Masakit ang buo kong katawan nang dahan-dahan akong dumilat mula sa mahimbing na pagkakatulog. Para akong binugbog—lalo na sa gitna—pero sa kabila ng lahat, may kakaibang ngiti ang nakaukit sa mga labi ko.
Napatingin ako sa tabi ko sa kama. Wala na si Killian.
Saglit akong natahimik, pinakiramdaman ang sarili. Walang saplot ang katawan ko, at kahit pa bahagya akong kumikirot, naroon pa rin ang init na iniwan ng gabi naming dalawa.
Paglingon ko sa may nightstand, may isang bouquet ng fresh white roses. Nakabalot iyon sa eleganteng cream wrapper, may golden ribbon at isang maliit na card.
“Good morning, Professor. — K.”
Napangiti ako nang kusa. Kinuha ko ang mga bulaklak at dahan-dahang inamoy, saka ko mas lalong naalala ang bawat halik, haplos, at ungol kagabi. Hindi ko maitanggi. Pagod man ang katawan ko, pero ang puso ko—nando’n pa rin sa init ng bisig ni Killian.
Nag-ayos ako ng kaunti. Isang oversized shirt lang niya ang sinuot ko, tapos ay bumaba habang tangan pa rin ang bula