Share

CHAPTER 3

Nakaupo kami ni Indigo sa harap ng munting entablado. Nanonood sa mga batang umaarte habang kumakain ng popcorn na binili niya kanina. Magkahalong matamis at maalat ito. Masarap naman siya kaso ay dumidikit sa dulo ng ngipin. Sinulyapan ko si Indigo na seryosong nanonood.

''Ganoon na ba ako kagwapo?'' Natulala ako sa sinabi niya. Humarap na lang uli ako sa entablado at sumubo ng popcorn na matamis. Nakita ko ang ginawa niyang pag-ngiti. Nakakahiya tuloy.

Namangha naman ako sa mga batang umaarte lalo na sa batang babae na nakasuot ng kunwaring buntot ng sirena.

Kung ganoon ay naiintindihan ko na kung sino at kung bakit naging Atargatis ang naging pangalan nitong lugar. Base sa ginawang pagtatanghal ng mga bata, si Atargatis ay isang napakaganda at makapangyarihang Catalonan na umibig sa isang mortal na taga-pastol. Dahil sa pagiging mortal nito'y hindi niya nakayanan ang banal na pakikipag-isa at namatay.

Dahil sa pagkawala ng sinta ay nawalan siya ng ganang mabuhay kahit pa nagdadalaang tao na ito sa kanilang anak. Matapos siyang manganak ng isang sanggol na babae sa dalampasigan ay pinangalan niya itong Semiramis. Ngunit sa hindi inaasahan ay winaksan niya ang kayang buhay sapamamagitan ng pagtilapon ng sarili sa dagat.

Ang mga Diyos ay hindi siya hinayaang mamatay, bagkus ay ginawa siyang isang sirena dahil na rin sa kanyang kagandahan. Kung kaya't, hindi lamang siya naging isang sirena kundi ang Diyosa ng karagatan.

Ang sumunod namang ibinahagi ng mga bata ay kung bakit naging Atargatis ang naging pangalan ng lugar. Noong sinaunang panahon naman daw ay napakatumal ng mga isda sa lugar na ito, wala ring mga malalaking sasakyang pandagat ang nag-aangkat ng mga produkto rito. Hanggang sa makakita ang isang doktor ng sirena. Ipinamalita niya ito sa buong bayan ngunit pinagtawanan lamang siya at walang naniwala.

Dahil dito'y sinarili na lamang niya ang katotohanan. Naging magkaibigan sila hanggang sa umibig ang sirena sa doktor. Dagat at lupa man ang naging pagitan nila'y walang nakapigil sa kanilang dalawa.

Tinulungan ng sirena ang lugar na ito. Naging masagana sa lamang-dagat ang lugar at umunlad ang pakikipagkalakaran. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay nawala ang sirena't hindi na muling nakita.

Kaya naisip ng doktor na ipangalan sa sirenang iyon ay Atargatis. At dahil sa labis na pasasalamat niya sa ginawa nitong pagtulong mapaunlad ang lugar ay isinunod sa kanya ang pangalan nito.

At doon na nagtapos ang kwento't pagtatanghal. Nagpalakpakan kaming manonood. Napakagandang kwento.

''Maraming beses ko na itong napanood, gusto kong mapanood mo kaya kita dinala rito,'' sabi ni Indigo habang nag-uunat ng braso at likod.

''Napakaganda, hindi ako nagsisising sumama.'' sagot ko naman. Heto na naman ang kakaibang pakiramdam ko, mukhang nagugustuhan ko na rito sa lupa kahit na sandali pa lamang ako rito.

Aalis na sana kami nang may biglang humila sa braso ko. Muntik na akong matumba dahil sa ginawa nito. Nakarating kami sa may harap ng tindahan ng mga sapatos. Tiningnan ko siya ngunit mata lang nakita ko. Nakatakip ng itim na panyo ang bibig at ilong nito.

"Ale! Saan niyo dadalhin si Melodia?'' tanong ni Indigo.

''Anong kailagan mo sa akin? Sino ka?'' Nagtataka akong tanong sa kanya.

''Alam kong isa kang sirena.'' Bulong niya. Nanlaki ang aking mata sa kanyang sinabi. Paano niya nalaman?

''Nawala ang iyong buntot dahil sa katigasan ng iyong ulo. Pero huwag kang mag-alala hindi rin naman iyon magtatagal, babalik din sa iyo ito.'' Dagdag pa niya. Nakakapagtaka ang mga sinasabi niya. Parang ang dami niyang alam tungkol sa mga sirena.

''Sa oras na mangyari iyon ay bumalik ka na sa dagat at huwag ng babalik pa sa lugar na ito. Ang katulad mo'y hindi nababagay rito!'' Pagdidiin niya habang nakatingin ng direcho sa mga mata ko. Hindi ko nagawang magsalita pa. Nalilito ako sa mga sinabi niya. Hindi nagtagal ay binitiwan na niya ang braso ko.

