Share

CHAPTER SIXTY SEVEN

HINDI pa sumisikat ang araw ng mapagpasiyahan ni Timothy na umalis. Hindi na siya nagpaalam sa mga kasama niya, dahilan niya ay baka mahirapan pa siyang makaalis.

Sa paglabas niya ng pinto ay hindi niya inasahan ang madadatnan niya mula sa kabilang pinto.

"Sinasabi ko na nga ba, tama ang sinabi sa akin ni Aureus. Kusang ikaw ang lalabas sa pintong ito!" Sikmat ni Lerryust at agad siyang hinila.

"Bitiwan mo ako walang hiya ka!" Pagpapalag naman ni Timothy na natumba pa sa lapag. Hindi siya makatayo dahil dinaganan siya nito mula sa likuran niya.

"Tanga ba ako Tim? Hindi ako uto-uto katulad mo. Kita mo na magpahanggang ngayon ay talunan ka!" Saka ito nagtatawa. Agad na sinenyasan nito ang mga kawal na kasama nito na pasukin ang silid ng pagsasanay.

"Ngayon, nadiskubre na namin ang pinagtataguan niyo ay tatapusin na namin kayo isa-isa! Ayaw mo niyon Tim hindi na kayo maghihirap at magkakahiwalay habang panahon!"

"Hindi mangyayari iyan!" Pagsisigaw ni Timothy. Tumigil na siya sa pagpapa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status