Si Melodia ay isang nilalang sa ilalim nang madilim at malawak na dagat. A heart full of hatred, ang puso ng mga taong may kinikimkim na kasakiman, selos at pagkamuhi ang nagbibigay buhay sa kanila. Silang mga sirena'y may kagandahang tinataglay at boses na pang-akit sa biktima. Ngunit isang insidente ang magbabago ng lahat nang buhayin muli ni Melodia ang taong nag-aagaw buhay. Ang simpleng sitwasyon ay naging sumpa ang dulot. Ang kanyang buntot ay maging paa at ang paa ng tao 'yon ay naging buntot. Kaya napagpasyahan niya na manatili muna sa lupa kahit walang ideya kung paano mamuhay bilang tao. Isinama naman sa ilalim ng dagat ang taong ngayo'y nagibg sirena. Nakita siya ng isang lalaki na noo'y namamangka na kaagad siyang tinulungan. Sa paglipas ng mga araw ay muling nagbalik ang taong tinulungan i Melodia. Ngayon ay hatid niya ang pakiusap na tanggalin na ang sumpa, na ibalik na sa kanya ang mga paa ngunit hindi alam ni Melodia kung paano.
View MoreIn TPPOV Noong matapos ang insidente na kinasangkutan nina Melodia at Maron nang gabi ng Miss Atargatis ay may hindi sila nalamang pangyayari. Isa kasing misteryosong taong nakasuot ng itim na sapatos ang huminto sa dalawang nagkikislapang bagay sa sahig malapit sa stage. Hindi niya alintana ang walang tigil na pagbuhos ng ulan at ang ingay sa paligid nang lumuhod siya tsaka pinulot ang mga bagay na 'yon. Sa palad niya ito nilagay at pinagmasdan. Tatlong segundo matapos niya 'yong tingnan ay ikinuyom niya ang palad tsaka nagpakita naman ang mapuputi niyang ngipin sa ginawang pagngiti. ⚫Ilang araw rin ang lumipas, sa isang
Ilang araw na ba ang nakalipas simula noong dumating si Velvet? Palagi siyang nasa anino naming tatlo. Napansin kong wala na siyang ibang ginawa kundi ang ngumiti, lapitan si Maron at makipagkulitan sa kanya. Madalas din niyang panoorin ang ginagawang pagta-tattoo nito. Siguro mga limang beses na kong nahuli ni Pinky na nakabusangot na hindi ko rin maiwasan.Kung anong lapit niya kay Maron ay siya namang iwas niya kay Indigo. Kung magkakasalubong sila ay tatalikod si Velvet o di kaya ay babalik kung saan siya galing. Kahit makipagkamay ay hindi niya nagawa. Maging ang tingnan siya sa mata.Simula nang dumating siya hindi na mapalagay ang isip ko, may kung ano sa babaeng 'yon. Parang may itinatagong sikreto. Isa nga lang ba siyang turista?Ngayon, nakatitig lang ako sa likod niya habang naglalangoy kaming dalawa. Nasa unahan ko siya kaya kitang kita kung paano hawiin ng tubig ang kanyang buhok.Tiniti
⚫MELODIA'S POV⚫Nakatingala lamang ako sa kalangitan, sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay tila may pumipigil dito. Ang pagtakip ng ulap sa buwan ang naging dahilan para bumalik ako sa sarili. Nakatingin lamang ako sa madla, kyng paanong para silang nahipnotismo sa aking ginawa. Napakaraming may pusong puno ng kasakiman. Ilang segundo rin siguro ang tinagal nang pagtitig ko sa paigid nang may narinig akong sumigaw na babae.Sampung segundo ay mawawala na ang amoy ng mga puso nila at babalik na uli sa dati ang oras na parang panandaliang huminto. Unang nahagip ng aking mata si Maron. Binitiwan ko ang mic saka tumakbo pababa. Dinaanan lamang ng mga mata ko si Indigo na nakangiti sa kawalan. 'Pasensiya ka
▪ THIRD PERSON'S POV ▪Halos nakahandusay na si Maron sa sahig. Naghahabol ng hininga't halos magpakita na ang mga kaliskis niya sa braso. Humaba na rin ang mga kuko niya sa kamay at nagkulay gold na rin ang mga mata. Hindi na nito namalayan ang pagtulo ng laway dahil sa nararamdaman. Samantalang si Melodia, patuloy pa rin sa pagkanta. Inuulit ang bawat letra ng kanta. Itinaas niya ang kaliwang kamay na parang may inaabot sa kalangitan. Mayamaya ay biglang sumulpot ang alagang pusa ni Maron na si Reeta. Hindi malaman kong saan galing. Nasa stage ito't patakbong lumapit sa legs ni Melodia. Ikinuskos nito ang malambot na balahibo, ang buntot nitong mahaba ay umaangkla pa sa binti ng dalaga. Ikinukuskos din nito ang gilid ng whiskers pero
