Kylie's POV
It was dark, very dark indeed. Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Dere-deretso lang ako sa pagtakbo. I was out of breath, but I didn't stop.
Naririnig ko ang pagsisigawan ng mga tao, ang mga iyakan. Pero unti-unti iyong tinatangay ng hangin palayo.
Ilang beses akong muntik nang madapa. Halos mabitiwan ko na rin ang bag na dala ko. And yet, deretso pa rin ako.
Nang sumabit ang paa ko sa isang sanga ng halaman ay tuluyan akong gumulong sa lupa. May sampung segundo akong hinabol ang hinga ko bago muling bumagon.
Nang maka-adjust ang mata ko sa dilim ay napansin kong maliit na halaman ang dahilan para madapa ako. It was a bush-like plant. Nag-desisyon akong magtago doon para saglit na makapag-pahinga. Hindi biro ang hangin na kailangan kong habulin. Alam kong kung hindi man ako mamatay sa kamay ng mukhang mga bandidong grupo na yun, ay mamamatay naman ako sa pagod.
Nanginginig ang mga binti ko. Pati ang mga braso ko, maging ang kamay ay nanlalamig.
Hindi bi