Share

CHAPTER SIXTY NINE

UNTI-UNTING iminulat ni Kendra ang namimigat na mata. Nang tuluyan siyang makaaninaw ang una niyang nagisnan ay ang puting kisame.

Sobrang napakatahimik ng paligid niya, nang inilinga-linga niya ang ulo ay nasa isang silid pala siya. Doon niya rin napagtanto na may mga nakakabit na mga tubo sa kanya.

Akma niyang hahablutin ang isa sa mga iyon nang madinig niya ang pagbukas ng pinto.

"My god your awake Kendra!" Gulat na gulat ang reaction ni Yalena. Nagmadali itong naglakad palapit sa kanya.

"Y-Yalena, a-anong nangyari?" nagtataka naman na tanong ni Kendra.

"Wala ka bang maalala?" balik-sagot naman nito. Saglit na hindi nakapagsalita si Kendra, inalala nga nito ang huling nangyari bago siya panawan ng ulirat.

"Ang pagkakatanda ko ay na-enkuwentro ko sina Rosso, pinagtulungan nila ako. Akala ko mamatay na ako... hindi pa pala." May bitterness sa tinig niya.

Mas gusto pa kasi niyang mamatay, dahil ang totoo ay siya lamang ang magiging susi para matigil na ang paghaharian ni Rosso ang anak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status