Chapter: Chapter Fifty-Seven- Aekim’s Thinking"Si Aekim, wala pa ba?" tanong ko sa mga kasama ko sa bahay. "Wala pa po, Ma'am Lala." "Bakit kaya wala pa siya? Alas nueve na ng gabi." nag-alala kong wika. Hindi ako sanay na sa ganitong oras wala pa si Aekim. Simula kasi ng magising ito palagi na itong umuuwi ng maaga.Nag-alala na dinial ko ang number ni Aekim ngunit out of coverage ito. “Saan ka, Aekim?” nag-alala kong wika saka palakad-lakad.“Lanie, pakitwag nga si Ramon, aalis kami ngayon.” utos ko sa isa kong kasama sa bahay bago naglakad paakyat ng kuwarto para magbihis. Ngunit bago pa man ako nakapagpalit ng damit bigla na lang tumunog ang SMS ringtone ko. Kinuha ko anv cellphone ko at binuksan ang message. Galing ito kay Aekim at sinabi nito sa text na niyaya siya ni Benny na kaibigan niyang mag-Tagaytay. Biglang nawala ang pag-alala ko kaya hindi ko na itinuloy ang pagbihis. Bagkus, lumapit ako sa intercom para ipaalam kay Lanie na hindi na kami tutuloy ni Ramon. “Lanie, pakisabi kay Ramon na hindi na kami aalis. N
Terakhir Diperbarui: 2025-11-07
Chapter: Chapter Fifty-Six- Balae"Lily, sa tingin ko unti-unti ng bumabalik ang alaala ni Aekim." wika ko kay Balaeng Lily na ina ni Valentina. Kausap ko siya ngayon sa telepono dahil tinawagan ko siya para ibalita ang mga galaw ng anak ko. Hindi sa tina-traidor ko ang anak ko, kundi pino-protektahan ko lamang siya. Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari ngayong magaling na si Leona. Ang babaeng 'yon. Hinding-hindi ko siya palalampasin. Kapag naiisip ko si Leona umiiba kaagad ang tinpla ng utak ko, ang tibok ng puso ko. Gusto siyang magbayad sa ginawa niya kay Valentina. Hindi siya puwedeng makalaya pa. Idagdag ko sa kaso niya ang nangyari kay Aekim. Kung hindi dahil sa ginawa niya kay Valentina, hindi si Aekim na-coma at nagka-amnesia. "Hindi natin mapipigilan 'yan, Lala. As of now, hayaan muna natin siya sa mga gusto niyang gawin." sagot nito. "Kawawa din ang anak mo, Balae, pero mas kawawa ang anak ko sa kaniya." "Pasensiya ka na, Balae, ha. Siraulo kasi ang anak ko, kaya kung ano man ang desisyon ni
Terakhir Diperbarui: 2025-11-05
Chapter: Chapter Fifty-Five- My Lucky StarJULY 19, 2024."Mama, nasaan po kayo? May dala po akong cake para sa'yo!" tawag ko kay Mama Lala habang nakangiti na nilalapag ang dalawang layer na ng cake. Birthday kasi ngayon ni Mama Lala kaya heto ang anak niyang paborito. Bumili ng cake para sa paboritong Ina."Saglit lang anak!" sigaw ni Mama sa akin. Mukhang nasa kusina ito at nagluluto.Maya-maya ay sumulpot na si Mama habang nagpupunas ng kamay sa suot nitong aphron. “Nagluluto ka, Ma?” “Oo, anak. Gusto kita ipagluto. Isa pa kaarawan ko ngayon kaya nasa mood.” “Gano’n po ba?” wika ko saka inakbayan si Mama at sabay kaming naglakad patungo sa dining area. “Gusto mo kain tayo sa labas, Ma?” “Huwag na, Anak, baka mapagod ka pa. Dalawang taon kang na-coma at ng magising ka nagkaroon ka naman ng amnesia. Ayoko nang maulit pa iyon.” wika na Mama na naiiyak. Napahinga ako ng malalim saka pilit na winawaksi ang nakaraan.Wala man akong maalaa dati pero ngayon, naalala ko na ang lahat. Walang alam si Mama at hindi ko muna sasabih
