He was once my sun, I always yearn for his light. But now, I don’t know. I think he’s still a sun. But his light is too much for me — my eyes burn when I look at him.
Lihat lebih banyak"Kailan mo pa ako niloloko?!!"
Halos mabingi ako dahil sa malakas na pagsigaw ni Gabriel. Pinuno ng galit na boses niya ang kabuuan ng botanical garden ng aming university. Tanging kami lamang ang narito sa lugar na 'to.
Natatakot ako sa paraan ng pagtitig niya. Punong-puno ito ng galit at pagkadismaya. Siguro kung ibang tao lang siya, baka napagbuhatan na niya ako ng kamay. But knowing how he respect women, he won't hurt me or even lay his finger on me even if I'm his most hated person now.
"Saan ba ako nagkulang, Kelly?" may panlulumong tanong niya.
I shook my head. Wala siyang pagkukulang. Halos ibigay na niya ang buong mundo sa akin.
Naramdaman ko ang panginginig ng nakatikom kong mga labi. Wala akong mabigkas na salita. Hindi ko alam kung paano ko pa dedepensahan ang sarili ko.
Napayuko na lamang ako. Hindi ko magawang tumitig sa kulay brown niyang mata. Kung noon, gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing tumitingin ako sa magagandang mata niya, ngayon ay parang may malaking batong nakadagan sa dibdib ko. Hindi ko kayang makita ang sakit sa mga mata niyang iyon. Baka hindi ko na kayanin.
"Kaya ka nakipag-cool off 'di ba? Kasi may iba ka na pala? At bestfriend ko pa talaga? So, totoo talaga ang naririnig ko patungkol sa inyo?!"
Iling lang ako nang iling. Gusto ko magpaliwanag, pero sobrang gulong-gulo na ng utak ko. Hindi ko akalain na hahantong ang lahat sa ganito.
"Magsalita ka naman, Kelly! Please, sabihin mong hindi totoo na may relasyon kayo ni Brix. Parang awa mo naman!"
Parang naging isang malakas na pag-agos ng ilog ang mga luha ko. Tuluyan itong bumagsak sa mga mata ko nang marinig ko ang pagsusumamo niya.
Huminga ako ng malalim. Buo na ang desisyon kong tapusin na ang lahat sa amin.
"I-I'm sorry, Gab...I-I'm sorry...Totoo lahat ng 'yan...T-Totoong may relasyon kami," halos pabulong na pag-amin ko. Hindi ko gustong saktan siya, pero heto ako, dinudurog ko ang puso niya.
Nakatitig lamang ako sa mga litratong hawak-hawak niya na kanina lang ay pinagpepyestahan ng mga estudyante sa bulletin board. Lukot-lukot na ito dahil naiipit ang mga ito sa nakakuyom niyang kamao. Picture namin 'yon ni Brix na magkayakap.
Kumalat na ang picture na 'yon sa buong campus. Marahil ay pinag-uusapan na nilang lahat ang cheating issue namin ni Brix. Napakadali talagang manghusga ng mga tao kahit hindi naman nila alam ang buong kwento.
Narinig ko ang marahas na pagbuga ni Gab ng hangin kasabay ng pagtigas ng boses niya. "Kailan pa kayo?!"
Nanatili akong nakayuko, pikit-matang sinagot ang tanong niya. "T-Three months na kami."
"T-Three months," he repeated. Walang buhay.
"Gab. Sorry...I'm really sorry!"
I apologized over and over again. Sa mga sandaling iyon, parang iyon lamang ang mga salitang alam ko.
"Mahal mo ba siya?" muling tanong niya.
Tila binalot ng lamig ang buong sistema ko. Parang yelo na ang boses niya. Hindi ako makapagsalita. Para akong tatakasan na ng lakas. Patuloy ako sa pag-iyak. Siguro iniisip niya, napaka-kapal ng mukha ko. Kung umiyak ako sa harapan niya, parang ako pa ang biktima.
"S-Silence means yes," his voice cracked. "Putangina."
Marahas niyang itinapon sa harap ko ang hawak niyang mga litrato. Tinipon ko ang lahat ng lakas na meron ako upang muli siyang tignan. Nanlumo ako nang makitang lumuluha na rin siya, pero mabilis niyang pinunasan iyon. Para akong mapapaso sa apoy ng galit na nakikita ko sa mata niya.
"Hindi ko alam na ganyan kang babae. Tangina naman, Kelly. First year highschool palang mahal na kita, ginawa ko naman ang lahat para sa'yo. Hindi ko akalain na magagawa mo pa akong lokohin. Tangina! Magsama kayong dalawa. Mga manloloko!" matatalim ang bawat salitang binitiwan niya pero tinanggap ko ang lahat ng iyon kahit nagdurugo na ang puso ko.
"It's over between us. Hindi ako gago para magpakatanga pa sa'yo. Huwag na huwag ka nang lalapit pa sa akin. Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo." He said coldly as he looked at me with disgust.
Napako ako sa kinatatayuan ko. Naiwan akong mag-isa. Wala akong lakas pa para habulin siya. Iyak na lamang ako nang iyak habang pinagmamasdan ang tuluyang paglayo niya sa akin.
Iyon ang huling pagkakataon na nagkausap kami. At sigurado ako, kailanman ay hinding-hindi na niya talaga ako mapapatawad pa.
In his eyes, I'm the worst.
GabrielNapakabilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko, ano mang oras ay lulundag na palabas ang puso ko. Ilang malalalim na buntong hininga na rin ang napakawalan ko. Halos mahilo na ang mga kasama ko sa loob ng simbahan dahil kanina pa ako palakad-lakad."Kalma lang pare, para ka namang natatae," sita sa akin ni Jules. Tinapik niya ang balikat ko bilang pagpapakalma sa akin."Ready na ba ang lahat?" tanong ko."Handang-handa na!" sabay-sabay namang tugon ng mga ka-banda ni Aiyah. Tinaas pa nila ang dalawang kamay nila sa ere.Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil walang pag-aalinlangang pumayag sila sa pabor ko. Sila ang tutugtog sa church wedding namin ni Kelly. Ang kaibahan nga lang, ako ang bokalista nila ngayon."Parating na siya," nakangiting bati naman ni Danika sa akin. Hindi ko na napansin ang pagdating niya.
Isang buwan na mula nang bumalik ako sa ospital. Kailangan kong manatili rito hanggang sa manganak ako. Gaya ng sabi ng doctor ko, hindi biro ang pagbubuntis ko. It's too risky so I need to cooperate with them. Dalawang doctor ang nangangalaga sa akin. Minomonitor nila araw-araw ang kalagayan ko, walang mintis. Idagdag mo pa si Brix na laging puyat kahit hindi niya duty. Binabantayan rin niya ako.Hindi naman ako nalulungkot dito sa ospital dahil madalas nakatambay sa kwarto ko ang mga kaibigan ko. Gaya ngayon, malapit nang gumabi pero nandito pa rin sila."Tignan mo sila, parang mga bata." Natatawang bulong ni Gab sa tabi ko. Nakaupo kaming dalawa sa malaking kama at nakasandal ang mga likod sa headboard.Gamit-gamit ko ang pinakamalaking VIP room dito sa ospital nila Brix. There's a 75 inches tv on the wall kaya nakasalampak sa sahig sina Jules, Brix, Thao at ang mga kabanda ni Aiyah. Tutok ang mga mata nila
Nagising ako na sobrang sama at bigat ng pakiramdam. May nalalasahan rin akong mapait sa bibig ko kaya dali-dali akong bumangon at tumakbo papunta sa c.r ng kwarto namin. Gaya ng mga nagdaang araw, panay lang ang pagsuka ko sa tuwing umaga. Wala pa akong kinakain pero parang halos nailabas ko na ang lahat ng laman ng tiyan ko."Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Gabriel na agad akong nilapitan.Mukhang naalarma pa ito nang matagpuan niya akong nakasalampak lang sa malamig na sahig ng banyo, malapit sa toilet bowl."Nasusuka lang," nanghihinang tugon ko.Inalalayan niya ako patayo patungo sa lababo. Binuksan niya ang gripo at binasa ang mukha ko para mahimasmasan ako."Let's go and see the doctor. Baka kung ano na 'yan," he insisted but I just weakly shook my head."I'm fine. Wala lang 'to.""Please, mahal? Mas mapapanatag ako kung magpapacheck up ka na ngayon. Ilang araw ka ng ganyan. We need to make sure and be extra
Time flies so fast and before I know it, my wedding day finally arrived. Hindi pa rin ako makapaniwala na darating ang araw na 'to. Simpleng civil wedding lang ang napagpasyahan naming idaos ni Gabriel. Hindi na ako naghahangad ng magarbong kasal, ang gusto ko lang ay mabasbasan ang pagsasama naming dalawa."Ang ganda mo, Kels." komento ni Danika nang matapos siyang ayusan ako.Napangiti na lamang ako habang nakatitig sa salamin. Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito si mommy. Lumapit siya sa akin, tears were already running down on her face while admiring me in my white v-neck, knee length dress."You're so beautiful, my baby. Ikakasal ka na talaga," she cried.I quickly raise my hands to wipe away her tears. "Mommy, wala namang iyakan. Mahahawa ako, eh." I said jokingly. Nakita ko siyang tumango-tango pero patuloy pa rin siya sa pagluha."Thank you, mommy. For everything." I mumbled as I pulled her into a war
GabrielNatagpuan ko ang sarili ko na nakaupo sa tahimik na sala ng bahay namin. Nasa harapan ko si mommy at kapwa kami walang imik. Naririnig ko ang bawat malalalim na buntong-hininga niya habang nakatitig lamang siya sa kawalan.Kahit anong mangyari, baligtarin man ang mundo, hindi nito maaalis ang katotohanan na nanay ko pa rin siya. Ibigay man niya sa akin ang blessings niya o hindi, gusto ko pa ring ipaalam sa kanya ang plano kong pakasalan si Kelly."You really love her," 'yon lamang ang tanging nasambit niya. Unti-unting tumitig siya sa akin. Nababakas ko ang kalungkutan sa mga mata niya.Muli kaming binalot ng nakakailang na katahimikan. Napayuko na lamang ako at naikuyom ang kamao ko na nakapatong sa hita ko, para pigilan ang sarili ko na maging emosyonal.My mom was my hero, silang dalawa ni dad. Sobra ko silang tinitingala at nirerespeto. Mahal na mahal ko silang dalawa. Kahit sa panaginip, hindi ko a
"Nasaan na ba si Gab? Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita," iritable kong tanong kay Danika habang inaayusan niya ako."Baka busy lang," sagot niya.Alas-singko na ng hapon pero ni anino ni Gab, hindi ko pa nasisilayan. Wala talaga siyang paramdam sa akin ngayong araw. Nakakapagtaka. Hindi niya ako dinalaw, samantalang halos araw-araw na nga siyang tambay dito sa bahay. Kulang na lang, dito na siya tumira.Hindi man lang siya magtext o tumawag para alam ko kung ano bang nangyayari sa kanya."Smile ka naman diyan, Kels." utos pa ni Danika.Paano naman ako ngingiti kung badtrip na badtrip ako? Humanda ka talaga sa akin, Gab!Hindi ko alam kung ano bang okasyon ngayon. Kung bakit kailangan pang bihis na bihis ako. They forced me to wear a stunning chiffon and knee length light blue dress that my mom bought yesterday. Suot-suot ko rin ang isang brown na wig na hanggang balikat ko ang haba. Nakakamiss tuloy ang totoong buhok ko
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen