Pagkatapos ng laro, nagbalik sa normal ang ingay sa loob ng sala. Tila walang nakapansin na halos hindi ako makahinga habang pinapanood ko si Killian na pinupuri pa rin ng mga bisita.
“You two look so good together,” narinig kong bulong ng isa sa mga bisita.
“Sayang, kung hindi lang annulled ‘yan, baka pwede pa silang maikasal ulit,” sabay turo sa akin.
Napakagat ako sa labi. Tumingin ako kay Killian—na ngayo’y nakangiti lang sa isang sulok, hawak pa rin ang softdrink na inabot ng isang pamangkin ko. Pero saglit lang ‘yon. Dahil ilang segundo lang ang lumipas, nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Intense. Hindi basta ngiti—may sinasabi ang mata niya na ayaw niyang banggitin sa harap ng marami.
Lumapit siya sa akin. “I need a break,” bulong niya. “Come with me.”
“Where?”
“Somewhere we can breathe.”
Hindi ko alam kung dahil ba sa mga titig niya o sa mismong pagkalapit ng katawan namin, pero kusa na lang akong tumango. Tahimik kaming lumakad papunta sa guest room sa second floor.