Valentina: The Unwanted Wife

Valentina: The Unwanted Wife

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-09-29
Oleh:  Missing ValentinaBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
9Bab
9Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sampung taon na minahal ni Valentina si Aekim at wala iyong katugon mula rito. Isa na lang ang inaasahan niyang makatutulong sa kaniya upang maangkin nang tuluyan ang binata- ang lola nito. Ngunit hanggang kailan dadayain ni Valentina ang sarili para lang maging masaya, kung sa pagsasama nila ay siya lang ang nagmamahal? May pag-asa pa kayang makabuo sila ng masayang pamilya o tuluyan na niyang bibitiwan ang pinapangarap na pagmamahal mula sa binata?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter One- Pagtatakda

Alam kong magugustuhan din niya ako hindi man ngayon pero balang araw. At hindi ako mapapagod na maghintay, marami kaya akong spare time para sa kanya.

"Hinatid ko lang itong pagkain mo." malumanay kong sagot sa kanya.

"Hindi mo ako obligasyon, Valentina. Ilang beses ko pa bang sabihin sayo na tumigil kana. Nababanas na ako sa pagmumukha mo. Hindi ka ba nahihiya o naiilang man lang? Lalaki dapat ang humahabol sa babae, hindi ang babae ang humahabol sa lalaki." maanghang na wika nito sa akin. "Sa anong henerasyon kaba nabibilang?" umiling-iling pa nitong tanong. Halata sa hitsura nitong pagtitimpi, doble kaysa sa una.

"Hindi ako magsasawang gawin ito sa iyo, Aekim. Hihinto lang ako kapag wala na ako." sagot ko sa kan'ya sabay tayo at iniwan ang pagkain na dala ko.

"Hoy! Dalhin mo itong basura mo."

Napatigil ako sa paglalakad palabas ng pinto dahil sa sinabi nito. Nilingon ko si Aekim bago nagsalita. "Pagkain 'yan Aekim, hindi basura. Huwag mong bastusin ang grasya." inis na wika ko sa kanya at saka pinagpatuloy ang naudlot kong paglabas ng opisina nito.

Nang makalabas na ako, saka ko lang hinayaan at ilabas ang totoo kong nararamdaman. Matapang ako sa harap ni Aekim pero ang totoo mahina ako, nasasaktan at nadudurog ang puso ko. Mahal ko siya, lahat nang masasakit na sinasabi ni Aekim ay kusang tumatarak sa puso ko. Malalim.

Lantaran ako kung magmahal at patago naman kung umiyak. This is the hardest part of my life. Iyong matibay at matapang ka kapag may taong nakatingin pero kapag ako nalang mag-isa ay tila kandila na unti-unting nauubos. Nasasaktan, umiiyak, humihiling at nagdadasal.

Marahan kong pinunasan ang mga luhang umaagos mula sa aking mga mata saka tumikhim at inayos ang sarili habang naghihintay sa pagbukas ng elevator.

Pagbukas ng elevator ay agad akong pumasok sa loob at walang pakialam sa mga matang nakatitig sa akin. Alam na yata dito sa loob ng Emperyo Melicio na may gusto ako kay Aekim at si Aekim naman ay may gustong iba.

Alam ko na pangit ang ugali, depserada at isang mag-aagaw ang tingin nila sa akin pero wala akong pakialam. Hindi ko kailangan ang opinion nila at higit sa lahat wala akong pakialam sa mga pangtsi-tsismis nila sa akin. Ako ang bumubuhay sa sarili ko at nagpapakain, wala silang pakialam sa akin. Hindi nila ako kargo at hindi ko din sila kargo kaya why should I listen to them?

Isinuot ko ang aking itim na sunglass at pinindot ang GF button saka pinindot ang close. Hindi ko na kailangan pa lingunin ang mga taong nasa magkabilang gilid at likod ko dahil alam kong sa akin na sila nakatingin. Nang-aarok, naghuhusga at nandidiri.

Ilang minuto lang ang nagdaan at nasa ground floor na ako.

