Share

Chapter 6

Pasimple akong sumilip sa bintana ng student council room. Hinanap ng mga mata ko si Gadeon, bumagsak ang balikat ko ng hindi siya makita. I don't know why am i doing this, i know there's something wrong with me.

Uwian na kasi pero hanggang ngayon hindi parin siya bumabalik. Siguro kasama niya iyong Chesie?

I bit my lower lip, muli akong sumilip sa bintana inayos ko ang salamin na suot ko. Napabuntong hininga nalang ako at naglakad na paalis pero natigilan ako ng marinig ang boses ni Esten.

"Decie? Anong ginagawa mo dito?" My eyes widened, patay...baka kung anong iniisip niya.

Napayuko ako at napakamot saakin batok. Itatanong ko kaya? Pero ano nalang iisipin niya? Pero gusto ko talagang malaman kung nasaan siya! Pilit akong ngumiti.

"Hi! N-nasaan si Gadeon?" Tiningnan niya ako ng may nagtatakang mata.

"Bakit?" Ayan na nga ba ang sinasabi ko...

"Ahh...k-kasi...kasi itatanong ko kung pwedeng mag leave muna ako sa paglilinis ngayon!" Sana maniwala siya sa palusot ko. Halos kapusin ako ng hininga ng maningkit ang mata niya at sinuri ako.

Sa huli ay mukha naman siyang naniwala kay nakahinga ako ng maluwag.

"Ahh,si Gadeon ba? Hindi ko alam eh" Ay "Teka Zeyn!" Pagtawag niya sa babaeng pumasok sa student council room.

Lumingon ang babae at tumaas ang dalawang kilay na nagtatanong.

"Alam mo ba kung nasaan si Gadeon?" Tanong ni Esten sa babae.

"Si Gadeon ba? Umuwi na yata siya kasama iyong babae...Chesie? Chesie ba ang pangalan nun? Ah! Oo si Chesie nga" Bumagsak ang tingin ko sa baba.

Sabay silang umuwi? Bakit mag kapitbahay ba sila? Bakit sabay silang umuwi?!

"Ah ganoon ba sige salamat" Humarap saakin si Esten, i forced to smile. "Umuwi na raw kasama si Chesie" Hindi ko na napigilang magtanong.

"S-sabay sila?" Tumango siya.

"Oo,ang alam ko bestfriend niya si Chesie.Base sa kwento ni Chesie close na raw sila mula pagkabata" Bumagsak ang balikat ko, kaya naman pala ganoon nalang makadikit iyong Chesie kay Gadeon...

Bestfriend nga raw sila! Mag bestfriend na may something!

"Ah ganoon ba? Sige thank you..." Akmang aalis na ako ng bigla niya akong tawagin.

"Sandali" Lumingon ako "Huwag kang magalala, mas maganda ka sa kaniya" Napangiwi ako pero pinilit kong ngumiti.

Naglakad na ako paalis habang bagsak ang mga balikat. Bestfriend...bestfriend lang sila pero ang hayop, grabe makapulupot kay Gadeon. Para siyang ahas na inaangkin ang sa kaniya.

Hindi ko namalayan na naisara ko na ang kamao ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit parang naiinis ako? Anong nangyayari saakin?

"Naman!" Sinuklay ko ng diliri ko ang buhok at inis na napaadyak. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito!

Nagpakawala muna ako ng hinga, dumeretso na ako sa cr at nagsimula ng mag mop. Bawat pag mop ko may kasamang panggigigil. Naiinis ako kapag naaalala ko kung paano dumikit yung Chesie kay Gadeon. This is different! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

Nababaliw na ba ako? Mas inayos ko na lang ang pag mo-mop at pilit inaalis sa isipan ang mga panggigigil ko.

"Palagi akong nandito dahil gusto kong masiguro na uuwi ka ng maayos..."

Sinungaling!

"I'm worried..."

Style mo bulok!

I'm worried--im worried kapang nalalaman mas inuna mo pa nga iyang Chesie kaysa saakin! Akala ko ba babantayan mo ako para masigurong uuwi ako ng maayos? Liar you scumbag!

"Nakakainis ka! Ang sarap mong iuntog sa pader!" Nagngitngit ang ngipin ko,inihampas ko ang mop sa dingding "Liar! Liar! Liar! You're a fucking liar dumbass! Nakakainis ka! Ang sarap mong durugin ng buhay! Ang sarap mong daganan ng washing machine plus refrigerator! Nakakainis kang masyado! Pinagiinit mo lagi ang ulo ko! Madapa ka sana.Go to hell her jerk--"

"Cursing is prohibited Decie"

"Ay sinungaling!" Mabilis kong natutop ang bibig ko ng marinig ang boses niya. Gulat akong napalingon sa pinto,biglang kumalabog ang puso ko ng makita siyang nakasandal sa pinto, he's crossing his arms on his chest habang may nakasilip na ngiti sa kaniyang labi.

Andiyan na ang sinungaling.

"Sinong sinungaling?" Mapaglaro nitong tanong. Taas noo ko siyang tiningnan.

"Ikaw--ah! Este--bakit ba?! Wala naman akong sinabing sinungaling" Umiwas ako ng tingin at ngumuso "May sinabi ba akong sinungaling?..." I whispered.

"Hinahanap mo raw ako?" I rigid, p-paano niya nalaman? "Sinabi saakin ni Esten"

Napasinghap ako.Pilit akong tumalikod sa kaniya, at hindi na pinansin ang sinabi niya.

"Akala ko ba mag le-leave ka ngayon?" Lumingon ako at napa kurap kurap.

"N-nagbago ang isip ko" Pasimple kong tinapik ang labi ko.Bakit ba ako nauutal?

I feel so tensed when i feel his presence behind me. Narinig ko ang yabag ng kaniyang sapatos palapit saakin.

"Bakit?" Inis akong napaharap--bigla akong napaatras, pagharap ko sa kaniya ay sobrang lapit na namin sa isat isa.

I flinched when he moved again, wala akong marinig meron pala...naririnig ko ang sariling tibok ng puso ko! Natatakot akong lumapit siya saakin dahil baka marinig niya ang tibok ng puso ko--masyado pa namang malakas...

"Anong bakit?" Matapang kong saad. Hindi ko na nagawang gumalaw ng marahan niyang tinanggal ang salamin na suot ko.

Tumabingi ang ulo niya at tinitigan ang mukha ko. Para bang kinakabisa niya iyon,para hindi niya makalimutan. Ngayon ko lang napagmasdan ng sobrang lapit ang mukha niya.

Those almond-shaped eyes na parang isang kindat lang mahuhulog ka na sa kaniya, long eyelashes na dinaig pa ang babae, thick and black eyebrows na mas nadedepina tuwing nagdudugtong ang kilay,those pointed nose, his perfect jaw,mukhang ang lambot ng buhok niya, bumaba ang tingin ko sa kaniyang labi. Napalunok ako ng matitigan, natural na mapula at mukhang malambot--ipinilig ko ang ulo ko at umiwas ng tingin.

"Akala ko ba kasama mo si Chesie?" Lumayo ako sa kaniya at pinagpatuloy na ang paglilinis. Parang hindi ko kaya ang ganitong senaryo...

"Oo,bakit?"

"Wala,masama ba magtanong?" Pagtataray ko sa kaniya i heard his chuckled. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Kasama ko siya kanina,medyo na late ako pumunta dito dahil nagpahatid pa siya. Don't worry, she's just my bestfriend" Bestfriend? Talaga lang ha?

Kumunot ang noo ko humarap ako sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay.

"Bakit ka nagpapaliwanag? Hindi naman ako nagtatanong" Nakanguso kong saad, I can see an amusement on his eyes while staring at me.

Para siyang natutuwa sa nakikita niya--duh?! Hindi naman ako clown para pagkatuwaan niya. Yun! Si Chesie mas mukha iyong clown kaya iyon nalang ang tawanan niya bwisit siya. Nanggigigil akong masyado sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko iba na ito...may sakit ba ako sa katawan? Sa isip? Oh baka sa puso?

Napailing iling siya habang nakayuko, napahawak pa siya sa gilid ng mga mata niya. Ewan ba...biglang nagliwanag ang tingin ko sa kaniya ng bigla siyang ngumiti saakin. He's showing his genuine--winsome smile, it's like a killer smile na pang akit niya sa mga babae.

Bakit parang ngayon ko lang na appreciate ang itsura niya? Gwapo siya,kaya pinagkakaguluhan siya ng mga babae, matalino siya, masipag, masasabi mong isang modelo siya ng magaling at mabait na estudyante.

Nagulat ako ng hawakan niya ang baba ko at pilit isinara ang bibig ko.

"Nakanganga ka,baka pasukan ng langaw" Biglang nanlaki ang butas ng ilong ko.

"Fuck you" Napangiwi ako ng biglang sumeryoso ang mukha niya dahil sa pagmumura ako.

"Stop cursing hindi bagay sa iyo mag mura" Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Pakialam ko kung hindi bagay saakin ang magmura. Bakit bagay ba sa kaniya? Sige nga, patingin nga...gago to.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status