Hindi ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko at namamawis din ang mga palad ko. Naramdaman ko ang pananakit ng ulo ko kaya mariin akong napapikit. Pilit kong iwinawakli sa isipan ko ang mga masasamang alaala ng nakaraan, ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilan ang pagbaha ng mga ito. Memories from the past keep playing like a movie right before my eyes.
"Can I go first?"
I heard her voice loud and clear. I turned around to see Stella. She was smiling at me, but the look in her eyes were telling me different. She's not amused to see me.
I was scared of her presence. Halos lahat naman kinatatakutan siya. No one wants to get on her bad side.
I move a step back letting her cut in the line at the long query of students inside the school's cafeteria. She gave me a light tap on my back before smiling again and I'm not comfortable with it.
It was our lunchbreak. I looked around to search for my friends, but they are still not here. Medyo maaga kami ng 10 minutes dahil pinag-break na kami ng professor namin. Danika and I are taking the same course but apparently, magkaiba kami ng section. Nasa ibang department din sina Jules at Brix.
"Tabi nga!"
May malakas na tumulak sa akin paalis ng pila. Nawalan ako ng balanse at paupong bumagsak sa sahig. Narinig kong nagtawan ang mga kaklase ko, ni wala man lang tumulong sa akin.
Tumayo ako at pinagpagan ang navy blue kong palda na parang walang nangyari. Bumalik ako sa pila ko kung saan naman talaga ako nakapwesto pero ayaw na nila akong pasingitin. Para akong isang kawawang bata na pinagkakaisahan ng mga kaklase ko. Wala akong magawa. I went to the end of the line, pilit na nagpapakatatag, pilit na sinusubukan na maging matapang sa harap nila kahit ang totoo, gusto ko na lang maghalo.
Matapos kong maka-order ng pagkain ko, doon ako naupo sa may gilid ng cafeteria. Alone, with my head hung low.
Nakayuko man, ramdam na ramdam ko pa rin ang mga mapanuyang tingin na binibigay sa akin ng mga kaklase ko.
"Tatahi-tahimik pero nasa loob pala talaga ang kulo."
"Magkaibigan pa talaga ang nilandi niya."
"Good riddance. Atleast nalaman na agad ni Gabriel ang totoong kulay niya."
Rinig na rinig ko ang bulungan nila. Para ngang sinasadya nilang iparinig sa akin ang mga pinag-uusapan nila. Halos mabingi ako sa malalakas na tawanan ng mga tao sa paligid ko, na para akong isang nakakatuwang palabas sa kanila.
I can't take this anymore. I want this to stop.
May mainit na likido na pumatak sa nanginginig kong mga kamay na nakapatong sa mga hita ko. Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. Iyak lamang ako nang iyak, habang tinatanggap ang bawat masasakit na salita at panghuhusga nila sa akin.
Ayoko na. Make them stop. Please.
"Kelly, breath. Come on!"
May naririnig akong boses sa nanlalabo kong pandinig. Gusto kong patigilin na ang mga alaalang ayaw ko nang balikan, ngunit ayaw nilang huminto. Nagpatuloy silang bumalik-balik sa isipan ko.
The scene suddenly change. I found myself inside our classroom while staring at the big white board in front of me.
'MALANDI AKO. POKPOK AKO' was written in bold capital letters. Nakasulat din ang cellphone number ko kasama ang mga salitang 'Call me on this number.'
Nanghihina akong lumapit sa harapan ng white board. Kinuha ko ang eraser para burahin ang mga nakasulat sa white board. My phone keeps on ringing and ringing. Hindi ko na lang ito pinansin dahil alam kong pinagtitripan lang naman nila ako.
Walang tigil sa pagtulo ang luha ko habang nagbubura sa white board. Nakakagat ko na rin ang ibabang bahagi ng labi ko para pigilan ang mga hikbi ko. I look so pathetic.
"Kelly!"
Someone called my name again. It was a familiar and gentle voice. When I open my eyes, I saw Brix in front of me. Worry was written all over his face. Tumingin ako sa paligid. I was inside the room of the fine-dining restaurant where we had our dinner.
"Hija, ayos ka lang ba? Namumutla ka na. Hindi mo rin naubos ang pagkain mo. May masakit ba sa'yo?"
I turned to tita Claire and smiled faintly still catching my breath. "A-ayos lang po."
"Nakapag-bill out na ko. Mabuti pa, ihatid ka na namin pauwi," tito Harold said, his voice lace with concern.
Nakaalalay lamang sa akin si Brix habang pababa na kami. Panay ang paglinga-linga ko sa kabuuan ng restaurant. Natatakot na baka muling makita ko si Stella. Hindi ko akalain na ang muling pagtatagpo ng landas namin ay magdudulot na naman ng takot sa buong sistema ko, na muli ko na namang maaalala ang masamang bangungot na dinanas ko mula sa kanya.
"I'm here. Huwag kang matakot," Brix whispered holding my hand tighter. Maybe he felt my uneasiness.
Pasalamat na lang talaga ako na dumating siya agad kanina kundi baka nagmukha na naman akong kawawa sa harapan ni Stella.
Nang makarating kami sa parking lot, pinagbuksan kami ni Brix ng pinto ng kotse. Umupo na ako sa backseat kasunod si tita Claire.
"Son, sumakay ka na," utos ni tito Harold mula sa driver's seat. Nasa labas pa rin kasi si Brix at nakatanaw sa malayo.
Lumingon sa akin si Brix na may malapad na ngiti sa labi niya. Nagulat ako nang muli niyang buksan ang pinto ng kotse sa backseat at hinila ako papalabas.
"Brix! Saan mo dadalhin si Kelly?" naguguluhang tanong ni tita Claire.
Brix just let out a soft chuckle. "Don't worry, mommy. May pupuntahan lang kami saglit. Ako na bahala kay Kelly. Mauna na kayo ni dad," he winked.
Napailing na lang si tita. "O, sige. Mauna na kami. Huwag na lang kayong masyadong mag-pagabi. Ingatan mo si Kelly," bilin ni tita Claire. Nag-thumbs up naman si Brix sa kanya.
Ilang sandali pa ay pinaandar na ni tito Harold ang kotse niya. Pinagmasdan ni Brix ang papalayong kotse ng parents niya samantalang ako, nakakunot-noong tinignan siya.
"Saan tayo pupunta?" usisa ko.
"Basta. Trust me, makakalimutan mo ang lahat ng masamang alaala mo pagdating natin doon."
***
Do you feel like a man
When you push her around?
Do you feel better now, as she falls to the ground?
Well I'll tell you my friend, one day this world's got to end
As your lies crumble down, a new life she has found
Napangiti ako nang lingunin ko si Brix sa tabi ko. May pagtalon-talon pa siya at pag-head bang habang nanunuod sa bandang tumutugtog. Mukhang enjoy na enjoy siya dahil sumasabay pa siya sa pagkanta.
Dinala ako ni Brix sa river park hindi kalayuan sa fine-dining restaurant na pinanggalingan namin. Gaya ng sinabi niya, bahagyang nakalimutan ko ang mga nangyari kanina dahil nawili kami sa paglilibot dito sa napakalawak na parke.
Ngayon lang ako nakapunta rito. Halos malula na ako sa kalakihan niya. Maraming tao sa paligid dahil siguro weekend ngayon. May mahabang footbridge na nagkokonekta sa river park patungo sa isang mall sa kabilang side. Meron ding mahabang stall ng mga street foods. Akala mo nga nagpipicnic pa ang iba dahil prente silang nakaupo sa may gitnang bahagi ng river park na nilatagan lang nila ng picnic mat.
Ang iba naman ay nagbibisekleta pa habang naglilibot. There's a small amusement park as well that is magical for kids and fun enough for teens.
Nang mapagod kami ni Brix sa paglilibot kanina. Hinila niya naman ako papunta sa malaking gazebo na napapalibutan ng makukulay na fairy lights. Sakto namang may live band na tumutugtog dito. Naalala ko tuloy si Aiyah. Siguro kung saan-saan na naman sila tumutugtog ngayon.
Naramdaman kong hinawakan ni Brix ang kamay ko kaya napatingala ako sa kanya. Nagliliwanag ang mukha niya.
"Thank you for bringing me here," I whispered.
"You know that I will always be here for you, Kelly. Hindi ko na hahayaang may manakit pa ulit sa'yo," he said all of a sudden. Ramdam na ramdam ko ang sincerity sa boses niya.
Bigla kong naalala na may ibibigay nga pala ako sa kanya.
"Give me your hand," sambit ko.
"Bakit?" tanong niya.
"Basta."
Inilahad niya ang kaliwang kamay niya sa harap ko. May dinukot naman ako sa bulsa ng sling bag ko. Isang woven bracelet na may alstroemeria flower bead sa gitna. Ako pa mismo ang nag-customize nito.
"What's that? A friendship bracelet? Aren't we too old for this kind of stuff?" natatawang tanong ni Brix habang sinusuot ko sa kanya 'yong bracelet.
"Hoy, pinaghirapan ko 'yan. Meron din ako." Inangat ko ang kanang kamay ko kung saan nakasuot sa akin 'yong bracelet.
"Okay. Thanks," he mumbled.
Umiling ako. "Ako dapat ang magpasalamat sa'yo. Sobrang dami mong naitulong sa akin. And I'm glad that I have you in my life. You've been a good friend to me, Brix. Mula noon, hanggang ngayon. Sa susunod na buhay ko, sana makakilala ulit ako ng isang tulad mo."
"Ikaw, masyado kang madrama." Pabirong pinisil ni Brix ang tungki ng ilong ko, saka bumalik sa panunuod sa live band.
But I really meant what I said.
Isa sa mga blessing sa buhay ko ay ang pagkakaroon ng mabuting kaibigan na gaya ni Brix. Sana balang araw, masuklian ko rin ang lahat ng mabuting pinakita niya sa akin.
***
"And I'm glad that I have you in my life. You've been a good friend to me, Brix. Mula noon, hanggang ngayon."
"Kaibigan," wala sa loob na sambit ni Brix nang maalala ang sinabi ni Kelly kanina. Lumipas na ang maraming taon, pero hanggang ngayon kaibigan pa rin ang tingin sa kanya ng dalagang matagal na niyang minamahal ng palihim.
"Si Gabriel pa rin ba?" mapakla siyang napangiti habang nakatingala sa madilim na kalangitan.
Noon palang, alam naman niyang walang ibang lalaking minahal at mamahalin si Kelly kundi si Gabriel lang. Kahit kailan, hindi ito mapapalitan sa puso ng babae. Tanggap na niya 'yon. Hindi na niya ipipilit pa ang sarili niya. Ang tanging gusto na lamang niya ay makitang sumaya ulit si Kelly kahit hindi siya ang maging dahilan ng kasiyahan nito. Ngunit iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi na siya magpaparaya.
"Anong ginagawa mo dito?" matabang na tanong ni Gab nang lumabas at madatnan si Brix na nakasandal sa gate ng bahay nila.
Wala sana siyang balak na labasin ito, ngunit napilitan siya dahil hindi ito tumitigil sa pagtawag sa pangalan niya. Nakakaistorbo na rin sa mga kapitbahay nila ang ingay na ginagawa nito kanina.
"Nangangamusta lang. Masama ba?" nakangising sagot ni Brix.
Nang maihatid niya si Kelly sa bahay nila kanina, agad siyang dumiretso sa bahay nila Gabriel. May mga bagay siyang gustong-gustong klaruhin dito.
"Mahal mo ba talaga si Stella?" walang patumpik-tumpik na tanong ni Brix sa dating kaibigan. Nakasuksok ang kamay niya sa dalawang bulsa ng pantalon niya habang diretsong nakatitig sa mata nito. "Ang daming babaeng pwede mong ipalit kay Kelly, si Stella pa talaga?" bahagyang natawa si Brix na siyang ikinainis ni Gab.
"It's none of your business. Umuwi ka na." Gab replied coldly. Papasok na sana ulit ng bahay nila nang muling magsalita si Brix.
"I'm sorry."
Natigilan si Gab. Muli niyang nilingon ang dating kaibigan. He saw the sadness in his eyes.
"I'm sorry, Gabriel. Alam kong hindi mo ako mapapatawad. Alam kong hindi mabubura sa isip mo na niloko ka namin ni Kelly, pero ginawa ko lang ang tingin kong mas makakabuti para sa kanya."
Marahas na napabuntong-hininga si Gabriel. Binigyan niya si Brix ng isang napakatalim na tingin. "And you think I care?"
"Wala ka na nga ba talagang pake sa kanya?" balik na tanong ni Brix.
Tila napipi si Gabriel. Umawang ang bibig niya. Umiwas siya ng tingin sa dating kaibigan. "Wala na akong pake sa kanya. Matagal ko na siyang kinalimutan. Mahal ko si Stella," mariing sambit ni Gab.
"Mahalin mo pa kaya 'yang girlfriend mo kapag nalaman mo ang mga ginawa niya noon?"
Muling lumingon si Gabriel kay Brix. Bumalatay sa mukha niya ang labis na pagkalito. "Pinagsasabi mo?"
"Sana kapag nalaman mo ang totoo, mapanindigan mo ang sinabi mo. Pero kung dumating man ang araw na mamulat ka sa katotohanan, kahit ikaw pa rin ang mahal ni Kelly, hinding-hindi ko na siya ibabalik sa'yo. I love her and I will fight for her this time. I just want you to know that," determinadong sambit ni Brix bago talikuran ang dating kaibigan at naglakad palayo.
***
A/N: Alstroemeria is a flower that symbolizes friendship. Like the friendship that blooms between Brix and Kelly.
Wake up! Antukin na kuting!" Hinila ako ni kuya paupo pero humiga lang ulit ako sa malambot kong kama at muling pumikit."Hmm...Maya na kuya," I mumbled into the pillow. Pero ang kapatid ko kung makayugyog sa akin parang wala nang bukas."Bangon na, ngayon ang start ng summer class sa simbahan. Huwag mong paghintayin ang mga estudyante mo," daldal pa ni kuya."5 minutes pa." I whined. Itinaas ko ang kumot ko para itakip sa buong katawan ko."Ayaw mo gumising, ha!"Biglang inagaw ni kuya ang kumot ko. Nasilaw ako sa liwanag na tumama sa mata ko dahil bukas na bukas pala ang bintana sa kwarto ko, pumapasok ang sikat ng araw."Kuyaaaa!" malakas kong tili nang sumampa siya sa kama at kiniliti ako."Hahahahaha...Tama na!....O-Oo na...Babangon na!" paulit-ulit kong sigaw pero kiniliti pa rin ako nang kiniliti ng kapatid ko. "Tama na...kuya...Hahaha...H-hindi na ko...makahinga..." mahinang pa
"Baka talagang meant to be kayo ni Gab, kaya lagi na lang kayong pinagtatagpo ng tadhana?"Nilingon ako ni Danika na parang hinihingi ang pagsang-ayon ko sa sinabi niya, but I shook my head drastically as my answer.Matagal din kaming hindi nakapag-hang out together kaya nandito siya sa bahay. Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng mga ganap ko sa buhay. As in lahat-lahat. Walang labis, walang kulang."Matagal ng tapos ang chapter namin ni Gab. Huwag mo nang ipilit," I replied.Danika look at me flatly. "Malay mo naman, no!" giit niya.Nag-focus na lang ulit ako sa movie na pinapanuod namin kaysa makinig sa kanya. I Give My First Love To You ang title ng pinapanuod namin. It's Sunday kaya pahinga kaming lahat at movie marathon lang ang inaatupag.Nakaupo kami sa pahabang sofa sa sala habang nakapatong ang mga paa namin ni Danika sa center table. May hawak-hawak din akong isang box ng tiss
"Are you heading out tonight?"Stella asked with a raised eyebrow. Ka-video call niya ang boyfriend niya.She noticed that he's wearing a plain long sleeves, rolled up to his arms and a khaki chinos. Mukhang bihis na bihis ito."Will head out for a few drinks with Smith and Thao," matipid na sagot ni Gab na tuktok lamang ang mata sa daan habang nagmamaneho."Where? Sasama ako. Sunduin mo ko.""Eclipse. And no, hindi ka pwede sumama.""Bakit hindi pwede? Baka mamaya mambabae 'yang mga kaibigan mo do'n, tapos idamay ka pa,"pagpupumilit ni Stella."Please, Stella? Wala ka bang tiwala sa akin?" tila naiiritang tanong ni Gab.Napakagat na lang sa ibabang bahagi ng labi niya si Stella nang makita ang pagseseryoso ng mukha ng boyfriend. Halos magsalubong na rin ang dalawang kilay nito. Gusto niya sanang pigilan si Gabriel na umalis pero baka pagtalunan lang nila ito.She doesn't want
Nakaupo ako sa telang sumasapin sa damuhan habang nilalasap ang sariwang hangin na dumadampi sa mukha ko. Sobrang presko niya sa pakiramdam. Iba talaga kapag malayo ka sa polusyon.Napakaganda ring pagmasdan ng malawak at berdeng damuhan na pinapalibutan ng mga malalaking canopy tress, na tila nagsasayaw ang mga sanga sa tuwing umiihip ang hangin. Wala pa ring pinagbago ang lugar na ito. Buti na lang at napanatili nila ang kalinisan dito sa Sunken Garden ng Sunny Ville.Sa tagal ng panahon, ngayon na lang ulit ako nakapunta dito. Naalala ko dito kami nagpipicnic noong buhay pa si daddy. Dito rin daw ako natutong maglakad ng tuwid sabi ni mommy.Nang mamatay si daddy, doon naman ako umiyak nang umiyak, sa ilalim ng slide ng lumang playground sa tapat nitong Sunken Garden. At dito rin ako nagpupunta noong mga panahong nagagalit ako sa mundo at gusto ko ng sukuan ang sarili ko.This place will always have a special place in my heart. Napa
