Ilang libong taon nang pinaghaharian ng angkan nina Timothy ang kaharian ng Zowol. Isang tagong mundo, kung saan mga naagnas na katawan ng mortal o kadalasan tawagin na zombie sa mundo ng mga tao. Sakop rin nila ang lahi ng mga lobo, kung saan sa pagdaan ng maraming henerasyon ay nagkaroon na ng pagkakabuklod at pagkakaisa sa bawat panig sa pagitan ng magkaibang lahi. Ngunit isang lahi ang hindi sang-ayon sa panukalang pag-isahin ang lahat. Ito ang mga lahi ng bampira, kung saan una silang napadpad sa mundo ng Acerria. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Zowol at bampira na tumagal din ng ilang siglo. Sa labanan na naganap ay tuluyan nagapi at naubos ang mga lahi ng bampira. Pero iyon ang inaakala ng lahat, dahil may nag-iisang natira sa mga lahi nila. Si Kendra--- ang anak ng Hari ng mga bampira kay Aliyah, isang mortal na nakatakas bago maubos ng Zowol ang lahi ng bampira. Patuloy ang paghahanap sa nasabing huling bampira, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling walang pagkakakilanlan nito. Tanging ang pilat na kalmot sa likuran nito na ginawa ng hari ng mga lobo ang palatandaan dito. Sa pagdaan ng mga taon, tuluyang kinalimutan ang paghahanap dito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling hahanapin si Kendra. Dahil nakasalalay sa huling dugo ng bampira ang kaligtasan ng mundong kanilang ginagalawan na nangnganib mawasak sa hinaharap...
더 보기The Last Vampire Chronicles
Vampire/Zombie/Wolf Series
Written by: Babz07aziole
Ilang libong taon nang pinaghaharian ng angkan nina Timothy ang kaharian ng Zowol. Isang tagong mundo, kung saan mga naagnas na katawan ng mortal o kadalasan tawagin na zombie sa mundo ng mga tao. Sakop rin nila ang lahi ng mga lobo, kung saan sa pagdaan ng maraming henerasyon ay nagkaroon na ng pagkakabuklod at pagkakaisa sa bawat panig sa pagitan ng magkaibang lahi.
Ngunit isang lahi ang hindi sang-ayon sa panukalang pag-isahin ang lahat. Ito ang mga lahi ng bampira, kung saan una silang napadpad sa mundo ng Acerria.
Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Zowol at bampira na tumagal din ng ilang siglo. Sa labanan na naganap ay tuluyan nagapi at naubos ang mga lahi ng bampira.
Pero iyon ang inaakala ng lahat, dahil may nag-iisang natira sa mga lahi nila. Si Kendra--- ang anak ng Hari ng mga bampira kay Aliyah, isang mortal na nakatakas bago maubos ng Zowol ang lahi ng bampira.
Patuloy ang paghahanap sa nasabing huling bampira, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling walang pagkakakilanlan nito. Tanging ang pilat na kalmot sa likuran nito na ginawa ng hari ng mga lobo ang palatandaan dito.
Sa pagdaan ng mga taon, tuluyang kinalimutan ang paghahanap dito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling hahanapin si Kendra. Dahil nakasalalay sa huling dugo ng bampira ang kaligtasan ng mundong kanilang ginagalawan na nangnganib mawasak sa hinaharap...
UNTI-UNTING hinila palayo ni Haring Rosso si Timothy nang makita niyang palapit si Kendra at ang iba pang kasama nito.Hindi niya inaasahan na ganito ang kahitnanatnan ng lahat ng inumpisahan niya. Ang mabilis niyang pagbangon mula sa madilim na pinanggalingan lugar ay tila nagbabadiya na!"Itigil mo na ito Rosso! ubos na ang lahat ng mga kawal mo. Ang tanging gagawin mo lang ay humingi ng kapatawaran sa Amang lumikha. Tiyak kapag ginawa mo iyon ay mapapatawad ka pa Niya sa lahat ng pagkakamaling nagawa mo," tugon naman galing kay Don Ascor."Tumigil ka! wala akong pagkakamali lahat ng ginawa ko ay tama dahil iyon ang dapat mangyari. Dapat ako ang binigyan niya ng karapatan na mamuno sa buong sanlibutan at sa Acceria noon, hindi ang isang katulad ni Herriena na nagawa pang umibig sa isang bampira!" galit nitong wika.Muli ay naalala niya ang nakalipas kung saan sariwang-sariwa pa sa alaala niya ang nakaraan buhay niya sa masaganang paraiso kasama ang Ama ng lahat...TUWANG-TUWA s
MULING napasadsad si Kendra sa sahig. Ngunit dahil itinukod niya ang kamay ay hindi siya masiyadong napuruhan.Malalim na ang kanyang paghinga ng mga sandaling iyon. Pagod na pakiramdam at kawalan ng pag-asa ang maaninag sa kabuuan ni Kendra. Ngunit sa kaloob-looban niya ay masidhing adhikain na makasama na ng tuluyan si Timothy."Kahit na anong mangyari ay hindi mababago ang kagustuhan kong bumalik ka sa amin ng mga anak mo. Kaya ikaw Rosso sumuko ka na, dahil hindi ko susukuan si Timothy kahit na anong mangyari!" matatag na bigkas ni Kendra."Makikita natin..." usal naman ni Rosso at isang pitik ng daliri ang ginawa nito.Sabay na bumukas ang malaking pinto at pumasok sina Lerryust. Nanlalaki ang matang napatitig si Kendra pagkakita sa mga hawak-hawak ng mga ito."Zain! Oreo! Halls!" Pagsigaw niya sa mga pangalan ng anak.Akmang lalapitan niya ang mga ito nang humarang si Timothy at inuumang na naman sa kanya ang patalim ng esapada nito na may bahid na rin ng dugo mula sa kanya.