Mabilis ang mga hakbang ko palabas ng Emperyo Melicio. Ngunit bigla na lang tumunog ang cellphone na nasa right pocket ng maluwag kong pantalon. I am wearing a black mom pants na pinaresan ko ng white three fourth crop top. Wala akong dalang bag dahil iniwan ko ito sa loob ng kotse. Mas inuna ko kasi bitbitin ang pagkain na para kay Aekim. Ngunit hindi naman nito kakainin, kahit ganon ay masaya pa rin ako. Dahil napagsilbihan ko siya kahit papaano, kahit hindi nito gusto.

"Dadating din ang araw na matutunan niya akong mahalin. Hindi man sa ngayon o bukas pero balang araw." wika ko habang binubuksan ang pinto ng kotse. Papasok na sana ako sa loob ng kotse ng bigla nalang may nagsalita mula sa likuran ko na ikinagulat ko.

"Nagsasalita ka namang mag-isa."

"Anak ka ng nanay mo!" halos pasigaw kong wika kay Solomon habang sapo-sapo ang dibdib. Tila lalabas ang puso ko sa gulat.

"What the heck are you doing here, Mr. Solomon Salviejo?" tanong ko dito habang hinihintay na humupa ang lakas ng tibok ng puso ko.

"I'm sorry, Val, hindi ko sinasadyang gulatin ka." hinging paumanhin nito sa akin saka walang pahintulot na humalik sa pisngi ko. Solomon, my suitor when I was in College at hanggang ngayon ay nanliligaw pa rin siya sa akin. Kahit alam nito na si Aekim ang gusto ko.

Masaklap diba? Kasi ako, nagmahal sa lalaking kahit kailan yata ay hindi ako mamahalin at itong lalaking nasa harap ko naman ay mahal ako kahit alam niyang hindi ko masusuklian ang nararamdaman nito. Hayst.

Pilit siyang sumisiksik sa akin habang ako naman ay sinisiksik ko ang aking sarili kay Aekim. Life works or karma?

Bakit kaya tayo magmamahal ng taong hindi naman tayo kayang mahalin ng pabalik? Bakit mas pinipili nating masaktan kaysa sumaya kapiling ang taong nagmamahal sa atin?

Gusto kong sumaya pero bakit ang hirap? Mahal ko si Aekim pero may mahal siyang iba. Mahal ako ni Solomon pero hindi ko siya mahal. Puwede bang mahalin nalang ako ni Aekim para masaya na ako o kaya mahalin ko nalang si Solomon? Pero hindi e. Hindi ko matuturuan ang puso ko na mahalin siya. Kung p'wede lang sana.

"Ewan ko sayo. Kailan ka lang dumating?"

"Kakarating ko lang, dito na ako kaagad dumiretso dahil alam kong nandito ka. Alam ko na hindi mo siya tinatantanan." tugon nito sa tanong ko.

"Hay naku, inuna mo pa talaga ako at hindi ang pamilya mo. Siraulo ka talaga kahit kailan."

"Sobra kitang na miss, Val. Isang linggo lang ako sa Italy pakiramdam ko isang taon na. I missed you." wika nito sabay yakap sa akin ng mahigpit. Samantalang ako naman ay pilit siyang tinutulak palayo sa akin.

"Stop it, Solomon!" pasigaw kong wika kay Solomon. Kaagad naman itong bumitaw mula sa pagkakayakap sa akin at kita ko ang paglungkot ng mukha nito.

"I'm sorry. I know that I don't have the right to do that. I just missed you so much." mahinang wika ni Solomom saka tumalikod papalayo sa akin.

"Gusto ko siyang sundan at i-comfort dahil alam ko kung gaano kasakit ang ginagawa ko sa kaniya. Dahil iyan din ang nararamdaman ko sa tuwing pinaparamdam sa akin ni Aekim na hindi niya ako gusto.  Sa tuwing tinataboy ako palayo ni Aekim na may kasamang pandidiri.

Nasasaktan ako sa tuwing pinaparamdam ni Aekim sa akin na hindi niya ako kailangan, na hindi niya ako mahal. Ang sakit. Sobrang sakit. Ngunit hindi ko maturuan ang puso ko na kalimutan siya at ibaling nalang kay Solomon. Mahirap. Napaka-hirap.

______________

You took my heart away

When my whole world was grey

You gave me everything

And a little bit more

And when it's cold at night

And you sleep by my side

You become the meaning of my life

Tunog na nagpagising sa akin mula sa pagkatulog. Pagkagaling ko kasi sa Emperyo Melicio ay dumiretso na ako dito sa bahay at itinulog ang sama ng loob.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bedside table at tinignan kung sino ang tumatawag. It's Tita Lala, Aekim's mother. "Bakit kaya tumatawag si Tita Lala?" kunot ang noo kung tanong sabay sagot ng tawag ni Tita Lala.

"Hi tita Lala, why did you call po?" nakangiti kong tanong kay Tita Lala na nasa kabilang linya.

"Hi, Hija! Nana, wants to see you. She's in pain again, Val." namamaos na wika sa akin ni Tita Lala.

Bigla naman akong napabangon sa higaan. "I'll be there in thirty minutes, tita." wika ko sabay patay ng tawag at patakbong tinungo ang banyo. Magmamadaling ine-set ko ang heater at naligo. At pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako kaagad at lumabas ng bahay kahit hindi pa nasuklay ang basa kong buhok.

________

"What happened to, Nana, Tita Lala?" nag-aalala na tanong ko kay Tita nang makarating ako sa bahay nila. Nana Lilia has a colon cancer stage 4 at tatlong linggo nalang ang ilalagi niya dito sa mundo. She's been fighting in colon cancer for two years at alam kong pagod na siya. Kapwa alam namin na hindi na nito kaya ang sakit na iniinda araw-araw. She's in terrible pain.

Hindi kasi si Nana kumakain sa tamang oras kaya nagkasakit siya. Inuuna kasi nito ang trabaho nito, ang kapakanan ng kumpanya kaysa sarili niya. At ito na iyon, ito na ang kapalit sa pag-aabuso niya sa sarili niya.

Naiiyak akong lumapit kay Nana kahit nasa tabi nito sh Aekim na tahimik lang na nakatingin sa matanda.

"Nana." mahina kong tawag kay Nana Lilia saka yumakap dito. "Sobrang masakit na po ba?" tanong ko kay Nana. At ang mga luha ko ay tuluyan ng kumawala.

Nana Lilia is my favorite Nana. Nakilala ko siya sa party sa bahay at dahil doon ay napalapit na ako sa kanya. Hindi ko pa kilala noon si Aekim palagi na ako sa bahay nila. Sa ibang bansa kasi nag-aral si Aekim umuwi lang ito sa kanila ten years ago nang maka- graduate na ito sa California University. Doon din ito kumuha ng Masteral nito sa Financial Management kaya hindi kataka-taka kung bakit magaling ito sa negosyo.

Ayoko pang mawala si Nana pero wala na akong magawa pa. Talagang may katapusan ang buhay ng tao at hindi natin alam kung kailan ito magtatapos. Ni hindi natin alam kung ano ang mangyari sa atin sa araw na ito o kaya bukas. Dahil lahat na nangyayari ay nakatakda ayon sa kagustuhan ng Diyos.

Nahihirapan na iminulat ni Nana Lilia ang mga mata nito saka hirap na tumingin sa akin.

"My Valentina." halos walang tunog na sambit ni Nana Lilia saka unti-unting kumurba ang mga labi nito. Isang matamis ngunit may pait na ngiti. "Can I ask you something?" nahihirapan na tanong nito sa akin saka sumulyap kay Aekim. Tanging mga mata nalang nito ang gumagalaw.

"What is it, Nana?"

"Marry Aekim, please." wika ng matanda sa akin na ikinagulat ko. Nakangangang tumingin ako sa matanda bago tumingin sa direksiyon ni Aekim. Kitang-kita ko kung paano magsigalawan ang mga ugat sa mukha nito. Gusto kong matuwa sa sinabi ni nana Lilia pero nasasaktan ako dahil sa reaksiyon ni Aekim. He always makes me sad, he always makes me cry.  But, also, he makes my heart beat fast.

"But, Nana."

"This is my last wish, Hija." ani nito saka ipinikit ang mga mata nito. "You will marry my grandson next week, a week before I leave this world."