Terakhir Diperbarui: 2025-11-04
Chapter: Chapter Fifty-Four- Still MissingAraw ng sabado ngunit wala akong ganang bumangon. Kagabi nga lang ako nakatulog kung hindi ako hinatak ni Mama Lala sa kuwarto. Kung hindi dahil kay Mama, wala na akong radon pa para magpahinga. Walang rasob para huminto ako sa paghahanap sa nawawala kong asawa. Bawat araw na lumilipas para sa akin ay parusa. Bakit ba buhay pa ako? Bakit kasi iniligtas pa nila ako ng mawalan ako ng malay sa tubig. Habang ang asawa ko ay hindi ko mahagilap kung saan. Paano na siya ngayon? Ano na ang ginagawa niya ngayon? Umiiyak ba siya sa lamig? Hinihintay ba niya ako? Nakakatulog ba siya ng maayos? May nakahanap ba sa kaniya? Sana ligtas siya. Sana buhay ang asawa ko.It's been a week since Valentina is missing. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin matagpuan ang asawa ko. My wife is still missing. Nang araw na nahulog si Valentina sa tulay ay siya ring araw ng aking unang kamatayan. Hinanap ko siya nang hinanap, hanggang sa mawalan ako ng malay. At sa araw din na iyon ay isinugod ako sa hospital
Terakhir Diperbarui: 2025-10-31
Chapter: Chapter Fifty-Three- Accident“Ma, Pa, uwmuwi ba dito ang asawa ko?” Nagtinginan muna si Mama at Papa bago sumagot sa akin. Parang may gusto silang ipa-abot sa isa't-isa na hindi ko ma-gets. "Ma, Pa, nandito ba ang asawa ko?" tanong ko ulit sa kanila."W-wala anak." si Mama ang sumagot sa akin."Kung gano'n, saan siya pumunta?" tanong kasabay ng pagbuo ng aking mga luha. “Kagabi ko pa siya hinahanap."H-hindi ko alam, Aekim. Nandito ba siya sa Madrid?” si Papa. "Sigurado po ba kayo? Baka naman tinatago n'yo lang po sa akin ang asawa ko. Baka nandito lang siya at ayaw n'yong ipakausap siya sa akin." wika ko sabay pahid ng isang butil ng luha na tumulo mula sa aking mata. "Mama, naman e. Pa, baka naman nandito lang siya. Hindi pa naman niya alam dito. Hindi niya memorize ang babaan at sakayan. Hindi rin siya magaling magsalita ng Español." natataranta kong wika kay Mama at Papa. "Tumawag ka na ba sa Pulis? Nag-report ka na ba?” si Papa."Opo. Ang kaso hindi pa nila ako kinuhanan nang statement dahil wala pa daw
Terakhir Diperbarui: 2025-10-30
Chapter: Chapter Fifty-Two- LetterPAGKA-ALIS ni Leona umalis din kaagad ako para puntahan ang Rancho. Kukumustahin ko lang Tiyahin ko na siyang namamahala ngayon. Pagkatapos kasi ng nangyari, ayoko na paubaya sa kamag-anak ni Mama Lala, alanganin na ako sa kanila. Pati si Mama umaayaw na rin. Idagdag mo pa na pumunta daw sa rancho ang sugarol kong pinsan. Nabahala tulou ako, baka kung ano na naman ang gagawin nito doon. Baka maubos na ang ang mga kabayo at baka namin. Pagkarating ko sa rancho, wala na din ang pinsan ko. Kaya minabuti ko na lang na tingnan isa-isa ang mga alaga namin bago umuwi ng bahay. Pagdating ko hinanap ko ang asawa ko ngunit wala na si Valentina. Halos halughugin mo na ang buong bahay, ngunit hindi ko na si Valentina. Aside sa sulat na iniwan niya sa akin na kakikita ko pa lang. Kinakabahan na kinuha ko ang sulat at binuksan ko ito. Huminga muna ako nang malalim bago binasa ang sulat. To My Love, I'm sorry kung ikinulong kita sa isang pangakong kailanma'y hindi totoo. Pasensiya dahil sa
