Vina's POV
I made her undergo a test, I did a Transvaginal ultrasound to make sure, and it turned out positive, she's six weeks pregnant.
Lumabas na kami sa ultrasound room at bumalik sa working table ko, pinaupo ko siya sa kaninang inupuan niya, hinila ko naman din ang upuan ko saka ako naupo.
I hold the mouse of my computer at may in-adjust lang na kaunti, may tinype ako sa keyboard at iniharap ko sa kanya ang monitor.
May itinuro ako sa kanyang maliit na bilog sa ultrasound image. "Here, kita mo 'to?" tanong ko.
Tumango siya. "Y-Yes po, Doc."
"You're pregnant, six weeks," anunsyo ko.
Pero taliwas sa inaasahan ko ang naging reaksyon niya dahil imbis na matakot bigla siyang natuwa. Hindi ba dapat malungkot dahil hindi siya makakapag-trabaho?
Kaya naman hindi napigilang mapa-arko ang isang kilay ko. "Bakit tuwang-tuwa ka pa?" sarkastiko kong tanong.
Pero nangingibabaw masiyado ang tuwa niya. at ngumiti lang siya sa akin. "Kasi ho Doctora..."
Yumuko pa siya at ipinagdaop ang mga kama