Muli akong napahikbi sa huling sinabi nito. Mawawala na si Nana. Mawawala na ang taong tinatakbuhan ko kapag may problema ako. Ang taong palagi kong ginugulo kapag may kailangan ako, ang taong nagpapaalam sa akin sa galaan kapag hindi ako pinapayagan ng mga magulang ko. Nana Lilia is my angel at ngayon ay malapit na siyang mawawala. Sino na ang takbuhan ko? Sino na ang makikinig sa mga rants ko? Sino na ang magbibigay ng advice sa akin tuwing may problema ako?

Palaging si Nana ang takbuhan ko masaya man o malungkot ako. Si Nana ang unang naka- alam ng crush ko. Nang mga grades ko sa school, nagiging dependent ako kay Nana to the point na nakakalimutan ko minsan na may mga magulang pala ako.

"Aekim, apo, marry Valentina next week. That's final. Puwede na kayong umalis at si Lala na ang bahala sa kasal ninyo next week." pagtatapos na wika ni Nana Lilia sa amin. Napatingin ako kay Aekim na nakatingin pala sa akin ng masama. Tila gustong bali-baliin ni Aekim ang mga buto ko sa paraan nang pagtitig nito sa akin. Gustuhin ko man na umayaw sa sinabi ni Nana Lilia ngunit hindi ko magawa iyon dahil sa ito ang huling kahilingan niya sa akin.

"Dahil nga ba sa hiling ni Nana o dahil sa pansarili mong kagustuhan?" ani ng kabilang utak ko.

Lihim akong napapikit kasabay ng lihim na pagdalamhati hindi dahil sa mawawala na si Nana kundi dahil sa kahit anong gawin ko ay ayaw sa akin ni Aekim.

"Hindi ko kagustuhan ito Aekim, kung ayaw mo p'wede naman natin tutulan." wika ko kay Aekim ng makalayo na kami kay Nana Lilia.

"Magpapakasal ako sayo pero aasahan mo na hindi kita magpaka- asawa sayo. Dahil kahit kailan hindi kita magugustuhan." galit na wika sa akin ni Aekim saka nagpatiunang naglakad. Habang ako naman ay napako ang mga paa sa aking kinatatayuan habag ang puso ko ay tila pinopokpok ng martilyo, sobrang sakit. Hindi ako makahinga.

———

"Masaya ka na ba?" galit na wika sa akin ni Aekim ng makita niya ako dito sa kusina habang magtitimpla ng juice.

"Masaya sa ano?" nagtataka kong tanong dito habang naka-kunot ang noo.

"Masaya ka na dahil ikakasal ka sa akin at matutupad na ang matagal mong gusto? Masaya ka na ba dahil wala na kami ng girlfriend ko?" tanong nito sa akin na tila gusto akong suntukin. Naka-kuyom ang kamao nito saka lumilitaw ang mga ugat sa mukha nito dahil sa galit.

Ang ganitong ekspresyon ng mukha niya ang mas nagpapasakit sa puso ko. Ang ganitong hitsura niya ang mas lalong nagpapabigat sa kalooban ko. Ang bawat pagtutol at pagkamuhi niya sa akin ang kabayaran ng pagmamahal ko sa kanya. Ito ang bayad sa pagmamahal ko sa kanya. Deserve ko ba ito?

Yumuko ako at lihim na ipinikit ko ang aking mga mata. Kailangan ko ng lakas para harapin ang galit na mukha ni Aekim at mga masasakit na kataga na ibabato nito sa akin. Nang sa tingin ko ay okay na ako, inangat ko ang ulo ko saka diretsong tumingin sa mga mata nito.

"Kung sabihin ko sa'yo na masaya ako, ano ang gagawin mo?" matapang kong sagot sa kanya kahit na nanginginig ako sa takot.

"I hate you!" galit na wika nito sa akin at talagang nilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko nang sinabi niya ang katagang iyon. Katagang sumugat sa gutay-gutay kong puso.

"You can hate me always, Aekim. Pero hindi mo ako matuturuan na kalimutan ka, na bitawan ka. Mahal kita."

"That love is bullshit! Your love is bullshit. I don't love you and I will never love you. Araw-araw kitang nakikita, araw-araw din akong namumuhi sayo. Ikaw ang nagbigay ng rason kung bakit kita kinasusuklaman ngayon."