Nagising si Kelly dahil sa samu't saring ingay na naririnig niya sa paligid. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Natagpuan niya ang sarili na nakahiga sa puting kama, na may nakatabing na kulay grey na kurtina sa magkabilang gilid nito.Bumangon siya at hinawi ang kurtina. Napagtanto niya na nasa ospital pala siya. Napatingin siya sa kanang kamay niya na may nakalagay na swero. Labis ang pagtataka niya.How did I end up here? Sinong nagdala sa akin dito?As if on cue, bumulaga sa paanan ng kama si Gabriel a siyang ikinagulat ni Kelly."W-What happened?" may pag-aalangang tanong niya."You fainted," napakatipid na sagot ni Gabriel.Blangko ang mukha nito na hindi man lang siya magawang tapunan ng tingin. Of course, Kelly! He hates you. Ito ba ang naghatid sa kanya?"Sina Janice?" tanong ng dalaga."Bumalik sa Sunken Garden. Walang naiwan kay Charlotte doon kaya binilin ko na lang muna sa kanya ang
"Kapag namatay ka at muli kang mabubuhay bilang isang bagay, anong gusto mong maging?"Nagmulat ng mga mata si Gabriel para titigan ang mukha ko. Nakahiga siya sa damuhan at ginawa niyang unan ang mga hita ko, habang masuyo kong hinahaplos ang buhok niya. Nasa Sunken Garden kami at hinihintay ang paglubog ng araw."Bakit naman naitanong mo 'yan?" tanong niya kasabay ng pagsilay ng isang matamis na ngiti sa labi niya.Inabot niya ang kamay ko at pinatakan ng halik 'yon na hindi inaalis ang pagkakatitig niya sa mukha ko."Sagutin mo na ang tanong ko, sige na," pangungulit ko.Saglit siyang tumahimik para mag-isip. Ilang segundo pa ay biglang sumeryoso ang mukha niya. "Maging hangin na lang siguro.""Bakit?""Para lagi mo akong kailanganin, 'yung ikamamatay mo kapag nawala ako. Boom!" sagot niya saka tumawa ng pagkalakas-lakas.Gusto ko siyan
"Oh my God! What happened to my son?" tanong ng ginang kay Thao nang maihiga nito ang anak sa kama nito.Hindi naman magawang sumagot ni Thao dahil natatakot siya sa ginang. Napayuko na lamang siya dahil hindi niya gusto ang tingin na binibigay sa kanya ng mama ni Gab. Sobrang intimidating. Parang mangangain ng buhay."Bakit ba magkasama na naman kayo? Kung mag-iinom kayo, pwede bang huwag niyo na idamay si Gabriel. Huwag niyo siyang igaya sa inyo na parang walang direksyon ang buhay," naiinis na litanya pa ni Stella.Gabriel's mom invited her for dinner. Kanina pa nila hinihintay si Gabriel na umuwi, pero pasado alas-otso na, hindi pa rin ito dumarating. Ang alam niya lang ay sinamahan nito ang pamangkin."You can go now, kami na ang bahala sa kanya," maotoridad na utos ni Stell
Tatlong araw na akong hindi nakapagturo dahil nagkasakit ako. Papasok na dapat ako ngayon kaso pinagalitan ako ni mommy. She wants me to rest for 1 week!!Magpahinga na lang daw muna ako dahil kagagaling ko lang, baka daw mabinat ako. Kahit sa flower shop, pinagbawalan niya rin akong pumunta. Dito lang law ako sa bahay, bantay sarado ni kuya.Wala naman akong magawa kundi sumunod na lang sa mga bilin niya. Ayoko na rin kasing dagdagan pa ang alalahanin niya, kahit ang totoo niyan, miss na miss ko na ang mga batang tinuturuan ko. Lalo na si Charlotte.Si Janice naman, binisita ako noong isang araw para kamustahin ang lagay ko at i-update na rin ako. Sabi niya, lagi raw akong hinahanap ni Charlotte. Tinatanong nito kung kamusta na raw ba ako at kung kailan ako babalik. Namimiss na raw ako ng bata. Ang sweet talaga.Naiini