''Halika na Melodia.'' Hinawakan ni Indigo ang kaliwang braso ko kaya't napalingon ako sa kaniya. Ngumiti lang ako at tumango. Nilingon ko na uli ang babae pero bigla na lang siyang nawala.

''Okay ka lang ba? Kilala mo ba ang ale na iyon?'' Tinapik ni Indigo ang balikat ko.

''Ayos naman ako, hindi ko siya kilala napagkamalan niya lang daw akong kakilala.'' Pagsisinungaling ko sa kanya.

Ginabi na kami nang makarating sa kanyang bahay. Ang bahay niya'y gawa sa kahoy. May duyan sa may veranda at tumba-tumbang upuan malapit sa pintong gawa sa salamin. Naririnig ko ang alon ng dagat kahit pa nasa sentro kami ng bayan.

Pagpasok namin sa loob ay pinaupo niya muna ako sa malambot na mahabang upuan. Habang siya'y nagpunta sa kusina at kumuha ng maiinom naming dalawa.

''May naalala ka na ba kung bakit ka nasa bangka ko kagabi?'' Pagsisimulang tanong ni Indigo. Tinanong na niya sa akin iyan kanina pero wala akong naisagot.

''A-Ang naalala ko lang ay may apat na lalaking dumukot sa akin, pagkatapos ay gusto nila akong pagsamantalahan pero may humampas sa ulo ko kaya hindi ko na alam pa ang nangyari. Pag-gising ko ay wala na sila at ikaw na nga ang nakita ko.'' Pagsisinungaling ko uli.

Nanginig ng kaunti ang kamay ko habang hawak ko ang isang baso ng tubig. Sana nga lang ay hindi niya nahalata.

''Kung ganoon ay isa kang turistang napagtripan ng mga lokong iyon. Alam mo bang pagmamay-ari ko ang maliit na bangkang pinagsakyan sa iyo? May nakalilok na Flemming sa gilid noon. Mabuti na lang may nakakita kaya agad kong hinatak.'' Medyo seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin habang kinakausap ako.

Nagdududa ba siya? Anong gagawin ko?

''A-Ano, Indigo ang totoo niyan kasi, kakalipat ko lang dito sa Atargatis noong isang araw. Lahat ng mga gamit ko ay hinagis ng mga lalaking iyon sa dagat para raw walang ebidensiya sa gagawin nila. Pagkatapos noon ay-''

''If that's the case, kargo na kita simula ngayon Melodia.'' Biglang umaliwalas ang mukha niya. Hindi ko na nga naituloy ang sasabihin ko dahil sa sinabi niya.

''P-Pero-''

''Sshh, simula ngayon ako na ang bahala sa iyo.'' Ngumiti siya sa akin nang malapad. Pati ang mga mata niya ay tila ngumiti rin.

''Salamat.''

Limang araw ang nagdaan simula noong nakilala ko si Indigo. Kung hindi dahil sa kanya ay malamang wala ako ngayon sa napakagandang lugar na ito. Napapangiti tuloy ako ng walang dahilan. Napakaganda ng gising ko.

Tumagilid ako pakanan at niyakap na lang ang malambot na unan. Napakaganda rin ng bahay kung saan ako namamalagi ngayon. Pagmamay-ari rin ito ni Indigo at tinatawag niya itong bunkhouse.

Nakaharap ako ngayon sa kulay pink na kurtina. Sa kanan ko ay isang bintanang maliit at sa kaliwa ay pink na kurtinang harang para raw may privacy ang sabi ni Indigo. Double deck kasi itong kama. Kulay puti ang gilid nito at may nakaukit na mga bulaklak. May hagdan sa gilid para sa taas na higaan. May kurtina rin itong kulay asul.

Hinawi ko ang kurtina ng bintana at binuksan ito. Kitang-kita ko mula rito ang maliit na tulay malapit sa dagat. Napatingin ako sa maaliwalas na kalangitan, parang humalik sa akin ang malamig na hangin sa aking balat at sa tahimik na dagat ay nakaradam ako ng isang masamang panahon na paparating.

PIC-A SEAFOODS. Pangalan ng seafoods house ni Indigo. Katabi lang nito ang bunkhouse na tinutuluyan ko. Ang daanan nito'y gawa sa matibay na mga kahoy. Ang ilalim nito'y tubig dagat. Nasa tapat ako seafoods house, nahihiya akong pumasok dahil wala akong dalang regalo para sa kanya.

''HAPPY BIRTHDAY!" Narinig ko ang masayang bati ng mga bisita sa kanya. Kaarawan kasi ni Indigo ngayon at imbitado ako. Ibinigay niya sa akin ang mga hindi na ginagamit na mga lumang damit at sapatos ng kanyang mga kapatid para may gamitin ako. Napakabait niya. Mabuti na lang pala ay siya ang nakakita sa akin noong araw.

Suot ko ang isang bestidang kulay pink. Bulaklakin ito at may ruffles ang laylayan. Napansin kong mahilig ang mga kababaihang taga-lupa sa mga ganitong disenyo. Itim na doll shoes na may ribbon naman ang sapin ko sa paa. Napakakomportable sa pakiramdam.

Napanguso ako. Nakita ko siyang hinipan ang apoy sa maliit na kandila. Hinihimas ko ang aking braso nang makita kong napatingin siya sa direksyon ko. Kumaway siya sa akin at inaaya ako pumasok. Umiling ako. Nahihiya ako sa kanila.

Nag-init ang mukha ko nang makita siyang lumabas sa salaming pinto. Tumunog ang mga kabibeng nakasabit doon noong lumabas siya. Nakasuot siya ng kulay puting polo shirt

na kulay itim ang kweliyo.

Nakasuot siya ng pang-ibabang kulay gray na hanggang tuhod niya at kulay abo. Medyo hapit din ito sa kanya. Mas lalo tuloy siyang nagmukhang matangkad. Kulay puti rin ang suot niyang sapatos. Mas lalo pa siyang gumwapo.

Kung nakikita ko siguro ang mga mata malamang ito ay nagnining-ning na.

''Halika na Melodia, huwag ka ng mahiya akong bahala sa iyo.'' Hinawakan niya ako sa balikat at inakay papasok sa loob.

''Eh kasi Indigo, wala akong regalo sa 'yo nakakahiya.'' Bulong ko sa kanya.

''It's your presence that counts, love.'' Nginitian niya ako at kinindatan. Kumabog naman ang dibdib ko sa ginawa niya.

Nilibot ko ang paningin ko sa lugar, maraming mga sanga ng niyog dito sa loob na nagsisilbing dekorasyon.

Maraming makukulay na lobo ang nakasabit pabaliktad sa kisame. Maraming mga bisita karamihan ay babae. Nakatingin sila sa direksyon ko. Gusto ko sana silang ngitian kaso nakataas ang mga kilay ng ilan.

Napatungo na lang tuloy ako. Tama bang nandito ako ngayon?

''Thank you for coming guys!'' sabi niya. ''Gusto ko rin ipakilala sa inyo ang isang espesyal na babaeng kasama ko ngayon.'' Ako ba ang tinutukoy niya? Nilingon ko siya dahil sa sinabi niya.

''Meet Melodia, my special friend.'' Pinisil niya ang balikat ko.

''K-Kumusta kayo.'' Ngumiti ako sa kanila.

''Nice meeting you hija, kay ganda-ganda mo naman.'' Nilapitan ako ng isang babae na medyo matanda na. Maikli ang itim niyang buhok na hanggang balikat. Kulay pula ang kanyang labi at namumula rin ang pisngi. Idinampi niya ang pisngi sa kanang pisngi ko. Para saan ba ang sign na iyon?

Lumapit din ang dalawang babae.

''Melodia, meet my sisters. Ate Violet.'' Itinuro niya ang babaeng nakapusod ng mataas na medyo magulo. Maganda ang hubog ng kanyang katawan.

Nakasuot siya ng kulay itim at hapit na damit na mataas ng kaunti sa kanyang tuhod. Mataas din ang suot niyang sapatos na may tali't nakapulupot sa kanyang mapayat na binti. Nakapameywang siya't tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

''And Ate Tangerine.'' Itinuro naman niya ang katabing babae ng Ate Violet niya. Ang buhok niya'y lagpas balikat. Kay ganda naman ng magkahalong kulay abo, verde at pink na kulay ng buhok niya.

Nakasuot siya ng pantalong maraming butas. Kita rin ang maputi niyang tyan dahil sa ikli ng pantaas niya. Puting sapatos rin ang suot niya. Nakaekis ang kanyang mga braso at nakataas ang kilay.

Napalunok ako dahil mukha silang masungit.

''Hey, is that my dress?'' Itinuro ng Ate Violet niya ang suot kong damit. Nanlaki pa ang mata niya na parang gulat na gulat.

''Ate, actually-''

''Bagay sa iyo! Oh my gosh, perfect fit!'' Hindi na naituloy ni Indigo ang sasabihin dahil sa nagsalita na agad ang kanyang ate. Napapalakpak pa siya ng tatlong beses.

Nilapitan niya ako at tinapik ang kamay ng kapatid na nasa balikat ko, ngayon ay siya naman ang umaakay sa akin palayo kay Indigo.

''Ang galing mong pumili bunso.'' Narinig kong sabi ng Ate Tangerine niya pagkatapos ay sumunod sa amin.

''Mga ate! Please, ingatan niyo si Melodia, mamahalin ko pa siya!''

▪▪▪🌸

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status