"Kung gaano ka kasuklam sa akin ngayon gano'n din kita ka mahal, Aekim. Masama ba ako? Masama bang mahalin ka?"

"Hindi masama ang magmahal, Valentina, pero ang masama ay ang ipagsiksikan mo ang sarili mo sa akin kahit alam mo na may girlfriend ako. Ayoko sayo, Valentina. At kailanma'y hindi magbabago ang tibok ng puso ko. Si Leona ang mahal ko at tanging si Leona lang ang magmamay-ari nito." wika sa akin ni Aekim habang nakaturo ang kanag hintuturo nito sa puso nito.

"You can't replace Leona in my heart, Valentina. Never ever." wika nito saka nagmartsa palayo sa akin.

Ako naman ay halos kinapos sa hangin dahil sa mga binitiwan nitong salita. Pakiramdam ko sinasakal ako ng t-shirt na suot ko. Pakiramdam ko nilalakumos ang puso ko, pinipiga. Pigang-piga.

Marahan akong napa-upo sa upuan na malapit sa akin habang pinapaypayan ang sarili gamit ang dalawa kong kamay. Habang ang mga luha ko ay malayang dumadaloy mula sa aking mga mata.

Alam ko naman na hindi niya ako kayang mahalin. Bakit ko pa kaya pinagpatuloy pa ito? Bakit hindi ko kayang magalit sa kanya? Bakit nasasaktan ako kapag nakikita siyang nagagalit? Bakit nagagalit ako sa sarili ko habang nakikita kong namumuhi at nandidiri siya sa akin? Bakit hindi ko kayang iwan at kalimutan siya? Talaga ba ang pagmamahal ay biyaya o isang sumpa?

Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang manggas ng aking damit at pagkatapos ay tumayo na at pinagpatuloy ang naudlot kong gagawin.

_______

"Ang sarap mo talagang magluto, hija." puri ni tita Lala sa akin habang nilalantakan ang mga pagkain na nasa harap namin. Dito na kasi ako nakatira sa bahay nila at hindi na ako pinapauwi sa amin. Hindi naman tumutol sila ni mama at papa kasi nasa ibang bansa sila. Mabuti nga daw na dito na ako titira para may kasama ako. At ikakasal naman na daw kami ni Aekim sa susunod na linggo kaya wala daw problema.

"Alam mo swerte na swerte ang anak namin sa iyo." wika pa nito sabay subo ng adobong manok saka ngumuya.

Sumulyap ako sa kinau-upuan ni Aekim para makita ang naging reaksiyon nito sa tinuran ng ina niya ngunit bigo ako. Dahil manhid na yata si Aekim, walang pakiramdam at walang pakialam sa akin.

"Hindi naman sa gano'n, tita-mama." putol sa akon ni Tita Lala. Napatingin ako kay tita Lala saka tumingin kay Aekim. Nakita ko ang pagbago ng mukha nito ng marinig ang sinabi ng ina at muli ding nagbago ekspresyon ng mukha nito nang tumingin sa kanya si Tita Lala, naging malamlam saka ngumiti ng tipid.

"Kahapon pa kita sinasabihan na mama na ang itatawag mo sa akin, nakasasama ka naman ng loob, anak."

"Ah, o-oo nga po, m-mama." naiilang at nag-aalangan kong wika habang palipat-lipat sa kanilang dalawa ang mata ko. Silang dalawa lang naman kasi ang kasama kong kumakain.

"Ganyan dapat." nakangiting wika ni tita Lala saka muling sumubo. "Aekim, pupunta dito mamaya ang magsusukat ng susuotin ninyo ni Valentina sa kasal paki-assist nalang. Hindi pa gaanong alam ni Valentina ang bahay natin kaya ikaw ang mag-assist."

"Sigurado kang hindi niya alam ang bawat sulok ng bahay natin ma? E halos dito na 'yan titira. Mas alam pa nga niya ang bahay natin kaysa sa akin." sagot ni Aekim kay tita Lala na halong pagka-irita.