NAKARATING na nga si Kendra sa Kaharian ni Haring Rosso. Hindi na nagpaligoy-ligoy ang tadhana, dahil kaagad ng pinagsanggalang nito landas nilang dalawa."Natutuwa naman ako at kusa ka ng bumalik sa aking kaharian mahal kong ina. Hindi ka ba matahimik dahil sa hindi mo kami kapiling ng aking ama." Saka nito binalingan si Aureus na mataman ang pagkakatitig kay Kendra na tila hindi naman alintana ang paninitig sa kanya."Nagkakamali ka, hindi ako pumunta rito dahil para makita at makasama ang isa sa inyo. Narito ako para bawiin si Timothy!" maigting na saad ni Kendra.Agad ang pamumula ng magkabilang mata nito, handa siya sa anuman mangyayari sa kanya sa kaharian nito. Ikapahamak man niya iyon ay maaatim niya basta mailigtas lamang ang asawa niya."Ang sweet mo naman sa kanya, pero 'di bale hanggang ngayon lang naman iyan. Dahil magsasawa ka rin, ito lang masasabi ko ina. Hindi ganoon kadali na makuha mo si Timothy. Dadaan ka muna sa butas ng karayom!" Dumagundong ang malalim nitong
NAGHAHANDA na si Kendra sa pag-alis, napag-isip isip niya ngayon magaling na siya at kaya na rin niyang lumaban ay pupuntahan na niya si Rosso upang bawiin si Timothy.Hindi siya makakapayag na manatili pa ng ilang araw ang pinakamamahal niyang asawa."Anong ginagawa mo Ma? Saan ka pupunta?" Sunod-sunod na pagtatanong ni Zain na kapapasok lamang sa silid ng kanyang ina.Nakita niya na muling isinuot ni Kendra ang suot panlaban nito. Malakas ang kutob niyang may binabalak ito."Ma! Sumagot ka, anong nangyayari saan ka pupunta?" Pang-uulit ni Zain.Nakaharap sa salamin ng tokador si Kendra, at nakatitig mula roon. Kitang-kita rin niya ang repleksyon ng anak doon."Aalis ako, pupuntahan ko ang Papa niyo sa palasyo ni Rosso. Ibabalik ko siya rito." Pag-amin ni Kendra na napabuntong-hininga pa. Hindi na sana siya magpapakita sa mga anak, aalis siya ng walang paalam para hindi siya mahirapan umalis."Iiwanan mo pala kami, pero bakit hindi ka man nagpapaalam sa amin?" naghihinakit na saad ni
ILANG araw ang lumipas ay pinagbigyan na si Kendra na makalabas sa kanyang silid. Nagawa niyang muling tumayo ng paunti-unti sa pagdaan ng mga araw.Dahil sa ilang Buwan na coma siya ay humina ang senses niya. Tila bumalik siya sa pagkabata na muling nagsasanay na makapaglakad."Sige pa Mama, ihakbang mo pa." Pang-uudyok ni Zain na nasa harapan ni Kendra. Nakahanda itong saluhin siya oras na mawalan siya ng balanse."Tama iyan Mama, ganyan nga nagagawa mo na ng maayos. Ipagpatuloy mo lang hanggang sa masanay kang muling makapaglakad," saad naman ni Halls.Si Oreo naman ay tahimik lamang sa isang tabi habang nag-e-strum sa gitara nito.Mula ng gumising sila ay naibalik na rin sa kanila ang kani-kanilang pagmumukha.Mas gusto naman nila iyon dahil mas kumportable sila sa dati nilang kaanyuan.Tumayo na si Oreo matapos niyang itabi ang hawak na gitara."Hindi pa ba kayo tapos diyan, tayo naman ang magsanay!" Pag-aya niya sa dalawa."Ikaw na lang Oreo, tatapusin pa namin ang session kay
UNTI-UNTING iminulat ni Kendra ang namimigat na mata. Nang tuluyan siyang makaaninaw ang una niyang nagisnan ay ang puting kisame.Sobrang napakatahimik ng paligid niya, nang inilinga-linga niya ang ulo ay nasa isang silid pala siya. Doon niya rin napagtanto na may mga nakakabit na mga tubo sa kanya.Akma niyang hahablutin ang isa sa mga iyon nang madinig niya ang pagbukas ng pinto."My god your awake Kendra!" Gulat na gulat ang reaction ni Yalena. Nagmadali itong naglakad palapit sa kanya."Y-Yalena, a-anong nangyari?" nagtataka naman na tanong ni Kendra."Wala ka bang maalala?" balik-sagot naman nito. Saglit na hindi nakapagsalita si Kendra, inalala nga nito ang huling nangyari bago siya panawan ng ulirat."Ang pagkakatanda ko ay na-enkuwentro ko sina Rosso, pinagtulungan nila ako. Akala ko mamatay na ako... hindi pa pala." May bitterness sa tinig niya.Mas gusto pa kasi niyang mamatay, dahil ang totoo ay siya lamang ang magiging susi para matigil na ang paghaharian ni Rosso ang anak
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
댓글