MISTER, YOU MESSED WITH THE WRONG GIRL [SHE'S A SOLDIER]
Ang dalagang si Quin na kilala rin sa tawag na Agent Della, isang pribadong sundalong hindi sakop ng gobyerno.
Kasama siya sa samahang Falcon Military, nagsisilbi na may iisang hangarin, labanan ang lumalaganap na mga krimen sa bansa sa loob ng pribadong ahensya.
May likas na kakayanan ang dalaga na makipagsabayan sa kalalakihan, at lumaban sa karahasan.
Nabuhay siyang walang takot mula sa nakaraang masalimuot na naging ugat kung sino siya sa kasalukuyan.
Nang magtagpo ang landas nila ni Henrick Montegarde isang ordinaryong gabi, kilala ang binata sa larangan ng negosyo at tanyag din sa larangang sining.
Naranasan ng binata ang lupit ng kayang gawin ng isang palabang dalaga dahil sa nagawang kapangahasan na hindi niya sinasadya, ngunit nagdulot na ng hindi magandang impresyon sa dalaga.
He messed with the wrong girl that night.
Lingid din sa kaalaman niya ang nakatapat isa palang mahusay na sundalong magaling sa larangan ng pakikipaglaban, dahil dito nakuha nito ang labis niyang interes.
Pero papaano kayang paaamuhin ni Henrick ang isang dalagang kagaya ni Quin na matigas, at mas matapang pa sa kanya? At Makuha naman kaya niya ang puso nito na kasing tigas ng bato?