▪THIRD PERSON'S POV▪Eksaktong ala sais ng gabi nagsimula ang Miss Atargatis. Maraming tao ang dumalo sa center town plaza. Medyo makulimlim ang ulap sa langit na kahit gabi ay kita pa rin ang mga ito. Nakabukas ang maraming ilaw na nakakabit sa gilid ng dome. May hugis tao naman na akala mo nagsasayaw, dahil lang pala 'yon sa hanging nagpapagalaw rito. Nakasisilaw ang mga maliliit na ilaw galing sa disco ball sa gitna ng stage at may pa-bubbles pa malapit sa limang baitang na hagdan. May makukulit namang mga bata ang lumalapit do'n at pinuputok ang mga bula.''Ten candidates ang maglalaban-laban para sa korona, sash at trophy bilang, Miss Atargatis! Plus... promotion ng establishment na inirerepresent!'' Confident na confident na sabi ng MC. Taas noo siyang nakatayo ro'
Suot ko ngayong araw ang unipormeng kinuha namin sa Kraken's Tailoring. Kahit na kumakabog ng malakas ang puso ko ay kailangan ko pa ring humarap sa mga taong mamaya lang ay pupunta rito. Nakaupo man ako rito sa harap ng counter at may hawak na tray ay pasulpot-sulpot sa isip ko ang nangyari no'ng gabing 'yon.''Bakit basang-basa kayo? Anong ginawa n'yong dalawa?'' Napalingon kami nang magtanong si Indigo.''Nag-night swimming?'' Patanong na sagot naman ni Maron.''Talaga?'' Nakakaloko namang sabi ni Indigo. Namulsa siya at ngumiti. Ang ngiti niyang isang side lang n
Gabi na, madilim na rin dito sa attic na sabi nga no'ng lalaki kanina. Nakadungaw naman ako sa bintanang maliit, nakatungtong ako sa upuan para makita ko ang labas. Meron namang ilaw sa tapat nitong bintana pero hindi gano'n kaliwanag. Sumasayaw ang mga sanga ng puno sa labas dahil sa ihip ng hangin. Paisa-isa na ring nagpapakita ang mga bituin sa kalangitan. Ang buwan, oo ang buwan. Muntik ko ng makalimutan ang kabilugan nito. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. Nag-aalala ako kung anong mangyayari sa isang sirenang nasa lupa kapag bilog ang buwan. ''Maron, ano 'yong mahabang pader do'n? Nakikita ko kasi ang hampas ng dagat.'' Napalingon ako sa kan'ya na karga ang alaga niyang pusa.''Seawall ang tawag do'n, pang-harang sa dagat. Pinoprotektah
Nakatayo kami ni Maron sa harap ng kulay berdeng gate. May kaunting sanga at halamang nakapulupot dito. Hindi ko matanaw ang loob dahil sa mataas ito pero nakauwang naman ang maliit na pinto sa gate. Matataas ang mga puno sa paligid sa loob na may mgailang ibon na nagsisiliparan. Hindi ko makita ang langit dahil sa mayabong na mga sanga noto. Hindi ko man alam ang pangalan ng mga puno pero hitik sa bungang prutas na kulay dilaw. 'Ano kaya 'yon?'''Bakit hindi pa tayo pumasok sa loob?'' tanong ko kay Maron na nakapamulsa lang at walang imik. Nakatingin lang siya sa gate na parang may malalim na iniisip.Kinalabit ko siya. ''Maron,'' tawag ko uli sa kan'ya.
Natigilan ako sa sinabi ng lalaki sa harap ko na nagkaroon muli ng buntot. Maging ako ay walang maintindihan sa mga nangyayari, ang gulo... sobrang gulo. Napasabunot tuloy ako sa buhok ko habang pinagmamasdan ang buntot niyang gumagalaw. ''Hindi sinabi ni Sachiel na tutubuan pa rin ako ng buntot kapag nabasa ang mga paa ko, lintek na buhay 'to!'' Nasuntok niya ang tubig, pero dahil sa hindi naman iyon matigas na bagay ay lumikha iyon ng malakas na tunog. Halos umangat ang balikat ko dahil sa gulat.''Ako si Maron, Maron Mauve.'' Natigilan ako't napatingin sa kan'ya. Nagpakilala siya sa akin nang hindi ko inaasahan at sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, may kung anong kumukurot sa puso ko dahil sa kan'ya.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments