agad niya itong nginitian nang matamis saka kinuha ang mga wine at inialok dito ang wine na may sleeping pills.

"Pampagana..." aniya dito at gusto niya mapasimangot nang halikan niya ang leeg nito.

Nakipag-cheers pa ito sa kanya bago nila sabay na ininom ang wine. Nang maubos ang laman niyon ay kinuha niya iyon dito sa nilapag sa center table.

Paupong itinulak niya ito sa malaking kama saka nag-umpisang abutin ang zipper ng dress niya mula sa likuran pero bago pa man niya maibaba ng tuluyan ang zipper ay bumagsak na si tanda sa kama at naghihilik na.

Nilapitan niya pa ito para makasiguradong tulog na. Nang makasiguro ay mabilis ang mga pagkilos na inayos niya ang pagkaka-zipper ng dress niya saka naupo sa tabi ng matanda at hinubad ang relo at gold necklace nito. Bahagya niya pa iyong kinagat para makasiguradong tunay iyon, saka isinuksok iyon sa dibdib niya kasama ng relo. Pagkatapos ay binalikan niya sa banyo ang pinaghubaran nito at kinuha ang wallet nito.

"Jackpot!" tuwang-tuwang aniya nang makita ang makapal na lilibuhin sa pitaka. Sa tantya niya aabot ng fifty thousand iyon. Kinuha niya ang purse niya at ipinasok ang pera doon. Saka iniwanan na sa suit ang biktima niya.

Easy money. Mabilisang raket na kinasanayan na niya sa mga nakalipas na taon. Madali lang naman ang ginagawa niya. Kailangan niya lang landiin ang biktima niya, akitin ang mga uto-u***g lalaking sabik sa magagandang katulad niya.

Naglakad siya papunta sa elevator na parang walang nangyari. Agad siyang sumakay elevator nang magbukas iyon.

Sa laki ng nakuha niya ngayon, mukhang ilang araw siyang makakapahinga. Iniisip niya kung ilang grams kaya ang gold necklace na nakuha niya at kung magkano na ba ang bentahan ngayon ng ginto.

Nahinto lang siya sa pag-iisip nang bumukas ang elevator sa 10th floor at may kalalakihang sumakay. Apat na mga lalaking pulos naka-black suit at isang lalaking naka red three piece suit. Bigla ang pagkabog ng dibdib niya ng mamukhaan ang lalaking naka-red.

Buti na lang at hindi siya nito napansin dahil busy ito sa pakikipag-usap sa cellphone nito. Ibang lenggwahe ang gamit nitong salita at mukhang galit ito sa kusap. Bahagya siyang nagtago sa mga lalaking mukhang bodyguard nito.

Ramdam niya ang panlalamig ng katawan niya at panginginig ng tuhod niya. Sampung taon na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagbabago ang epekto nito sa kanya.

Bumibilis pa rin ang tibok ng puso niya. Lihim niya itong pinagmasdan sa repleksyon nito sa pinto ng elevator. Hindi man lang nagbago ang feature nito, medyo nag-matured lang pero mas nakadagdag iyon sa charisma nito. Bahagya siyang suminghot. Kahit marami silang kasama sa loob ng elevator langhap niya pa rin ang pamilyar na lalaking-lalaking amoy nito. Parang gusto niyang maiyak. Ilang beses niya bang hiniling na muling maamoy ito? Ang muling makita ang gwapong mukha nito? Ang magagandang abuhing mata nito?

Nanghihinang napasandal siya sa dingding habang pigil ang sariling makagawa ng kahit ano na ikalilingon nito sa kanya. Halos pigilin niya rin ang paghinga. Hanggang sa huminto ang elevator sa ground floor at bumukas iyon.

"It's her!" malakas na sigaw ng kung sino. Nangunot ang noo niya lalo na nang mahawi at magsilingunan sa kanya ang mga kasama niya sa loob ng elevator. Nakita niyang nakatayo ang matandang biktima niya sa labas ng elevator habang katabi ng ilang security ng hotel. "That's her!" Galit na muling turo sa kanya ng matanda.

Tang-inang 'to, bakit

nagising

agad?

"Magnanakaw ang babaeng 'yan! Ninakawan niya ako! Hulihin niyo yan!" sigaw pa nito.

"T-Teka- teka sandali!" aniya ng pumasok ang dalawang security at hawakan siya. "Bitawan niyo nga ako!"

"Miss, sumama ka na lang nang maayos," ani ng isang security guard.

"At bakit ako sasama sa inyo? Bitawan niyo nga ako-"

"Get off her!" dumagundong ang baritonong boses na iyon.

Si Percy. Na ngayon ay matiim nang nakatingin sa kanya. Nakalimutan niya ito kanina dahil sa pagkakataranta dahil sa mga security guard at sa nabiktima niya.

"I said, Get off her!" malakas na sigaw nito sabay dukot ng baril sa likod nito at itinutok sa security personel na may hawak sa braso niya. Namutla ang mga ito.

Pakiramdam niya pati siya ay nawalan na rin ng kulay. Hindi na niya alam ngayon kung sa takot at kaba ba, kaya mabilis ang pagkabog ng dibdib niya o dahil sa pagkakatitig nito sa kanya na may pangungulila sa mga mata.

"Come here, Camila," utos nito sa kanya at iniabot pa ang isang kamay sa kanya at ang isang kamay naman ay may hawak na baril na nakatutok sa security guard.

Mabilis siyang umiling saka nagsumiksik sa security guard at binulungan ito, "Wag mo kong ibibigay kuyang Guard. Hulihin niyo na 'ko, kahit iuwi mo pa ko sa inyo," bulong niya sa security guard na namumutla sa tabi niya.

Dumilim naman ang mukha ni Percy at matalim na tinitigan siya. Saka sinenyasan ang mga bodyhuard nito. Mabilis namang kumilos ang mga tauhan nito at hinawakan siya. Nahagip niya naman ang damit ng security personnel ng hotel at mahigpit na kumapit doon ng pilit siyang kaladkarin ng mga tauhan ni Percy.

Mamatay na at magunaw na ang mundo pero hindi siya sasama! Hinding-hindi siya sasama kay Percy!

Halos masira naman ang damit ng security kakahila niya dito hanggang sa maski ito ay makaladkad na rin palabas ng elevator.

"Ayoko! Bitawan niyo 'ko, magpapakulong na lang ako! Saklolo! tulungan niyo 'ko!" Nagwala siya. Nagpupumilit siyang magpumiglas sa mga may hawak sa kanya. Pinagsisipa niya ang mga ito pero hindi siya makakawala. "Tulong! Ki-ni-kidnap nila ko!" aniya pa. Nakaagaw na sila ng atensyon mula sa ibang guest pero walang nagtangkang mangialam.

"Mr.Black, magnanakaw po ang babaeng 'yon," sabat ng matandang nabiktima niya kay Percy.

"Gusto mong ibaon kita ng buhay?" galit na singhal ni Percy rito. Sunod-sunod naman na umiling ang matanda at agad na namutla. Miski ang manager ay hindi na nangialam.

Wala na siyang nagawa nang kaladkarin siya ng mga ito papunta sa labas, at isakay sa isang puting limousine na nakaparada sa labas ng hotel.

"Mga bwisit!" mura niya sa mga ito nang puwersahan siyang ipasok sa loob ng limousine. Agad naman niyang tinungo ang katabing pintuan para sana lumabas do'n nang biglang bumukas iyon at pumasok si Percy. Napabalik siya sa pwesto niya kanina at nagsumiksik sa pinto makalayo rito.

Madilim pa rin ang mukha nito at matalim na nakatingin sa kanya. "Hanggang ngayon manloloko ka pa rin?" makahulugang tanong nito.

May kirot na dumaan sa dibdib niya dahil sa sinabi nito pero mas lamang ang galit na nararamdaman niya dahil sa sinabi nito.

"Hanggang ngayon kasi uto-uto pa rin kayong mga lalaki-"

Mabilis na sinakal siya nito at ipininid sa pinto.

"Hindi lahat," mariing anito sa nag-ngangalit na ngipin. "Yung iba, nagmahal lang!" kita niya ang galit sa mga mata nito nang sabihin iyon.

Nahihirapan man ay napalunok na lang siya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status