Nang marinig ko ang paalam ni Killian sa mga bisita, kusa akong napatigil sa paghuhugas ng mga pinggan. Wala akong intensyong sumabay sa kanya.
“I have an early meeting tomorrow. Mauuna na ako,” casual niyang sambit habang kinakamayan si Drako at nakangiti sa pamilya ko.
Ngumiti lang ako mula sa loob ng kitchen, akmang babalik na sana sa ginagawa ko.
“Claudette!” tawag ni Ate Caleigh.
Napalingon ako. Nakatayo siya sa likuran ni Killian, may hawak na wine at isang malikot na ngiti sa mukha.
“Sabay na lang kayong dalawa sa biyahe. Magpahatid ka na kay Killian pauwi. Wala ka namang dalang sasakyan, ‘di ba?” sabay tulak sa likod ko papalapit sa pintuan.
“Wait, Ate—” Kunot-noo akong tumingin sa kaniya.
Ngunit parang wala siyang narinig. Mas lalo pa niya akong itinulak palapit kay Killian, na tahimik lang na nakatingin sa amin. May bahagyang ngiti sa labi niya, ‘yung tipong parang aliw na aliw sa eksenang nangyayari.
“Ate naman—” bulong ko, halos pabulong na reklamo.
“Just go. It’s