Tama nga naman siya, alam ko halos lahat ng sulok nitong bahay nila. At tama ulit siya dahil halos dito na ako tumitira sa kanila dati, noong wala pa siya. Kasalanan ko ba iyon kung nandito ako palagi sa kanila? Isa pa, wala pa siya no'n noong lagi ako dito. Kaya siguro magpa-hanggang nagyon hindi niya ako nagugustuhan kasi ang akala niya kapatid niya ako. Kapatid niya ako? Kapatid lang? Ouch!

"Anak, obligasyon natin ito kasi tayo ang nagpapatuloy ng bisita at si Valentina ay bisita natin pero magiging asawa mo na siya. She's special." sagot naman ni tita sa anak.

"Oo nga ma, she's special. Special child." sang-ayon naman niya sa ina ngunit may pahabol pa sa dulo. Ang special child, buti nalang hindi narinig ni tita Lala ang sinabi nito pero ako rinig na rinig ko. Another ouch.

"Saan ba kami mamaya ma?" maya-maya ay tanong ni Aekim sa ina.

"Sa sala." sagot naman ng ina saka kinuha ang baso na may lamang tubig at uminom.

"What? Sa sala?" bulalas na wika ni Aekim sa ina.

"Oo sala."

"Sa sala lang naman pala e tapos ako pa ang maga-assist. Okay ka lang ba ma?"

"Bakit may reklamo ka?"

"Ako nalang po ang bahala sa mga bisita mamaya m-mama total aki naman ang unang susukatan." putol ko sa nagsasagutang mag-ina. "Kaya ko naman po e at sa sala lang naman po."

"Tsk. Tama ka sa sala lang, lahat ng bisita sa sala ine- entertain." sagot naman sa akin ni Aekim na masama ang tingin.

"Suplado mo talaga anak at bakit ka nagagalit kay Valentina? Ako naman ang nagsabi sayo."

"Ano ba ang mayro'n sa babaeng ito at tila nagkakagulo kayo sa kanya?" seryoso na tanong ni Aekim sa ina saka tumingin sa akin ng galit.

"Babaeng mapapangasawa mo ang turing at tingin ko sa kanya, may problema ba Aekim?"

"Kung sasabihin kong meron may magbabago ba?"

"Wala." mabilis na sagot ni tita Lala sa anak saka tumayo na. "Alas dos pupunta ang magsusukat huwag ninyong kalimutan." bilin sa amin ni mama bago ito umalis sa harap namin.

Tumingin ako sa gawi ni Aekim na nakatingin din pala sa akin ng masama. Una akong nagbawi ng tingin at binaling ko ito sa pinggan ko na may laman pang pagkain.

"Alam mo, nakawawala ka ng gana." biglang wika ni Aekim at alam kong sa akin siya nakatingin habang nagsasalita. Tumingin ako sa kanya saka sinalubong ang mga mata nito puno ng galit.

"I'm sorry." tanging wika saka tumayo. Hindi pa ako busog pero kailangan ko nang umalis at lumayo kay Aekim. Baka kasi mag-aaway pa kami sa harap ng pagkain, ayoko ng gano'n.

_________

One thirty palang dumating na ang magsusukat sa amin ni Aekim at ang nakakagulat pa ay si Leona ang kasama ng magsusukat sa amin.

Napawi ang ngiti ko ng magkasalubong ang mga mata namin ni Leona. Alam kong galit ito sa akin dahil makikita mo iyon sa oagtikwas ng bibig at pag-angat ng kilay nito.

She's pretty and rich kaso lang may pagka-arogante iyon ang dahilan kung bakit ayaw sa kaniya nina Tita Lala at Nana Lilia. Tumingin ako sa gawi ni Aekim at nakita ko ang seryoso nitong mukha habang nakatingin kay Leona. Alam kong gusto nitong lapitan at yakapin ang dalaga ngunit hindi nito magawa dahil nandito si Tita Lala.

Tita Lala meet her yesterday. Kinausap niya ito at pinapalayo kay Aekim pero matapang daw itong si Leona at muntik pa daw niya itong masampal. Buti nalang daw at nakapagtimpi siya saka nilayasan niya ito. Na- meet na daw pala niya si Leona dati sa mall. Nakita niya daw itong nakipagtarayan sa isang sales lady dahil sa binawalan itong isukat ang isang damit na kung tutuusin ay hawak na ng isang costumer.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
9 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status