Share

CHAPTER SEVENTY THREE

MULING napasadsad si Kendra sa sahig. Ngunit dahil itinukod niya ang kamay ay hindi siya masiyadong napuruhan.

Malalim na ang kanyang paghinga ng mga sandaling iyon. Pagod na pakiramdam at kawalan ng pag-asa ang maaninag sa kabuuan ni Kendra. Ngunit sa kaloob-looban niya ay masidhing adhikain na makasama na ng tuluyan si Timothy.

"Kahit na anong mangyari ay hindi mababago ang kagustuhan kong bumalik ka sa amin ng mga anak mo. Kaya ikaw Rosso sumuko ka na, dahil hindi ko susukuan si Timothy kahit na anong mangyari!" matatag na bigkas ni Kendra.

"Makikita natin..." usal naman ni Rosso at isang pitik ng daliri ang ginawa nito.

Sabay na bumukas ang malaking pinto at pumasok sina Lerryust. Nanlalaki ang matang napatitig si Kendra pagkakita sa mga hawak-hawak ng mga ito.

"Zain! Oreo! Halls!" Pagsigaw niya sa mga pangalan ng anak.

Akmang lalapitan niya ang mga ito nang humarang si Timothy at inuumang na naman sa kanya ang patalim ng esapada nito na may bahid na rin ng dugo mula sa kanya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status