Share

Chapter 7

DEBORAH’S POV

“King ina! Paniguradong aasarin na naman ako ng ungas na iyon!”

Pasabunot kong isinuklay ang aking mga daliri sa aking buhok habang nasa loob pa rin ng cubicle at nakaupo sa toilet.

“Inhale tapos exhale, Deborah,” sabi ko sa aking sarili saka huminga nang malalim.

“Bakit ka ba nagkagano’n kanina? Para kang siraulo, Macalintal! Eh ano naman kung sumama siya sa mga babaeng iyon? Ano naman sa iyo? Edi hayaan mo siyang mag-party! Malaki na si Byeongyun, okay? Siya nga si Goliath, ‘di ba? Buwisit kasing guard iyon e! Hay!”

Muli akong huminga nang malalim saka ilang minuto pang nanatili sa loob ng cubicle para mahimasmasan.

Nang tangkain ko nang tumayo para sana lumabas sa cubicle ay sakto namang may narinig akong nag-uusap sa labas kaya’t napaupong muli ako.

“Ang ganda ni Choi Soobin, ‘di ba?”

“Tama ka. Kaya nga nakakapagtaka na ayaw sa kaniya ni Byeongyun e. Sayang. Kung hindi siguro dahil sa nangyari noon sa kanila, hindi siguro magagalit sa kaniya si Byeongyun nang gano’n.”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status