Terakhir Diperbarui: 2025-10-29
Chapter: Chapter Twenty-TwoGraduation namin ngayong araw, pero heto kami, nagsusukat ako ng damit para sa kasal. Gusto ko ng sunogin ang lugar na ito. Gusto ko nang gupit-gupit ng pino ang lahat ng damit pang-kasal na nandito. "Sabi ng huwag ang damit na ‘to!" halos sigaw kong wika sa babaeng nag-a-assist sa akin. Bakit ba kasi nila ako bigyan ng gown na halos labas na ang kaluluwa? Hindi ba nila nako na gets? Sa mga wedding gown na naka-hilera sa harap ko wala akong nagustuhan. Sino ba kasi ang nag-design nang mga ‘to?"I said ayoko sa super deep V-neck na gown na ‘yan. Mahaba nga ang sleeves pero labas naman ang likod at cleavage. Huwag ‘yan, ayoko niyan." ani ko pa at ako na mismo ang naghanap ng damit para sa akin. Ilang beses akong sinabihan ni Tita Joyce na ang mga ito na ang bahala sa akin. Ngunit kung maghanap ng gown para na para sa akin parang pang-pokpok. Kasalan ito hindi pang-club or bar. Kasal ko ito at wala silang pakialam kung anong damit ang isusuot ko. "Ma'am kami na po." ana ng babae s
Terakhir Diperbarui: 2025-11-12
Chapter: Chapter Twenty-One"Masamang balita." humahangos na wika sa akin ni Jigs. Nandito ako ngayon sa opisina ni Daddy, nasa business trip kasi ito at sa akin nito iniwan ang mga gagawin. Ang iba dito urgent kaya kailangan kong pirmahan. Pero bago ako magpirma, chene-check ko muna lahat para sigurado. "Bakit?" tanong ko sa kaibigan ko. Ni hindi ko nga ito tiningnan dahil naka-focus ako sa isang proposal na kailangan para sa launching ng bagong brand. "Si Gianna." wika nito.Nag-angat ako ng tingin at tiningan ko si Jigs. Binanggit kasi nito si Tomboy. "Ano ang nangyari kay Tomboy?" tanong ko. "Si Gianna, nando'n sa school at hinaharana si Jessa." wika nito. Pagkarinig ko agad akong tumayo at patakbong lumabas ng opisina. Ngunit bumalik din ako dahil naiwan si Jigs. Kailangan ko din i-sarado ang office ni Daddy bago ako aalis.PAGDATING ko sa school agad akong dumiretso sa basketball court. Nandoon daw ngayon si Gianna at hinaharana si Jessa. Ilang beses ko nh sinabihan si Jessa ang tigas talaga ng ulo. Gu
Terakhir Diperbarui: 2025-11-11
Chapter: Chapter Twenty“Anong ginagawa niya dito?” tanong ko habang ang mga mata ko ay galit na nakatutok kay Romane. Makapal pa ang mukha ng abnormal. Akala mo talaga kasapi ng bahay na ito, hindi man lang ito nahiya. “Anong klaseng tanong ‘yan, Gianna? Magiging asawa mo na si Utol, kaya malamang sa malamang, welcome siya dito sa bahay.” sagot ni Kuya Garry sa akin saka binato ako ng masamang tingin. Di pa “Utol” pa si Kuya, kung alam niya lang na siraulo ang tinatawag niyang utol, ewan ko lang. “Hindi ako magpapakasal sa kaniya, no.” sagot ko naman saka kinuha ang bandehado na may lamang kanin. Ngunit agad naman itong inagaw ni Kuya Garry sa akin at inalok kay Romane. Sipsip naman itong si Kuya. Nakakainis. Ako ang kapatid niya pero inuna pa niya ang walang kuwentang lalaki. Akala niya siguro magpapatalo ako. Aba’t nilagyan pa talaga ni Kuya si Romane ng kanin at ulam sa pinggan nito. Alangang-alaga a. Feeling close. Sa inis ko kinuha ko ang pinggan ni Romane na nilagyan ni Kuya Garry ng kanin at ula
