Share

Chapter 43: Finale

DEBORAH’S POV

Maaga akong nagising kinabukasan. Buhay na buhay ang group chat namin nila Byeongyun, Einon, Watt, and Bavi nang mag-online ako. Yes, kasama si Bavi. A week old pa lang ang group chat namin.

“Balita ko umalis na raw si Soobin?” entrada ni Einon.

“Hindi man lang nagpaalam sa akin,” tugon ni Watt na may umiiyak na emoji.

“Salamat daw sa tula, Watt. Pero sorry, hindi ka raw talaga niya type,” sabi ko. Ang harsh ng dating pero iyon talaga, e. Para maka-move on na rin talaga siya.

“Paano mo nalamang binigyan ko siya ng tula?”

“Hala, ang corny mo talaga, Watt. Oh ayan ha, hindi ka talaga type,” pang-aasar pa ni Einon.

“Pero nice guy ka daw naman, Watt,” sabi ko. Pampalubag-loob sa kaniya.

“Did you two talk?” biglang singit ni Byeongyun.

“Oo, saglit. Bago siya umalis kahapon. She apologized to everyone,” sagot ko. “Ikaw, kinausap mo pa ba siya?”

“Nah.”

“If Soobin’s really leaving, mukhang magiging okay na ang mga susunod na araw para sa iyo, Mexico,” Bavi commented.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status