Share

CHAPTER ELEVEN

DYLAN

"Talaga bang lilipat kana sa condo?" Usisa ng kanyang ina nang maabutan siya sakanyang silid na nag iimpake ng iilang mga damit niya.

"Yes mama, mas okay na ito. Dahil kung nandito ako hindi ko maipapangakong hindi kami mag aaway ni papa. " Sabi niya sa ina na bakas sa mukha ang kalungkutan.

"Ma naman huwag ka ng malungkot para namang ang layo layo ng lilipatan ko." Natatawa niyang sabi sa ina na ngayon ay nakaupo na sa dulo ng kanyang kama.

"I'm sad kasi mamimiss ko ang bunso ko. Nasa malayo na nga si Lucas pati ba naman ikaw. "Anito na tila nangongonsensya pa.

"Ma, we both know that this is the right thing to do." He said while packing.

"Yeah, yeah.. basta mag iingat ka lagi. And please lang huwag ka ng magpupunta sa mga bar and driving while drunk." Abiso nito sakanya na ikinatango na lang niya, ilang saglit pa nagpaalam na ang ina na lalabas na ng kanyang silid.

Nahilamos niya ng palad ang mukha dahil naisip niyang hindi lang ang pag-iwas sa ama ang dahilan ng pag alis niya sa mansion. Kundi dahil sa deal nila ni Rowy.

Ano ba itong pinapasok ko? But i badly want her.. her body.

Iyong halik kasi sa burol ang daming ginising sa katawan niya, hindi lang iyon mali man pero parang ginagamit niya si Rowy para makaganti kay Alexa. Dahil kung sakaling malaman ni Alexa ang mamagitan sakanila ni Rowy baka sakaling masaktan ito at iyon ang gusto niya.

Selfish na kung Selfish pero ewan hindi niya mapigilan ang sarili na gumawa ng mga bagay na hindi maganda.

Sadyang rebelde na talaga ang utak niya dahil hindi na niya iniisip kung ano ang tama at kung sino ang mga masasaktan.

Ganoon ba ang nagagawa ng pag-ibig? Ganun ba talaga?

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

**********

ROWY

"Kanina ka pa walang kibo ha?" Napatingin siya kay tasia na nakatingin din sakanya. Nakapangulambaba siya sakanyang desk habang nagmumuni-muni.

"Eh? Kelan pa ba ako naging madaldal katulad mo?" Sabi niya kay tasia.

"Hello girls, hello baby rowy. " Sabay silang napatingin sa dumating, si Alec na may gusto din sakanya.

"Oh anong kailangan mo?" Masungit na sita ni tasia sa lalaki.

"Huwag kang mag alala hindi ikaw, kundi si Rowy." Balik-sabi ni alec sa kanyang kaibigan na ikinatawa niya.

"Ano ba iyon? " Usisa niya sa chinitong manliligaw niya.

"Gusto sana kitang i-invite for lunch." Ngiting-ngiti ito na nagpalitaw sa mga biloy nito sa pisngi.

"Kung inaaya mo si Rowy dapat kasama akk dahil hindi naman yan sasama na wala ako. " Ngiting-tagumpay si Tasia.

Napakamot sa ulo ang pobreng binata.

"Kung sasama natin si tasia, sasama ka ba Rowy?" Pagkaraay sabi nito.

"Oo." Nakangiti niyang pahayag. Wala namang masamang pahintulutan ang simpleng paanyaya nito hindi ba?

"See?" Ismid na turan ni Tasia kay alec na napapailing habang nakakatitig kay Tasia. Kung sanang si Tasia ang nagustuhan ni alec bagay na bagay ang mga ito, 'yong tilang aso't pusa at napaka kyot tignan kapag nag aaway.

"Rowy aalis na ako, mamaya ha?" Paalam ni alec.

"Oo umalis kana nga." Iritang sabi ni tasia dito.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko." Masungit na sagot ni Alec.

"Kahit na. Basta alis!" Taboy pa nito sa lalaki. Nang makaalis ito ay tinapik niya sa balikat si tasia.

"Grabe ka naman sakanya." Aniya na natatawa.

"Naiirita ako sa Alec na iyo. Huwag mong sasagutin iyon kundi ang magiging anak niyo magmumukhang chanak na walang mga mata! " Parang batang sabi nito with action pa. Napahalakhak siya sa mga tinuran nito, hinding hindi niya sasagutin si Alec dahil may nagmamay-ari na ng puso niya, at si Dylan lang 'yon.

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

Campus Cafeteria

"Ako? Hindi mo panghihila?" Nakaismid na sabi ni Tasia kay alec, dahil pinanghila siya ng mauupuan ni Alec. Napa rolled-eyes ang binata at pinanghila na din niya ito.

"Ganyan nga." Pang-aasar pa ni Tasia sa lalaking mukhang iritable na sakanya.

Pangiti-ngiti lamang siya habang nagmamasid sa dalawa, tila lover na may away kasi ang mga ito. Umalis saglit si Alec para kunin ang mga pagkain nila.

"Uto-uto talaga ang Alec na yan." Sabi ni Tasia na mukhang naiinis pa din.

"Teka lang Tasia ha? Bakit ba pinag-iinitan mo yang si Alec?" Tanong niya na natatawa.

"Naiinis kasi ako sa mga mata niya."Anito na umaksyon pa na tila nasusuka.

"Uy! Wag kang ganyan. Mabait naman ang tao sa atin eh." Sabi niya sa kaibigan na inismiran lang siya.

Maya-maya pa dumating na ang lalaki at nagsimula silang kumain, todo asikaso ito sakanya at kung pagmasdan ay tila inlove na inlove ito sakanya.

"Kain ka pa." Sabi ni Alec at binuksan pa ang can in juice niya. Nakakailang man ay kumakain siya at halos gusto niyang humagalpak sa tawa kapag nakikita niya ang mga paikot-ikot ng mga mata ni Tasia.

Pagkaraay naramdaman niyang sinisipa nito ang kanyang paa sa ilalim ng lamesa, at may inginunguso sa bandang kanan niya awtomatikong tinignan niya 'yon at mapatda nang makitang si Dylan na matamang nakatingin sakanila.

Nang magtama ang mga mata nila ay tila may gustong ipabatid ito sakanya pero hindi niya maintindihan kaya nag-iwas siya ng tingin.

Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kaunting kaba sa klase ng titig na binibigay nito sakanya.

"Close na ba kayo ni Dylan?" Usisa ni Tasia, napatingin silang dalawa ni Alec dito.

"H-hindi, bakit?" Sabi niya na pilit na ngumiti, nagkibit-balikat na lang si Tasia at hindi na muli pang kumibo.

"May dumi ka Rowy." Sabi ni Alec at sabay punas sa gilid ng kanyang labi, Hinampas naman ni Tasia ang kamay ni Alec na dumantay sakanyang labi.

"Problema mo?!" Inis na sabi ni Alec kay Tasia.

"Hindi ka man naghugas ng kamay tapos hahawakan mo ang gilid ng labi ni Rowy? Paano kung kakatapos mo lang palang umihi? Yak!" Sabi ng taklesang kaibigan niya, siya naman ay napangiwin din sa sinabi nito.

"Grrrrr!" Tila nagpipigil sa gigil si Alec.

"Mauna na nga ako Rowy at baka hindi ko na matantya ang asungot na ito." Pagpaparinig ni Alec sa kaibigan niya.

"Aba't!" Akmang kukurutin nito si Alec pero mabilis na umalis ang huli.

"Oy Tasia tama na yan. Para kayong mga bata." Sabi niya na gusto niyang humalakhak, wala sa sariling napatingin siya sa pwesto ni Dylan kanina. Wala na ito doon...

Hindi talaga ako komportable sa mga titig niya kanina...

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

Naglalakad siya sa may hallway, usapan nila ni Tasia magkikita sila sa may Campus garden kapag uwian na dahil ihahatid siya nito pauwi sakanila. Tahimik na ang paligid dahil nagsiuwian na ang karamihan sa mga estudyante, ngunit nabigla siya ng may nanghila sakanya at idinikit siya sa pader. Sisigaw na sana siya dahil sa takot pero mukha ni Dylan ang tumambad sakanya.

Sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa na halos naaamoy na niya ang mabango nitong hininga.

"D-Dylan.." Marahan niyang sabi sa kaharap.

"I forgot to tell you that under our deal you are forbidden to entertain some suitors." Mariin nitong sabi na ikinanganga niya.

"Close that mouth of yours, or i will fucking take you here." Banta nito at agad naman niyang itinikom ang kanyang bibig.

"S-Sige, hindi naman ako nagpapaligaw eh." Sabi niya, lumayo sakanya ang binata at nagpamulsa. Sabay sandal sa pader na nasa harap din lang niya, matiim siya nitong minamasdan na ikinailang niya.

"Umalis kana." Utos nito sakanya, inayos niya ang sarili at naglakad na palayo pero bigla siya nitong tinawag.

"See you tomorrow." Habol nito, naguluhan siya.

"Tomorrow is wednesday." He said while glaring at her intently.

Parang may kung anong kumalabog sa dibdib niya nang maalalang oo nga, at bukas maari ng maganap ang pinag-usapan nila. Pinaghalong kaba at excitement ang nararadaman niya.

"Ako ang susundo sa'yo bukas sa may burol." Dagdag pa nito, tahimik siyang napatango at tumalikod na muli. Bakit tila bigla gusto na niyang umurong, pero ayaw ng puso niya.

Ito na lang ang huling alas niya para mapasakanya ang lalaking mahal niya. Ito lang ang tanging paraan na alam niya, at hindi na niya hahayaang makalampas pa ang pagkakataon na matagal na niyang hinintay.

"Rowy sabihin mo nga sa akin? Nagda-drugs ka ba?" 'yon ang salubong ni tasia sakanya nang makita siya. Inismiran niya ang kaibigan na sobrang napakalawak ng imahinasyon.

"Are you for real Tasia? Ako ang nagdadrugs? Eh mukhang mas ikaw 'yon eh." Sabi niya at nagpatiuna ng maglakad sa parking lot.

"Kasi simula nung party ni tita Elga eh ganyan kana, kung hindi tulala parang malalim lagi ang iniisip. Umamin kana nga sa akin, siguro nung nawala ka ng ilang minuto nag take ka ng shabu nun noh?" Pangungulit ni Tasia na halos gusto na niyang batukan.

Pero napangiti siya dahil ibang drugs ang tinake niya noon, ibang drugs ang ipinatikim ni Dylan sakanya nung gabing iyon.. Kaya parang hinahanap hanap niya ang ipinaranas nito sakanya.

"Sinasabi ko na nga ba, alam ko ang mga ganyang ngiti. Ngiti ng mga naka- High, nakuu! Naku Rowy sinasabi ko sa'yo kahit kaibigan kita ipapa re-hab kita." Halos gusto niyang humagalpak ng tawa sa mga sinasabi ng kanyang abnormal na kaibigan.

"Magdrive kana nga, para kang sira." Sabi niya at lumulan na sa kotse ni Tasia na agad namang sumakay din ang kaibigan sa driver seat.

"Kung hindi ka nagda-drugs baka naman inlove ka? I mean hindi na kay Dylan, baka kay Alec na? Yak Rowy! Ako na ang nagsasabi sa'yo hindi maganda ang lahi ni Alec." Pangangaral pa nito habang nagmamaniobra na.

"Hindi ko gusto si Alec, pero kung magustuhan ko man iyon hindi na masama. Gwapo naman iyon at mabait." Totoong sabi niya sa kaibigan, nakita niya kung paano umikot ang mga mata nito at tila masusuka.

"Bahala ka nga sa buhay mo. Ikaw ah, may kotse ka naman hindi mo gamitin. Ako pa itong ginawa mong driver, mag Boyfriend kana nga at ng may naghahatid sa'yo." Kahit kailan talaga napaka matalak ng kaibigan niya.

"Alam mong bawal pa akong mag BF, gusto mong kinatay ako ni Daddy ha?" Paalala niya dito.

Talagang mas kakatayin siya ng kanyang ama kapag nalaman nito ang mga pinag gagawa niya baka nga literal na patayin siya nito. Nakaramdaman man ng takot pero mas nangibabaw ang pagkagusto niyang mahalin ni Dylan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status