Terakhir Diperbarui: 2025-11-05
Chapter: Chapter Nineteen"GIANNA!" tawag ni Kuya sa akin habang nasa kusina ito. "Lumabas ka na diyan at kakain na. Tama na ang pagtatampo." Ano daw? Tigilan ko na ang pagtatampo? Ang galing naman nila. Ang bilis nila magsabi nang gano'n na hindi pinag-isipan. Paano naman ako? Paano naman ang mga gusto kong gawin sa buhay? Hindi pa nga ako naka-akyat sa stage? Paano na ang mga pangarap ko? Gusto ko ulit umiyak dahil sa sinabi ni Kuya Gary sa akin. Pasalamat sila, malaya sila. Hindi tulad ko na kailangan nila ipakasal sa taong hindi ko naman gusto. Hindi ko mahal at higit sa lahat hindi kami bati. Paano na lang ang future namin? Ayoko ng buhay na puro away. Paano na lang kung magka-anak kami? Ano ang magiging buhay ng mga anak namin? Araw-araw ba namin ipakita sa anak namin ang mga pasa at bukol?“Saglit lang po, Kuya.” sagot ko habang nakasimangot.“Bilisan mo diyan. Huwag mo na pahintayin pa ang grasya. Hindi tayp mayaman katulad nina sir Rom.” wika pa ni Kuya Garry na lalong nagpainit ng ulo ko.Ano nam
Terakhir Diperbarui: 2025-11-04
Chapter: Chapter EighteenISANG linggo akong nagmokmok sa bahay habang nilulunod ang sarili sa alak. Ayoko nang ganito pero wala akong magawa. Wala ba talagang papel ang katulad kong Tomboy sa mundo? Hindi ba talaga katanggap-tanggap ang tulad ko? Wala bang lugar ang mga tulad ko dito sa mundo? Tao din naman ako katulad nila. May puso, may isip at may purpose sa buhay. May pangarap din ako na gusto kong makamit. Hindi ba makatao 'yon? "Bakit ba iniisip nila na kapag Tomboy ka, makasalanan ka na kaagad? Hindi ba p'wedeng e-invalidate ang feelings ko? Wala ba akong karapatan makaramdam? Hindi ba p'wede maging ganito ako? Tao din naman ako, a. Lahat tayo may karapatan namili kung ano ang gusto natin maging. Bakit ang higpit nila sa akin? Bakit pinapangunahan nila ako? Ganito ba talaga kapag Tomboy ka? Hindi la dapat mag-desisyon para sa iyong sarili? Na dapat maging sunud-sunoran ka sa kanila? Ang unfair! "Anak, wala ka bang balak tumigil sa kaiinom mo?" galit na wika ni Tatay sa akin. Nagulat pa nga ako
Terakhir Diperbarui: 2025-10-28
Chapter: Chapter Seventeen"Maghunus-dili ka, Gianna." hindi makapaniwala na wika sa akin ni Tita Joyce na hindi alam ang gagawin. Halos mabulol pa nga ito. Napasapo sa noo si Tita Joyce saka pumaroo't-paumarito. "This is insane!” biglang wika ni Tita Joyce saka humarap sa akin. "I told you many times, Mom. Gianna is a Lesbian." wika ni Romane na ikinagulat nilang dalawa ng Tita Joyce niya. "Peste ka, Romane! Hindi ko na nga alam kung ano ang gagawin ko kay Gianna dumagdag ka pa." talak ni Tita sa anak. "Buwisit ka. Isa ka rin pasaway sa akin." "Nadamay na naman ako." wika ni Romane sabay roll eyes at umupo sa tabi ko.Umusod ako palayo kay Romane dahil ayaw ko siyang katabi. Baka kasi masuntok ko siya bigla kapag nagkamali siya ng mga sasabihin."Lumayo-layo ka muna Romane, please lang. Baka hindi kita matantiya." "Kaya ko nga siya pinatawag, Gianna, para siya ang maglagay ng gamot diyan sa pasa mo." wika ni Tita Joyce sa akin. "No!" mabilis kong tutol sa sinabi ni Tita. "Huwag siya, baka madagdagan pa an
Terakhir Diperbarui: 2025-10-27